Chapter 5

885 24 2
                                        

(Vic’s POV)

Grabe muntik na talaga yun, buti na lang pinatawag ako ni Mama. Nagbilin lang naman siya sakin na alagaan ko daw si Mika at bawas bawasan ang pagiging masungit ko. Natawa na lang ako sa sinabi niya at bumalik na sa kwarto ko.

Pahiga na sana ako nang makita kong himbing na himbing na ang tulog ng bruha. No choice naman ako, kaya ako na lang ang matutulog sa couch. Alangan naming gisingin ko pa siya eh, mukhang nasa dreamland na.

Naalimpungatan ako sa sobrang lamig. Sakin kasi nakatapat ang hangin ng aircon kaya kahit may kumot ay ‘di pa rin sapat. ‘Di na talaga kinaya ng katawan ko kaya tinabihan ko na si Mika at tuluyan ng nakatulog.

(Mika’s POV)

Nagising ako nang makaramdam ako ng mahigpit na yakap. Haaay ang sarap naman sa feeling, pero teka sino naman yung yumayakap sakin? Wala naman ako sa bahay eh, so imposibleng si Mama ‘to. Dahan-dahan akong umikot para makita kung sino at laking gulat ko nung makita ko siya.

“WAAAH MANYAK!” sigaw ko habang tinutulak siya.

“Ano ba naman yan babe. Wag ka magulo please, 5 minutes pa.” Sabi ni Vic at mas lalong humigpit ang yakap niya.

“Anong babe?! Hoy! Nananaginip ka ba?” sabi ko habang sinasampal yung mukha niya.

“Babe, quiet please.” Sabay halik sa noo ko habang nakapikit pa rin.

Natulala naman ako sa ginawa niya. Bakit ako nagb-blush? Nawawala na talaga ako sa sarili ko. Ayaw niya talagang gumising ah, maitulak nga.

“ARAY! Ano bang problema mo?!” naiinis na pagkasabi niya habang hinihimas yung likod niya. Tinawanan ko na lang siya habang bumabangon ako.

“Buti nga sayo!”

“Ano bang problema mo at kailangan mo pa kong ihulog? Ang aga aga eh. “ seryoso naman niyang sabi.

Hala. Galit na yata tong mokong na ‘to. Malamang Mika! Kahit sino naman siguro na itulak mo sa kama ng maaga eh magagalit.

“Makayakap ka naman kasi sakin wagas! Tapos kung maka “babe” ka pa eh.. ugh! Ayan napala mo!” sagot ko sakanya.

“Ah ganun ba? Kunwari ka pa eh, nagustuhan mo rin naman yun. Eh baka gusto mo pa ng round 2 ano?” sabi niya habang papalapit na siya. Teka, ‘di ko alam gagawin ko.

“Oh bakit ka nagb-blush?” pangasar niya.

“Ah.. e-ehh.. kasi.. a-ano..” ano ba yan! Bakit nagkakaganito ako? Umayos ka nga Mika!

“Kasi ano?”

“Kasi ang pangit mo at ang baho ng hininga mo! Tabi nga dyan!” sabay tulak ko ulit sa kanya at kumaripas ng takbo papunta sa cr. Haaay! Sasabog na yata yung puso ko.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon