Chapter 15 Part 1

889 21 11
                                    

(Kiefer’s POV)

Akalain mo yun may POV rin pala ako hehe. Anyways buti na lang at napapayag ko si Mika na pumunta sa birthday party ko. Sa totoo lang, siya lang talaga ang gusto kong pumunta sa party, pero alam kong 'di siya papayag kapag 'di ko sinama buong team nila, lalo na 'yong Ara na 'yun. Isa pang epal 'yon eh, akala mo kung sino. Makaasta, parang girlfriend ni Mika. Lagi na lang akong pinagbabawalan na makita si Mika. Hindi ko tuloy magawa yung plano ko, pero bukas sisiguraduhin ko na magagawa ko na 'yun. Hindi ako pwedeng mapahiya sa mga kaibigan ko. Wala pang babae na hindi nahuhulog sa 'kin. Lahat sila nagkakandarapa at 'yong Mika na 'yon, alam kong gusto niya rin ako.

Buti na nga lang at nakuha ko na ang loob ni Mika. Akala niya siguro eh patay na patay ako sa kanya. Baka nga siya pa ang patay na patay sa 'kin. Ako? Mahuhulog sa napakabaduy at mahirap na babaeng 'yon? Imposible, gagamitin ko lang naman siya para pagselosin ang ex ko eh. Naalala ko tuloy yung gabing una kong makita si Mika.

At doon nga nagsimula ang pagpapanggap ko. Nagtanong ako sa mga kaibigan ko sa DLSU kung anong pangalan niya. Mika Reyes daw. Newbie lang. Nung first day nga raw ay muntik na mapaaway eh. Kayang-kaya ko pala 'tong babaeng to. Nagpustahan din kami ng mga kaibigan ko kung kelan siya bibigay sa 'kin, at mukhang ngayong araw na 'yon. Humanda ka Mika, alam ko namang 'di mo 'ko matitiis eh.

(Vic's POV)

Ewan ko ba, pero masama talaga ang kutob ko kaya ayaw kong pumunta sa party nung unggoy na 'yon. Palagay ko ay may mangyayaring masama. 'Di ko talaga pinagkakatiwalaan 'yun eh. Paano kasi, yung mga panahong wala pa 'kong pake sa mundo, lagi kaming nagkikita sa bar. Ako naman eh umiinom lang, pero siya, jusko! Ang daming chix, kaya nga nung nalaman ko na nililigawan niya si Mika, sobra na ang galit ko. Alam kong niloloko lang niya si Mika, at isa pa, napakayabang niya. Akala mo kung sinong gwapo eh, mas gwapo pa nga ako sakanya. Hinding-hindi ako papayag na mapunta sa kanya si Mika.

“Hoy Vic. Nag space out ka na naman dyan. Magayos ka na nga at parating na sila Ate Aby.” sabi sa 'kin ng babe ko.

“Babe, pwede bang 'wag na tayo pumunta? Pwede pa naman umatras eh. Malakas ka naman kay Ravena, maiintindihan ka nun.”

“Hay nako Vic, ang kulit mo naman eh. Nakakahiya nga dun as tao. Ano bang problema at ayaw mong pumunta, ha?”

“Eh kasi—“ 'di ko naman masabi kung bakit. Mapakababaw naman kasi ng rason ko kung sasabihin ko na pakiramdam kong may masamang mangyayari.

“Kasi?”

“Kasi gusto kita masolo.” sabay back hug ko sa kanya. Hay, sana naman makalusot.

“Ano ba, Vic! Chansing ka na naman eh.” reklamo niya.

“Gusto mo naman!” sabay higpit pa ng yakap ko.

“Mukha mo. Bitawan mo nga ako.”

“Ayaw!”

“Kapag 'di mo 'ko binitawan, 'di kita isasama sa party!”

“Okay lang, kasi 'di ka rin naman makakasama dahil 'di kita pakakawalan.”

“Ah, talagang ayaw mo ha..” ano kayang gagawin nito.

Ayun na nga, piningot niya ang tenga ko. “ARAY KO BABE, ARAY!”

“Ano, 'di ka pa rin kakalas?” sabi niya, habang 'di pa rin binibitawan yung tenga ko.

“Aray naman babe! Oo na, oo na! Bitawan mo na yung tenga ko, please!” at binitawan na nga niya. Jusko ha, ang sakit grabe. Pagkatapos ay binitawan ko na rin siya.

“Magayos ka na nga doon. Iiwan ka talaga namin.” hay, kainis naman oh. Ang saya ko na eh, yakap-yakap ko ang babe ko, pero wala na 'kong magagawa, siya ang boss eh. Bago pa 'ko mag-ayos ay hinalikan ko siya sa cheeks at kumaripas ng takbo.

“VIIIIC!” narinig kong sigaw niya at tumawa lang ako. At least, naka-score ako sa babe ko.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon