Chapter 6

926 23 4
                                    

(Vic's POV)

Ang sakit pa rin ng likod  ko. Tama ba namang itulak ako? Ang aga aga eh. Sumosobra na talaga yung baduy na yon.

Una natapunan nya ko ng juice, second ilang beses na nya ako pinapahiya kay Mama, third nakishare sya ng room, fourth inagawan  nya ko ng kama at ngayon hinulog ako sa sarili kong kama. That Mika girl is really something. Humanda kang babae ka may araw ka rin sakin. Natawa na lang ako sa plano kong paghihiganti sa kanya.

“Ma’m Vic okay lang po ba kayo?” tanong ng katulong namin na si Ate Shiela na halatang naweirduhan sakin. 'Di ko namalayan na ngumingiti pala ako dito mag-isa.

“Uhm.. ah.. oo. Sige na, ituloy mo na yung ginagawa mo at ipagluto niyo na ko ng breakfast.”

“Okay po." Sagot niya at nagpunta na sa kusina.

(Mika’s POV)

Haay! Ano bang nangyayari sakin? Isang araw pa lang kami nagkakasama ng mokong na yun, pero kakaiba na yung inaakto at kinikilos ko kapag kasama siya. Nako, Mika ano ba yang iniisip mo umayos ka! 'Di ka pa nga nagkaka-boyfriend, tapos papatol ka pa sa tibo?

“Babe di ka pa ba tapos dyan? Tagal mo naman.”  aba maka-babe naman yung asungot na yun. Ugh! Nakakainis! Pero bat ako kinikilig? Haaay nako hindi pwede to.

Lumabas na ko nang suot ang maong shorts and white sando ko at ayun, napatitig na naman siya sakin. Lakas ko talaga.

"Oh, baka matunawa ako nyan ah.” pangaasar ko habang nagaayos.

“Tabi nga dyan.” sabay pasok ng cr. Tinawanan ko na lang siya.

Pikon pala siya eh, akala niya siya lang kaya mangasar ah. Mika Reyes ata 'to at ano bang mali sa suot ko? Eh dito lang naman ako sa bahay buong araw, alangan namang magdress ako diba? Mukhang timang lang? Makababa na nga at gutom na gutom na ko.

Habang kumakain ako, bumaba na din si asungot. Aba nakaporma. Baka may lakad? Matanong nga

“San punta mo?” tanong ko.

“Pake mo?” ang labo talaga nitong babaeng to. Kanina lang babe ng babe, tapos ngayon ang sungit sungit? Nakakaasar ah!

“Sus, nagtatanong lang eh. Pero kanina ang sweet sweet maka babe.” bulong ko. Panira talaga 'to ng araw eh!

Pagkatapos kong kumain ay paakyat na dapat ako nang bigla niyang higitin yung braso ko. Ano nanaman bang trip nito? Omg! Ayan nanaman, ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

“Sorry na babe. Lalabas lang kami ng mga kaibigan ko. Late na din ako uuwi, wag mo na kong hintayin. Don’t miss me too much babe.” Sabay halik nito sa noo ko at umalis na.

Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi pwede to! Mika umayos ka. Di ko namalayan na natulala na pala ako simula nung umalis si Vic.

“Ma’m Mika okay lang po ba kayo?” tanong ni Ate Sheila na mukhang nag-aalala.

Nakakahiya naman, mukha akong timang dito.“Ah.. eh.. o-oo ate, sige akyat na ko.” sagot ko, sabay takbo sa kwarto ko.

Ang boring naman dito, walang makausap. Buong araw na yata ako nanunuod ng T.V. at naglalaro sa cp ko. Nakapag-lakad na ako  sa garden pero wala pa rin talaga akong magawa.

Buti pa doon sa probinsya, lagi akong may kausap at kalaro kahit simple lang ang buhay namin. Samantala dito wala! Nganga ako,  mga katulong lang kasama ko dito.

Nasan na ba kasi yung mokong na yun? Palalim na din ang gabi, wala pa rin. Teka, bakit ko ba siya hinihintay? 'Di ba nga sabi niya, 'wag ko na siya hintayin? For sure naman na gumimik na naman yun, pero iba pa din yung andito siya. May kausap ako lagi kahit na lagi naman kaming nagaaway.

Umakyat na ko sa kwarto at naglaro na lang sa cp ko at unting unti ng nakatulog. Naalimpungatan ako ng marinig kong bumukas ang pinto. Siguro nandyan na si Vic. Pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Hinalikan nya ang noo ko sabay sabi ng “sweetdreams babe” di ko alam pero napangiti ako sa ginawa nya at tuluyan ng nakatulog ulit.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Taray nung katulong laging nasa eksena hahaha happy reading!!

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon