(Mika’s POV)
After ilang days ay naging komportable naman na 'ko sa DLSU. Halos lagi na kaming magkasama ni Cienne at medyo naging kalmado na kami ni Vic sa isa't isa.
“Uy Mika! Gusto mo ba magtry-out para sa varsity team ng school sa volleyball?” ang sabi ni Cienne, habang naglalakad kami papunta sa sunod naming klase.
“Ah.. wag na lang. Wala naman akong hilig dyan eh.” sagot ko. Nako, kapag sumali ako sa ganyan, baka maging sagabal sa studies ko. Scholar pa naman ako.
“Sige na! Samahan mo na kami ng kambal ko please!" pagmamakaawa niya habang hinihigit ang braso ko.
“Nako, Cienne. 'Di ako magaling dyan. Maghanap ka na lang ng iba mong pwedeng isama.” sagot ko.
“Sige na! Chance na rin nating sumikat oh! Kung sakaling mang makapasa tayo.”
“Ayoko talaga Cienne.” ang kulit naman nito!
“Sige na! Please!” with matching puppy eyes pa ang bruha.
“Ugh! Oo na, oo na! Kung di ka lang talaga mapilit eh.”
“Yehey!” parang batang sambit naman ni Cienne sabay hug sa akin.
Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na kami sa gym. Hay, sigurado naman na 'di ako makakapasa. Mapilit lang talaga to si Cienne.
“Cienne!” sigaw ng isang babaeng kamukhang-kamukha ni Cienne na naka-shorts at jersey na. Baka ito yung kambal niya?
“Uy!” sagot ni Cienne.
“Siya nga pala, si Camille kakambal ko.” pakilala sa 'kin ni Cienne. Grabe, magkamukha talaga sila.
“Hi! Ikaw pala si Mika. Nakwento ka na sa 'kin ni Cienne eh. Ang bait-bait mo daw.” sabi niya, sabay ngiti.
“Ah, nako, 'di naman masyado. Camille, right?” ang sabi ko at nginitian siya pabalik.
“Yes, Cams for short. Oh, tara na. Malapit na magsimula oh."
Nakapila na kami nang may makita akong pamilyar na mukha. Si Vic! Ba't andito yun?
“Nandito ka?” tanong nya habang papalapit sa 'kin.
“Huh? Mukha ba 'kong nandito?” sagot ko. 'Di ba nagiisip 'to?
“Hay. Ba't ka andito?"
“Nagugutom kasi ako eh, kaya pumunta ako dito para kumain.” nakakaasar 'to. Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko dito?
“Ugh! Don’t tell me magt-try out ka?"
“Oo! Bakit, bawal ba?"
“Hindi naman. 'Di lang kasi ako makapaniwala na hilig mo pala ang volleyball.” sabi niya habang nakangiti. Ano nanamang problema nito?
“Eh ikaw magt-try out ka rin? Seryoso ka ba?" sagot ko sabay tawa.
“Ang yabang mo ah! Bakit ikaw, magaling ka ba? Kala mo kung sino makapagsalita.”
”Just wait and see, 'babe'.” hamon ko sa kanya habang nangaasar.
Ugh! Nakakainis! Sinira na naman niya araw ko. Sabi ko hindi ko gagalingan dahil pinilit lang naman ako ni Cienne, pero dahil sa asungot na 'to ipapakita ko ang hinahanap nya. Kailangan kong makapasok sa varsity team.
Nagsimula na ang try-outs at grabe! Nakakapagod. Puro spike, dig, serve at block ang ginawa namin buong araw.
(Vic’s POV)
In fairness, ang galing ni Mika, lalo na sa pagb-block. 'Di ako makapaniwala na ganon siya kagaling. Paano ba naman, galing siyang probinsya. Baka ang alam lang nun ay magtanim. Sa pananamit pa nga lang nya eh, napakabaduy niya.
Pero syempre di naman ako nagpatalo. Nagpakitang gilas din ako na siya namang mangha sa 'kin ni Mika. Well, Victonara Galang to eh.
“Ara!” sigaw ni Ate Kim at Carol. Sila yung mga bago kong kaibigan na nakasabay ko kanina. Nagkasundo kami kaagad dahil pare-pareho kaming tibo at ng trip.
“Oh baket?” sagot ko habang nagpupunas ng pawis.
“Grabe, nakakapagod noh? Sana naman makapasok tayo. Matagal ko ng pangarap to eh.” sambit ni ate Kim.
“Sana nga. Next week pa natin malalaman yung results diba?” tanong ko.
“Oo.” sagot naman ni Carol.
“Oh siya. Aalis na ko. Pagabi na rin at gusto ko na magpahinga." ang sabi ko sabay ayos ng mga gamit.
“Sige kita-kits na lang bukas!" sagot ni ate Kim at umalis na rin sila.
Kanina pa kami ni manong driver sa parking lot at hinihintay lang naman namin si Mika. Ang tagal talaga lagi nung babaeng yun. Gusto ko na umuwi dahil pagod na pagod na ko. Ugh. Nasan na ba yun?
Sa sobrang tagal ay bumaba na 'ko ng sasakyan para hanapin siya pero wala na namang tao. Baka nauna na yun? Oo tama. Baka nauna na siya. Hay! Makauwi na nga.
(Mika’s POV)
Kakatapos ko lang magshower at paglabas ko ay grabe yung dilim. Ako na lang yata ang tao dito, ang tagal kasi maligo ng mga kasama ko, ayan tuloy late na ko natapos.
Pumunta na 'ko ng parking lot, pero naabutan kong wala na dun sila Vic. Hala! Paano na ko uuwi? Nakakatakot pa naman dito, baka maligaw pa ko!
Bahala na nga kung saan ako mapapad. Takot na takot akong naglalakad ng biglang may nakabangga sakin. Nahulog tuloy yung mga gamit ko.
“Hay, ano ba 'yan.” sabi ko. Ba't ba laging may bumabangga sa 'kin?
“Ay, sorry miss. 'Di ko sinasadya. Sige, tulungan na kita dyan.” sabi nung lalaki na naka pants at green na t-shirt.
“Okay lang sige. Salamat ah." sabi ko habang pinupulot ko namin ang mga gamit ko. Paalis na 'ko nang bigla niyang hawakan yung braso ko.
“May kasama ka ba? Delikado na oh. Malalim na yung gabi."
“Ah, oo may kasama ako. May binili lang siya.” pagdadahilan ko. Nako, baka kung ano gawin sa 'kin ng lalaking 'to. Pero di naman halata sa itsura niya yung ganun.
“Talaga? Parang wala naman eh." ang sabi niya sabay tingin sa paligid.
“Hay, ba't ba ang kulit mo? Kaya ko na umuwi magisa, okay?” sino ba 'to? Makipag-usap sakin wagas! Feeling close. Kainis. Binangga na nga ako eh.
“Sorry miss. Concern lang naman ako, kasi maraming manyak dyan tas gabing-gabi na oh! Magco-commute ka pa.”
“Kaya ko na ang sarili ko.”
“No, I insist. Hatid na kita.” napakulit talaga. May magagawa pa ba ko? 'Di ko na lang siya pinansin at naglakad na lang. Napansin ko naman na sinundan niya 'ko, pero hinayaan ko na lang.
Nakarating na ako sa bahay sa wakas, pero salamat na din dito sa lalaking 'to at nakarating ako ng safe. Teka, ano nga ba pangalan nito? Kanina pa kami magkasama, pero di ko pa rin siya kilala.
“Salamat-- ah.. ano nga ba pangalan mo?” tanong ko.
“Kiefer. Kiefer Ravena." sagot niya habang nakangiti. In-offer naman niya sa 'kin ang kamay niya para makipag shake hands at tinanggap ko naman.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hala dumating na si Manong pano na yan? Di pa nga okay sila Mika at Ara may eepal na kagad hmmm
Vote and Comment!
#KaRa
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
FanfictionPaano kung yung taong nagpapatibok ng iyong puso ay taliwas sa iyong mga prinsipyo? Paano kung yung taong kinaiinisan mo ay siyang dahilan ng iyong kasiyahan? Paano kung mismong mga mahal mo sa buhay at maging hadlang sa inyong pagmamahalan? Magkai...