Dilig
Sa lobby pa lang ng kompanya, lahat ng empleyado nasa amin nakatingin. Because, why not...our boss is arrived at his company, at ang kamay ay nasa bewang habang may kausap sa phone. Kanina pa ako umiirap pero deadma lang si Kaius. Everytime I remove his hand, binabalik din at mas lalo syang nilalapit sa katawan nito na para bang may distansya pa sa pagitan namin, may kasama pang talim ang tingin sa akin. Hindi ko na alam kung anong tsismis na ang naglipana sa buong kompanya ngayon at wala na akong magagawa para dun. I keep my head up and tried to walk with confidence kahit na ang totoo ay gusto kong bumalik sa condo at magmukmok.
" Really? Hindi mo talaga tatanggalin yang kamay mo sa bewang ko? Pinagtitinginan na tayo ng lahat ng empleyado rito. "
Kaswal kong sabi. Mahina ang boses ko pero may diin ang bawat salitang binibitawan dahil may mga kasabay kaming ibang tao sa elevator." So what? I'm just letting them know that you are off-limit. "
At wala talaga itong balak na itago o subukan na wag mag over-react dahil nasa publiko kami at dahil malakas ang boses nito na napatingin ang iba sa amin. Nakita ko ang pag-ngisi ng ibang empleyado kaya umiiling nalang ako. Nauna akong lumabas ng elevator. Mabilis akong naglalakad patungong opisina ko. Hindi ko na pinansin ang tingin ng mga tao sa amin because Kaius is following me instead of going to his own office. Binati kami ni Marie na inabutan ako ng kape.
" Coffee boss? "
Umiling naman si Kaius." Pwede ba? Pumunta ka na sa opisina mo? Ang dami mo kayang trabaho. Wag mong sabihin na susundan mo ako ng buong araw? "
Ngumisi ito. " Why not? That's a good idea. "
" Kaius! "
Nagtaas ito ng dalawang kamay. " Fine. Ang sungit mo, ang aga pa. See you later. "
Binalingan ko si Marie na kunwari biglang naging abala. " Wag mo akong tanungin Marie. "
Tumawa ito. " Hindi ako magtatanong kung anong nangyari pero mukhang alam ko kung bakit mainit ang ulo mo. "
Napataas ang kilay ko. Uminom ako ng kape.
" At bakit? "
" Kulang ka lang sa dilig maam..."
Napamura ako ng wala sa oras at muntik ko ng matapon yung kape sa mesa ko. Sinamaan ko ito ng tingin na nagkibit balikat lang at balewala na ipinagpatuloy nito ang trabaho. Ano ako, halaman na kailangan ng dilig?
Sa tanghalian ay naging tahimik naman. Kaius is busy with meetings and works tapos gusto pa nito na sundan ako buong araw? Nagte-text naman ito pero hindi ko nire-replyan. His secretary came to my office asking why I did not reply a message to his boss, na busy ako kaya wala akong time magreply. Natutuwa ako na nababawasan ang mga nakatambak na folders sa mesa ko. Konti nalang. Maybe I should take a break after all these works? Where should I go then? Palawan? Baguio? Switzerland? Maganda rin naman ang Boracay.
" Ay ang ganda nyan maam! "
I searched the most visited tourist spot in Philippines at ang daming pagpipilian.
" Maganda ang Boracay diba? Bakit hindi nyo to puntahan ni Pierre pag bumalik yun dito ulit? "
" Hindi ko alam kung kilan ulit babalik yun maam tsaka malabo yata na makapag bakasyon ako dahil may trabaho. "
Tumango tango ako. I agree. " You still need to chill and relax. Saka mo na isipin yung trabaho pagbalik. Enjoy each other's company! Ganun! " Para matuloy ang balik nitong pag propose.
Nakangisi ito sa akin. " Dapat ganun din ang gawin nyo maam! Enjoy each other's company, ganun! It's about time na pagbigyan nyo na ang sarili nyo, hindi na po kayo bumabata eh. Isang kembot nalang malalaglag na kayo sa kalendaryo. Kung ako sa inyo, magpadilig na ako at magpapunla ng may uusbong na. "
" Marie! That mouth of yours! "
Pinanlakihan ko ito ng mga mata ko. Kinukumpara talaga ang beauty ko sa halaman!She just laughed. " Seryoso maam. Kasi mukhang seryoso naman si boss sa inyo. Para di na yun magsungit. Natatakot yung mga empleyado sa kanya eh. Ngayon lang yan bumait ng nandito ka na. "
" Bakit dati ba demonyo yun? "
" Naku...kung may tao kang gustong iwasan pag nakasalubong mo sya sa hallway o sa kompanya na to, si boss yun. Parang dragon yun na laging galit, nakasalubong yung mga kilay at feeling ko nga umuusok lagi ilong nun na kulang nalang siguro magbubuga ng apoy yun. Naninigaw yun pag pumalpak ka sa trabaho mo. Pero feeling ko kulang lang sa dilig si boss kaya mainit ang ulo. "
I rolled my eyes again at her kulang sa dilig remarks. Ang dami nitong alam eh.
" I'm sure, di yun natutuyuan lagi Marie. Women are willing to be in his bed anytime for his adventure. "
Nagliligpit ako ng gamit habang sinasabi yun. It's five na at its time to relax. I'm going to cook my dinner tonight dahil nasa mood ako magluto. " At ikaw, umuwi ka na at kausapin mo na yung jowa mong baliw sayo at magpadilig ka din pag bumalik yun dito. "" Maam! "
Natawa ako sa reaksyon nya. Parang naeeskandalo eh.
I took a shower when I get home and clean my place. Inayos ko yung mga dapat ayusin. Natigilan ako ng mapatingin sa maruming mga damit ni Kaius na nakahalo sa mga damit ko sa basket. Should I bring it to the laundry shop? Kinuha ko ang duffel bag na nasa sahig at nilagay sa closet ko. May mga gamit din ito sa bathroom ko. Did he forget to pack his stuff?
I was cooking my dinner when I heard a doorbell. Naningkit ang mga mata ko na nakatingin sa monitor. Ano na naman ang kailangan nito? Its past eight na. I open my door and went to my food. Baka ma-over cook yung pasta ko. I heard my door shut and him behind me.
" Were you that busy that you did not reply my message even once? "
What a nagger of a boy----what?
" At ano na naman ang problema mo na nandito ka na naman? Wala ka bang bahay? "
Mukhang hindi pa ito umuwi galing trabaho? What he was wearing when we go to work is still the same as of now." I'm homeless. So, I'm going to move in here. "
Literal akong napanganga. " Magli-live in tayo? "
He is grinning now. Lumapit ito sa akin and kissed my lips and my neck.
" Well, I can't drag you to my house, so, dito nalang ako titira. Mukhang masarap ang dinner natin ngayon. Mag shower lang ako. "" Kaius! Hindi pa tayo tapos mag usap! "
" Later babe..."
Seryoso? Like...we're going to live here in my place? Ano nalang sasabihin ng magulang niya? Especially his mother.
We ate our dinner peacefully kahit na gustong gusto ko sya awayin.
" We are going to talk after dinner. No, after you wash all the dishes. "
" Yes maam..."
MyNotes:
Sorry po kung hindi ako lagi makapag update. Busy lang. Keep safe everyone!P.s., I will response to any comments here, so feel free to ask anything.
BINABASA MO ANG
You, Till The End
General FictionI love him but i will not chose him. Not now. Iiwan ko sya na sa tamang panahon, pipiliin nya ako ulit.