Chapter 18

1K 36 7
                                    

(Mika's POV)

Kakatapos lang ng class namin at lunch na. Excited naman kaming dalawa ni Cienne dahil makikita na namin ang mga babe namin, este babe niya lang pala.

“Hi babe!” nagulat naman ako nang makita ko si Vic sa labas ng classroom namin.

“Oh, anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Sinusundo ka.” sagot naman niya na abot tenga ang ngiti. Nako Vic, 'wag 'kang ganyan, lalo akong naiinlove sa'yo eh. Huh? Wala akong sinabi ah, nakita niyo 'yan. Wala talaga.

“Oh ano, magtitigan na lang ba kayo diyan?” singit naman ni Cienne. Makatitig kasi si Vic wagas, pati tuloy ako nahawa.

“Akin na yang dala mo babe.”

“'Wag na. Kaya ko na 'to.”

“Hay nako babe, 'wag na makulit. Akin na 'yan.”

“Okay lang talaga Vic.”

“Manliligaw mo 'ko kaya dapat kitang alagaan.” Kinuha na niya ang bag ko.

“ARAY!”singit na naman ni Cienne “nakagat ako ng langgam, ang tamis niyo kasi eh!”

“Inggit ka lang eh!" sabi ni Vic

“Che! Nasan na ba ang baby ko nang kayo naman ang mainggit samin?”

“Nandun na sa cafeteria. Kanina pa naghihintay sa'yo” sagot ni Vic

“Oh tara na!” sabi ko naman.

Nandito halos buong student body sa cafeteria dahil may big announcement daw. Pati kaming mga athletes kasama. Kanina pa nga kami nandito kaso wala pa yung mga announcers. Hay, nakakainip na.

"Babe anong gusto mo inumin?” tanong ni Vic.

“Kahit ano na lang” sagot ko.

“Sure ka babe?”

Tumango na lang ako. Umalis na naman si Vic para bumili ng inumin namin.

"Ugh! Feelingera talaga 'tong probinsyanang 'to.”

“Akala mo kung sino! Grabe makautos kay Ara eh.”

“Alipin daw eh, tss ewan ko nga ba't nagustuhan 'yan ni Ara.”

Ilan lamang 'yan sa mga pangutngutya na naririnig ko sa tuwing makikita ng mga tao na sweet o magkasama kami ni Vic. Sanay na 'ko sa mga ganyan. Hindi ko naman na sila pinapatulan dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga sinasabi nila sa halip ay ngiti na lang ang igaganti ko at ayun, inis na inis silang aalis.

“Good morning everyone! As you all know, 'Summer Smiles' has been a tradition in our school for a long time. We conducted surveys throughout the whole campus on who their 10 favorite couples are. Different people will be paired up, according to the students' choice, and will have to compete with nine other couples.” ano daw? Summer Smiles? Hindi ko naman alam yan since bago lang ako dito. Teka, nasan na ba si Vic at napakatagal naman bumalik? Baka dinumog nanaman, gwapo kasi eh. Hay, uy wala ulit akong sinabi promise, wala talaga.

(Vic’s POV)

Ang tagal naman ibigay yung order ko. For sure naiinip na ang babe ko.

“Ah Ma'am, ito na po.”

“Salamat.”

Pagkabalik ko ay agad akong tumabi sa babe ko.

“Babe, ito na oh.”

“Salamat. Tagal mo naman ata?”

“Ewan ko ba dun kay Ate, siya yung matagal eh.” napailing na lang ako sa walang kwentang sagot ko.

“Oh, ano daw meron?” tanong ko sa kanila.

“Ah Summer Smiles, tradition niyo daw dito.” sagot ni Cienne.

“10 couples daw ang mapipili to join the event” sagot ni Cams.

“Kawawa naman kung sino mapapasali.” sabi ko.

Taon taon kasi nagaganap yang Summer Smiles. Napakaswerte ko nga dahil never pa ko napasali dyan at wala rin naman akong balak.

Tumuloy namang magsalita yung announcer tungkol sa mga rules bago iannounce yung couples.

"So, now I will announce the couples!” masiglang sabi nito.

“Mae Santos and James Reyes!” pareho silang tumayo at pumunta sa harap. Kita ko naman na nahihiya sila. Napailing na lang ako. Ano 'to? Matchmaking contest?

“Cienne Cruz and Kim Fajardo!” nagulat naman kaming lahat at nagtawanan ng malakas. Pero itong si Kim eh ngiting ngiti. Pano, makakachansing siya kay Cienne.

“Carol Cerveza and Camille Cruz!” gulat sila pareho. Sus, itong dalawang 'to konting push na lang talaga, may milagrong mangyayari na. Pumunta naman na silang apat sa harapan. Mukhang alam ko na kung sino ang sunod na tatawagin ah. Bigla tuloy akong naexcite. Di na ako mapakali na basahin ng announcer ang nakasulat sa papel na hawak niya.

“Ara Galang and” ito na! “Kristin Flores!” nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Si Tin? Bakit si Tin ang kapartner ko?! Tiningnan ko naman ang babe ko at halatang nagulat din siya sa nangyari.

“Sige na Vic, pumunta ka na sa harap.”

“Ayoko babe! Gusto ko, ikaw ang kapartner ko.”

“Vic naman eh, 'wag na makulit, si Tin lang 'yan!”

“Ayoko! Tsaka wala naman akong mapapala sa Summer Smiles na 'yan!”

“Vic ano ba! Lahat ng tao nakatingin na dito oh, pumunta ka na kasi dun.”

“Ayoko!”

“Vic, please pumunta ka na dun.”

“Ayoko sabi!”

“Vic, isa!"

“Ayoko nga eh!”

“Pag hindi ka pumunta don-“ agad na naman akong tumayo at pumunta sa harapan. Narinig ko naman ang pagtawa ni Mika. Hay, kahit kailan talaga, 'di ko matiis 'tong babaeng 'to. Kahit labag sa kalooban ko ay pumunta na 'ko sa harapan at tumabi kay Tin.

Katabi ko na naman si Tin ngayon at ang bruha ay ngiting ngiti, nakuha pang hawakan ang kamay ko. Tiningnan ko naman siya ng masama at agad na binawi ang kamay ko. Ang ibang babae sa campus, ayun, halos umapoy na sa sobrang inggit at selos. Wala eh, Ara Galang yata 'to.

Anim na couples pa ang inannounce at sobrang bored na 'ko. Actually, hindi na nga ako nakikinig eh. Buti sana kung si Mika ang kapartner ko, eh sobrang saya ko pa sana. Busy ako habang nakikipag usap kay Ate Kim, nang may marinig ako na nakapag pagulat sa akin.

“Mika Reyes” sabi ng announcer. Kasama si Mika?! Tiningnan ko Mika at nagkibit balikat lamang siya. Lahat ng tao ay naghihintay sa kung sino ang magiging kapartner ni Mika. Hindi pa kasi mabasa ng announcer ang nakasulat sa papel dahil masyadong maliit ang sulat.

“Mika Reyes” paguulit niya “And Jeron Teng!” nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa narinig ko.

Mika and Jeron?!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ooops dumating na si Jeron! Ano kaya ang magging role niya sa lovestory ng ating mga bida? Abangan!

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon