Chapter 2

1.2K 23 1
                                        

Mika's POV

Siya pala si Vic. In fairness ah, gwapo siya kahit mataray. 

“Ma, akyat muna ako.” Ang sabi ni Vic habang naka kunot pa din ang noo. Mika naman kasi eh ang tanga mo talaga! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo ayan tuloy. Ugh! Nakakahiya!

Nagpunta muna kami sa sala para hintayin si Vic. Grabe ang laki talaga ng bahay nila, puro katulong lang naman nakatira dito. Naupo muna ako at tinignan yung picture na naka frame sa center table. Naka akbay si Vic sa Mama at Papa niya at hindi siya mukhang masungit. Mas bagay pala sa kanya ang nakangiti eh.

Speaking of Vic, pababa na siya ng hagdan na nakasuot ng blue na v-neck with tokong shorts at vans. Omg! Grabe, ang gwapo niya talaga. 

Umupo siya sa tabi ni Tita Jen pero hindi pa rin nawawala ang pagkairita sa mukha niya. Ano bang problema nito? Napaka babaw niya nakakainis. 

“Oh siya, andito ka na din Vic, dito na muna titira sa atin si Mika.” Ninenerbyos na sabi ni Tita Jen.

“ANO?!” sabay naming sabi ni Vic. 

Humarap ako kay Mama. “Pero Ma, bakit?” naiinis kong sabi. Bakit ngayon lang nila sinabi? Kaya pala nila ako pinagimpake. Akala ko naman magbabakasyon lang kami, yun pala ipapaampon na nila ako. 

“Tutal pareho naman kayong school ni Vic, napagdesisyunan namin na dito ka muna sa kanila.” Sagot ng Mama ko.

“Maganda na rin yon iha, para naman may kasama si Vic.” Sabi ni Tita Jen.

“Pero Ma! Di ko naman-“ singit ni Vic.

“Tumahimik ka dyan.” Saad ni Tita Jen sakanya sabay walk out nitong asungot na to. Aba, kung naiinis siya, pano pa ko?!

“Pero Ma, pwede naman akong ihatid ni kuya ah?” sabi ko kay Mama.

“Mika, masyadong hassle. Sa probinsya pa yung bahay natin at may pasok ang kuya mo kaya hindi ka niya araw-araw maihahatid.”

“Wag ka mag-alala iha, aalagaan ka namin dito.” Ang sabi ni Tita Jen.

Wala na akong magagawa kaya tumahimik na lang ako.

“Magpapakabait ka dito anak ha. ‘Wag pasaway at sana maintindihan mo kung bakit namin ito ginagawa ng Papa mo. Mahihirapan ka kasi dahil dito na sa Maynila ang bago mong school, pano pa kung galing kang probinsya papunta dito?” paliwanag ni Mama.

Tumango na lang ako at niyakap siya ng mahigpit bago siya umalis. Ano na susunod na gagawin ko? Napabuntong hininga na lang ako. 

“Mika, sana tratuhin mo na din kami na parang magulang ng Tito Mark mo. Feel at home ka lang at kung may kailangan ka, sabihin mo lang at ‘wag ka mahiya ah?” napakabait talaga ni Tita Jen, di tulad ng anak niyang masungit. 

“Maraming salamat po tita and sorry din po kanina sa nagging reaksyon ko, nabigla lang kasi ako.” 

“Kalimutan mo na yun, iha. Oh sige, ayusin mo na yang mga gamit mo.” Ang sabi niya, sabay taboy sakin sa hagdan.

Paakyat na sana ako nang maalala ko hindi pa pala nasasabi sakin ni Tita kung saan ang magiging kwarto ko. 

“Ah, tita saan po pala ang kwarto ko?” tanong ko.

“Ay! Oo nga pala nakalimutan kong sabihin. Dun ka muna sa kwarto ni Vic, share muna kayo kasi pinapalinis pa namin ang guest room na dapat ay kwarto mo.” 

Tama ba ang pagkakarinig ko? Share kami ni Vic ng kwarto? 

“A-ano po?” 

“Share muna kayo ng kwarto ni Vic. Sige na umakyat ka na at sabihin mo na lang kay Vic na dun muna ang kwarto mo.” Sagot ni tita sabay alis papuntang kusina. 

Ang bilis naman ng karma! Bakit ba sa lahat ng pwede kong maging kwarto ay dun pa talaga sa asungot na yun?  

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon