Chapter 14

990 20 1
                                    

(Mika’s POV)

Nakakahiya, sobrang nakakahiya! Ano bang pumasok sa isip ko at 'di ko pinigilan si Vic na lumapit sa 'kin? Muntik pa niya 'kong halikan! Ugh Mika ano bang nangyayari sa'yo? Nakita pa kami ni Tita Jen na ganon ang itchura.  Hay mababaliw na 'ko. Wala na siguro akong mukhang maihaharap kay Tita.

'Di ko na rin maintindihan sarili ko eh. These past few days, parang lagi kong hinahanap-hanap yung presence ni Vic. Hinahayaan ko lang din ang pagiging clingy niya, kasi gusto ko rin naman, pero hindi ko rin maintindihan yung mga kilos niya eh. Sobrang clingy niya sa 'kin, tinatawag niya 'kong babe, at hindi na rin siya nagiging masungit sa 'kin ever since nagkasakit ako. Pero lagi pa rin niya 'kong inaasar.

Ayoko naman mag-assume, kasi wala naman siyang sinasabi. Siguro nag-iba lang talaga ang ihip ng hangin, kaya siya naging mabait sa 'kin. Ewan ko. Bahala na. Tsaka ko na poproblemahin 'to. Ang kailangan kong pag-isipan ngayon, ay kung paano ko haharapin si Tita Jen bukas dahil hiyang-hiya talaga ako. Dapat ay bukas hindi ko ipakita kay Vic na apektado ako sa nangyari, dahil mahirap na baka kung ano isipin nun. Itutulog ko na nga lang 'to, hay.

(Vic’s POV)

Kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon. Hindi ko alam kung paano haharapin si Mika dahil sa inakto ko kagabi. Hindi ko dapat ginawa yon dahil kung tutuusin, wala akong karapatan. I’m falling in love with Mika, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya 'yon, lalo na baka she doesn't feel the same. Gusto ko na rin sana siyang ligawan, pero natotorpe talaga akong umamin. First time 'to dahil dati naman ay laging ang mga babae ang naghahabol sa 'kin. Lagi lang namang flings. No strings attached, pero simula nung nakilala ko si Mika, unti-unti na niya binago ang buhay ko. Hindi na ako madalas nagpupunta sa bar, nagiging mabait na rin ako sa ibang tao, at ngayon ako pa ang laging naglalambing sa kanya kapag nagtatampo siya sa 'kin. Hay Mika, what did you do to me?
Natawa na lang ako ng maalala ko ang pangaasar sakin ni Mama kagabi.

*flashback*

“Hmm.. mukhang nakahanap na ng katapat ang binata ko ah.” sabi ni Mama.

“Ma naman.”

“Why? Sus, deny ka pa. Halatang-halata naman na gusto mo si Mika, anak eh. Nung unang pagkikita niyo pa lang, alam ko nang may magandang mangyayari sa inyo.”

“Seriously, Ma. Paano mo naman nasabi 'yan?”

“Kilala kita anak. Mapride kang tao, pero kapag si Mika na ang nasa harap mo, nag-iiba na ang aura mo.”

“Kilalang-kilala mo na 'ko, Ma ah. Wala na talaga 'kong maitatago sa'yo.” sabi ko, sabay kamot ng ulo.

“Of course, anak kita eh. 'Wag ka mahihiya humingi ng tips sa 'kin kung pano magpapogi points kay Mika ah!” kahit kelan talaga si Mama, ang kulit.

"Yes, Ma.”

“Oh sige na. Matulog ka na at alam kong nabitin ka kanina dahil di natuloy ang-“

“MA!"

“Good night, anak! Sweet dreams.” sagot niya habang tumatawa. Si Mama talaga oh.

*end of flashback*

Kahit kailan talaga 'to si Mama. Kaya mahal na mahal ko yun eh. Makaligo na nga at bababa na 'ko. Baka nandun na rin si Mika. Hihingi ako ng tawad sa kanya.

Pagkatapos kong maligo ay dali-dali akong bumaba. Nakita ko naman na may breakfast na, pero wala pa si Mika. Baka tulog pa yun.

“Ah, Ate, si Mika tulog pa?” tanong ko sa katulong namin.

“Siguro po Ma’am. 'Di pa po kasi siya bumababa eh.”

“Ah, okay. Eh si Mama nasaan?”

“Ay, maaga pong umalis. May emergency meeting daw po.” sagot niya.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon