Chapter 20

958 33 2
                                        

(Vic's POV)

"I love you babe" saad ni Mika na siyang nagpalaki ng ngiti sa labi ko.

"I love you too babe." at unting unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya. Ayan na malapit na malapit nang magdikit ang aming mga labi. Matapos ang paghihirap kong ligawan siya, sa wakas matutupad na aking matagal na pinapangarap..

5...

4...

3...

2...

"Vic! Late na tayo!" huh? Ano 'yon?

"Vic ano ba! Gumising ka nga!" bwiset na istorbo naman 'yun oh! Sino ba 'yon?

"Huy, Vic! Ano ba, tara na! Late na tayo oh, bumangon ka na! Nananaginip ka pa rin ba?" panaginip? Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko ang pigura ni Mika na inis na inis. Panaginip lang pala 'yon? Ugh! Nakakakainis naman oh!

"Babe naman ang aga aga pa oh! Pwede kumalma ka dyan?"

"Anong kumalma? Nakalimutan mo na ba, ngayon na ang alis natin papuntang Baguio?"ano daw? Baguio? At bakit naman kami pupunta ng baguo eh hindi.. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko..

"Oo Vic, ngayon ang simula ng Summer Smiles kaya bumangon ka na dyan dahil baka maiwan tayo ng bus! Dali, dali!" nakalimutan ko ngayon pala yon, ugh! Well, kinalimutan ko naman talaga eh kasi ayaw kong magparticipate lalo na kapartner ko si Tin. Jusko, tingin palang niya nare-rape na 'ko eh. At ayaw ko ring makalapit si Jeron kay Mika. Mahirap na, baka kung anong gawin ng tukong yun sa babe ko. Mas gusto ko na dito na lang kami ni Mika sa bahay, at least masosolo ko pa siya. Kaso itong si Cienne ang daldal, sinabi niya kay Mika na exempted na sila sa exam kapag sumama sila sa event. Kaya ayun, ang babe ko halos 'di na makatulog, excited daw siya lalo na first time pa niya sa Baguio at tsaka sayang naman daw ang exemption.

"Huy Vic! Maligo ka na nga, kung hindi, iiwan kita."

"Oo na babe, ito na po." walang ganang tumayo na 'ko at naligo. Hay sana lang maging masaya ang event na 'to. Kakatapos ko lang ayusin ang lahat ng gamit ko at paglabas ko nakita kong nakasandal ang babe ko sa hood ng sasakyan. Wow, ba't parang mas lalo siyang gumaganda? Nakasuot siya ng white tank top with matching black pants and vans. May nakataling polo sa kanyang bewang at nakasuot din siya ng snapback. Talk about hotness!

"Done checking me out?"

"Ah, eh, hin-?"

"Hay nako Vic, bistado ka na. Halika na nga." pumasok na kami sa sasakyan at dinrive na kami ni manong driver papuntang school. Kararating lang namin dito sa school pero 'di na namin makita ang bus na maghahatid sa amin. Baka sa ibang lugar lang nakapark.

"Tanong na lang natin si Kuya Guard baka alam niya kung nasan 'yong bus." suggestion ni Mika. Tumango naman ako.

"Good morning po Ma'am! May kailangan po kayo?"

"Good morning din Kuya. Gusto lang po sana naming tanungin kung alam niyo po kung saan nakapark 'yong bus na papuntang Baguio?"

"Ah, yung para po ba sa Summer Smiles Event?"

"Opo, yun nga po."

"Eh, Ma'am kanina pa po nakaalis. Siguro mga kalahating oras na po ang nakalipas."

"Po? Ganon po ba sige salamat po." patay! Naiwan kami ng bus. Pa'no na?

"Ikaw kasi eh! Ang bagal bagal mo kumilos, ayan tuloy naiwan tayo." inis na sabi ni Mika sabay batok pa sa 'kin.

"Aray naman babe! Kung ginising mo lang kasi ako ng mas maaga, 'di sana tayo naiwan."

"Excuse me, ginigising po kita kaso waepek kasi feel na feel mo yung panaginip mo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon