(Mika’s POV)
Simula nung nagkasakit ako at nung nagopen up sa 'kin si Vic, nagiging okay na kami sa isa’t isa. Lagi na kaming nagkukulitan at nagaasaran, 'di na tulad ng dati na ubod kami ng sungit sa isa’t isa at laging nagbabangayan. Mas nagiging clingy nga siya sa 'kin pero okay lang, gusto ko naman eh. Ano ba 'yan Mika! Ano ba nangyayari sa 'yo?
“Babe, nakatulala ka nanaman dyan. Kumain ka na nga.” sabi ni Vic habang nasa kwarto kami, kasama sila kambal, Ate Kim at Carol.
“Ugh! Vic, can you please stop calling me babe? Mika na lang please.” sagot ko na medyo nabo-bother.
“Pero bakit-“
“Sige isa pa! 'Di na talaga kita papansinin.”
“Okay, okay. Sorry na po, Mika 'di na po.” sabi niya habang nakangiti.
“Good.” sagot ko.
“Ay, under ka pala Ara!” sabi ni Ate Kim habang tumatawa.
“Ate Kim talaga oh!” sabi ni Vic.
“Hay nako, kung 'di lang NBSB 'tong si Mika at chickboy 'tong si Ara, iisipin ko na may relasyon kayo. Sobrang sweet niyo at ang cute niyong tingnan.” sabi ni Cams sabay kurot sa tagiliran ko.
“Bagay kayo! Omg!” sabi naman ni Cienne.
“Pwede naman namin totohanin yun eh. 'Di ba Mika?” sabay kindat sa 'kin ni Vic. Nako! Ang harot talaga ng babaeng 'to.
Hinampas ko sa braso ang mokong at ayun, buti nga sa 'kanya. “Aray! Babe naman eh!” sabi niya at binatukan ko siya ulit. Sabi ng 'wag akong tatawaging babe eh. Nakakailan na 'to!
“'Di ba sabi ko, stop calling me 'babe'? Ang kulit mo naman eh.”
“Sorry na! 'Wag ka na magtampo ah.” sabay side hug sakin. Nako, ito naman ako, namumula.
"Ayie! Kinikilig si Mika oh!” sabi ni Cienne habang tinatawanan ako.
“Ugh! Oo na! Kumain ka na lang dyan pwede?” sabi ko kay Vic.
Buong araw ay nakatambay lang kami sa dorm habang nag movie marathon, kwentuhan, kainan at naglaro ng kung ano-ano. Biglang may nagdoorbell at nagtaka kami kung sino naman yun.
“Uy Cienne, tingnan mo nga kung sino yun.” sabi ni Vic.
“Kim, buksan mo yung pinto, nanonood pa ko eh. ” sabi naman ni Cienne.
“Carol paki-bukas naman yung pinto, mas malapit ka dyan eh.” sabi naman ni Ate Kim.
“Cams! Masakit paa ko, ikaw na lang.” sabi naman ni Carol.
“Mika pakisuyo naman, yung pinto daw.” utos ni Cams.
“Vic! Buksan mo yung pinto please!” sabi ko kay Vic.
“Okay.” sabay tayo ni Vic. “Teka lang, ako yung nagutos kanina ta's ako rin pala magbubukas?" reklamo niya.
“Sige na, Vic! Buksan mo na!" sabi ko.
(Vic’s POV)
Tingnan mo nga naman, ako na nag-utos, ako pa pala ang gagawa ng inutos ko? Kainis, istorbo naman nito. Binuksan ko na ang pinto at agad ko namang sinara ng makita kung sino yun.
“Oh, Vic sino daw yun?” tanong ni Mika.
“Ah, wala unggoy lang na naligaw.” sagot ko at naupo na lang sa tabi niya.
“Huh? Meron bang unggoy na nagdo-door bell?” tanong niya. Ang cute talaga nitong babaeng 'to.
“Oo.” sagot ko nang bigla ulit nagdoorbell yung unggoy. Ang kulit talaga nun.
“Ako na nga.” pagvo-volunteer ni Ate Kim at agad din naman bumalik pagkabukas ng pinto.
“Oh Ate Kim, sino naman yun?” tanong ni Mika.
“Ah, wala iguana na naligaw lang." sagot niya at naupo na lang ulit.
“Ano ba 'yan? Zoo na ba 'tong school natin at ang daming hayop na naliligaw?” sabi ni Mika. Bigla naman nagdoorbell ulit yung unggoy.
