Chapter 4

913 21 2
                                    

(Mika's POV)

Napakasungit talaga nun. Siguro may dalaw. Haaay. Makababa na nga.

Pagkababa ko ay naabutan ko sila na kumakain na.

“Oh Mika, anak halika na.” Sabi ni tita.

“Ah sige po.”

Umupo na ako at katapat ko si asungot. Pagkatingin ko sakanya ay inirapan niya ko. Talaga nga naman oh.

Grabe ang daming pagkain. Iba talaga kapag mayaman, araw-araw may fiesta. Kukuha na sana ako nang biglang inagaw sakin ni Vic ang pagkain.

“Teka, ako nauna eh!” sabi ko.

“Pake ko?”

“Vic, where’s your manners? Paunahin mo na si Mika.” sagot ni tita Jen.

“Sorry Ma.” Nakayukong sagot niya.

Binelatan ko na lang siya at tumawa ng mahina. Inirapan naman niya ako pabalik.

Tahimik lang kami habang kumakain at binasag naman ito ni tita.

“So, Mika kamusta naman ang buhay sa province?”

“Okay naman po. Tahimik pero masaya lalo na po tuwing fiesta.”

“Wow! Talaga? Isama mo naman si Vic kapag fiesta sa inyo para naman  ‘di laging gimik at alak ang inaatupag nito.” Natawa naman ako sa sinabi ni tita.

“Sige po tita.” Sagot ko habang nakangiti.

“By the way, Mika may boyfriend ka na ba?” nagulat naman ako sa tanong ni tita kaya muntik na ko mabulunan.

“Ah, wala po. NBSB po ako.” Sagot ko sabay tawa.

“Kahit manliligaw?”

“Meron naman po, kaso di ko sila ine-entertain. Studies first po muna ako lalo na ngayon scholar ako sa bago kong school.”

“Oo nga pala, diba sa susunod na lingo na ang pasok niyo?” tanong niya. Tumango naman kami ni Vic.

“So sabay na kayo lagi papunta at paguwi ha. Vic aalis ako bukas at 1-week trip yun kaya alagaan mong mabuti si Mika, okay?”

“Yes Ma.” Sagot ni Vic.

Pagkatapos namin maghapunan ay umakyat na kami sa kwarto.

Matutulog na sana ako nang bigla akong istorbohin ni asungot.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya.

“Matutulog na.”

“At sinong nagsabi sayo na dyan ka matutulog?”

“Bakit kwarto ko rin naman to ah? Kaya matutulog ako kung san ko gusto.” Sagot ko. Hay nako, istorbo talaga.

“Hindi pwede!” sabay higa nito sa kama. Akala niya magpapatalo ako sakanya ah, pwes hindi.

Humiga na rin ako at gaya ng ineexpect ko, natutulakan kami.

“Ano ba? ‘Di ba sabi ko dun ka sa couch matulog?” sigaw niya.

“Ayoko nga diba! Kung gusto mo ikaw na lang!” sagot ko habang di pa rin kami tumitigil sa pagtutulakan.  Ang lakas niya grabe.

“Kapag ‘di katumigil dyan, hahalikan kita!” pananakot niya.

“Kung kaya mo!”

“Aba, halika dito!” sabay hila sakin. Grabe sobrang lapit na ng mukha naming sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit, pero kinabahan ako. ‘Di ba dapat weird ‘to, kasi babae din siya? Napapapikit na ko ng biglang may kumatok.

“Ma’am Vic, pinapatawag po kayo ng Mama niyo.”

Agad naman kaming umayos. Gosh ang awkward!

“Sige sunod na ko.” Pagkatapos nun ay lumabas na yung asungot.

Grabe muntik na yun ah. Makatulog na nga lang. Bahala siya, basta ako dito ako matutulog sa kama niya este sa kama namin.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon