(Vic's POV)
Nakakainis talaga. Bakit dito pa titira yung Mika na yon? Ugh. Saan naman kaya matutulog yun? Eh pinapalinis pa naming yung guest room. Nako, subukan lang niya maki-share ng-- *tok tok tok* hay, sino naman yun? Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kung sino ang kumakatok. Bakit siya andito at dala pa niya yung mga gamit niya. Don’t tell me.. hay nako, ‘di talaga ako papayag.
“Hi.” Bati niya sakin.
“Anong kailangan mo?”
“Ah.. eh.. sabi kasi ni tita dito daw muna yung magiging kwarto ko.”
Sinasabi ko na nga ba eh. Well, hindi ako papayag. “Hindi pwede.”
“Pero sabi ni—“ sinarado ko na ang pinto sa sobrang inis.
(Mika’s POV)
Ang yabang talaga nung babaeng yun! Akala mo kung sino, porket nasa bahay niya ako eh ganyan na niya ko tratuhin. Nakakainis! Katok na nga lang ulit ako, baka sakaling magbago isip niya. *tok tok tok* ang tagal naman. *tok tok tok*
“Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Ayoko nga diba? Pwes manigas ka dyan.” Sabay sarado ulit ng pinto. Haaaay napakasungit talaga. Makapagsumbong na nga.
(Vic’s POV)
Bingi ba siya? Di ba niya naririnig yung sinasabi ko? Ayoko nga diba. Maliligo na dapat ako nang bigla nanamang may kumatok. *tok tok tok* kumatok na naman siya. Ugh! Nakakainis na talaga.
“Bingi ka ba? ‘Di ba sabi ko hindi pwede? Nakakairita ka—“ napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Mama sa harap ko.
“May sinasabi ka ba Vic?
“Ah.. eh.. ano kasi Ma.. “ nakita ko na naman yung baduy na babae, ayun ngiting tagumpay.
“Bakit ba ayaw mo papasukin si Mika? Di mo ba narinig yung sinabi niya na share kayo ng room? Ikaw yata yung bingi dyan eh.” Ang sabi ni mama sabay lagay ng kamay sa bewang niya.
“Pero Ma, ayoko—“
“Tumigil ka Vic. Umayos ka nga. Mahiya ka naman sa bisita natin, ay ‘di na pala bisita dahil dito na muna siya titira. Maging mabait ka naman sakanya, naiintindihan mo?”
“Opo Ma.” Sagot ko.
“Oh, sige na Mika pumasok ka na. Maghanda na kayong dalawa at maghahapunan na tayo.”
Pagkapasok ng baduy na babae ay inayos na niya agad ang gamit niya. Makaligo na nga, baka sakaling magising ako sa katakot-takot na panaginip na ‘to.
Pagkatapos ko magshower ay sumunod na rin siya. Ang tagal naman maligo nung babaeng yun. Ay teka, bakit ko nga ba hinihintay yun? Hay, makababa na nga. Palabas na sana ako nang bigla siyang lumabas. Grabe ang sexy niya, with her loose t-shirt and boxer shorts habang pinupunasan ang basang-basa niyang buhok.
“Huy! Okay ka lang? Makatitig ka sakin wagas ah.” Tanong niya habang nakangiti. Di ko namalayan na nakatitig ako sa kanya.
“Excuse me? Di ka lang pala bulag at bingi, mayabang ka rin noh?” Feeling naman niya. Sus, makababa na nga.
“Sungit talaga.” Mahina niyang sinabi, pero narinig ko pa rin.

BINABASA MO ANG
Never Let You Go
FanfictionPaano kung yung taong nagpapatibok ng iyong puso ay taliwas sa iyong mga prinsipyo? Paano kung yung taong kinaiinisan mo ay siyang dahilan ng iyong kasiyahan? Paano kung mismong mga mahal mo sa buhay at maging hadlang sa inyong pagmamahalan? Magkai...