“Ako na nga! Parang ewan tong si Kim at Ara eh” pagsasalita ni Cienne. Binuksan na niya ang pinto at sinara rin katulad ng ginawa namin ni Ate Kim. Natawa naman ako dahil boto talaga 'tong mga kaibigan ko sa 'kin.
“Sino yun Cienne?” tanong ulit ni Mika.
“Ah.. butiki lang na napadaan.” kaya mahal na mahal ko 'tong si Cienne eh.
“Pati ba naman ikaw Cienne? Hay! Ako na nga. Baka mamaya tigre na yung nasa labas.” tumayo na si Mika at nagtinginan kami ng mga kaibigan ko.
(Mika’s POV)
Parang ewan talaga 'tong mga kaibigan ko ang lakas ng trip. Binuksan ko na ang pinto at nagulat naman ako kung sino yon.
“Oh, Kiefer ba't ka andito?” tanong ko.
“Bawal na ba bisitahin ang pinaka magandang prinsesa?" sabi niya.
Ano raw? Prinsesa? Nako Kiefer, 'di bagay sa 'yo.
“Pasok ka.” sabi ko.
Pumunta na kami sa mga kaibigan ko at pinakilala na siya, pero mukhang kilala na naman nila.
“Hi, beautiful girls.” bati ni Kiefer.
“Ah.. hello.” matamlay nilang sagot. Anong problema ng mga 'to?
“Ba't pinapasok ni Mika yung unggoy?” narinig kong bulong ni Cams kay Carol.
“Ewan ko rin eh. Tama ka nga Cienne, ang laking butiki nito.” sagot naman ni Carol.
“Katakot-takot na iguana.” bulong din ni Vic.
“Ah.. may sinasabi ka, Ara?” tanong naman ni Kiefer.
“Ah, wala! Sabi ko ang cute nung unggoy sa palabas.” baliw talaga 'tong si Vic.
“Ah.” sagot ni Kiefer
“Siya nga pala Kiefer, ba't ka nandito?” tanong ko.
“Aakyat ng ligaw. Ito nga pala, flowers and chocolates for you.” sagot niya sabay labas ng mga 'to sa likod niya.
“Ang cheap naman.” bulong ni Ate Kim.
“May sinasabi ka ba, Kim?” tanong ni Kiefer.
“Wala, wala.”
“Ah, Kiefer.. ano kasi, nagbo-bonding kami eh. Medyo wrong timing ka. Next time ka na lang bumalik ah? Tsaka magsasabi ka kapag pupunta ka dito, 'wag yung biglaan." sabi ko naman at tinanggap ko na rin ang binigay niya.
“Ah, ganun ba.. sorry ah. Gusto ko lang naman kasi sorpresahin ang prinsesa ko.” sabi niya sa 'kin.
“Ah, thank you. Next time na lang.” sagot ko naman sabay ngiti sa kanya. Bigla namang tumawa ng malakas sila Vic.
“Ara! Narinig mo yun?! Grabe, tawang-tawa ako! Sobrang corny niya!” sabi ni Cienne habang tumatawa.
“Ah, ano nakakatawa?” tanong ni Kiefer. Hay, Kiefer. Kung alam mo lang eh. Kawawa ka naman.
“Yung lalaki kasi sa palabas ang corny! Ayun, rejected tuloy siya.” sabi ni Ate Kim sabag turo sa T.V.
“Sige Kiefer, baka may importante ka pang gagawin. Balik ka na lang.” sabi ko sa kanya habang hinahatid siya sa pinto.
“Kahit 'wag na.” bulong ni Vic.
Pagkaalis ni Kiefer ay bumalik na 'ko sa tabi ni Vic at sumandal sa kanya. Oh 'di ba, ang clingy lang namin.
“Mika, lakas ng tama sa 'yo nung Ravena na yun ah.” sabi ni Cams.
“Sus, hayaan mo yun. Wala naman siyang pag-asa sa 'kin eh.” naramdaman ko namang umakbay sa 'kin si Vic at bumulong sa tenga ko. “Buti naman, babe.” sabay halik sa pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/25395163-288-k464812.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
FanfictionPaano kung yung taong nagpapatibok ng iyong puso ay taliwas sa iyong mga prinsipyo? Paano kung yung taong kinaiinisan mo ay siyang dahilan ng iyong kasiyahan? Paano kung mismong mga mahal mo sa buhay at maging hadlang sa inyong pagmamahalan? Magkai...