Chapter 3

1.6K 102 2
                                    

Experience

Hindi ako dinalaw ng antok ng gabing yun. Sa halip, iniisip ko yung dapat na sagot ko sa topic na na-assign sa amin. Should i date while studying? Or not? Ilang beses akong napabuntong hininga, ilang ulit akong nakatitig lang sa blankong papel pero wala akong maisip. Kailangan ba ng langis ang utak ko para gumana sa oras na to?  Paano ko naman mabigyan ng hustisya ang project na to, na kung sa kabilang banda - wala akong eksperyens sa pagkakaroon ng relasyon. May mga nagpapahangin naman sa mga kaklase at may taga kabilang seksyon din, pero madalas silang umaatras kapag nalaman na nila na hindi ako nabibilang sa mga kagaya nila na anak ng senador, negosyante, o anak ng mga sikat na artista. Sa madaling salita, pobre ako. Inaamin ko naman yun tuwing may nagtatanong. Wala akong balak ilihim yun at haharapin ko ang consequence sa huli dahil ayaw ko na magpanggap akong mayaman. Simula nun, madalas akong binu-bully ng mga anak mayaman kasi bakit daw ako nandito. Kung makapagbawal sila sa akin na para bang pag aari nila ang eskwelahan. Dati madalas akong umiiyak tuwing iniinsulto at pinapahiya. At katagalan pasimple akong lumalaban. I smiled in front of them but it's opposite when i turn my back. I was quite, clumsy and shy type before then i teach my self to fight back. Basta ang importante, wala akong ginagawang masama sa kanila.

Puyat ako kinabukasan at sa unang pagkakataon, parang ayaw ko muna na pumasok.

" Anong nangyare dyan sa mga mata mo? "

Buti pa si Pia, as usual maganda lagi at mukhang walang pinu problema ang awra.

" Dahil dun essay project. Wala akong maisagot dun. "

" Yung partner mo, baka may sagot na sya? "

Nagkibit balikat ako. Walang akong ideya sa ka-partner ko.

" Ano ka ba? Tanungin mo kasi! "

Sana ganun kadali.

Natapos ang klase sa araw na yun na hindi lumapit si Kaius sa akin. As usual lagi itong nasa upuan nya, may airpods na nakasalpak sa magkabilang tenga, at sa pagkakataong to, may laptop syang kaharap. Seryoso ang mukha nito na pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito. Ang suplado nitong mukha ay nakaka-attract daw ayon sa mga kaklase ko. Madalas ko naririnig sa kanila kung gaano sya ka-hot at masculine sa paningin nila. Yung tipong bad boy ang image nya.

" Ano kaya pinapanood nya? "
Pia look at him with interest.

" Action movies? "

Ngumisi si Pia. Mas lalo itong lumapit sa akin. " Or maybe...some porn? "

Nagulat ako sa sinabi nya. " Talaga? "

Tumawa ito. " Ang inosente mo talaga Ivanne. May posibilidad. You know, boys are always boys. Have you watch it? "

Nalito ako sa mga pinagsasabi nya.
" Alin? "

Porn? Naririnig ko lang yun sa mga kaklase ko din. Lalo na sa mga lalaki. May mga imahe na gumuguhit sa isip ko pero agad kong hinahawi yan. Pero ang panoorin talaga ay hindi pa. Nanlaki ang mga bilog kong mga mata sa kaibigan ko.

" Nakapanood ka na? "

Tumango tango ito. " Remember when we go to States last summer? My friends and my cousins sleep over at our house when our parents are out for a party. Nung una hindi ko maintindihan kasi wala din akong alam nun. They insist that we have to watch it. And we did. "

Shocked ang reaksyon ko na tiningnan sya. Seryoso?

" Bakit mo pinanood? "

Nagkibit balikat ito. " Una, kailangan may ideya ka. Pangalawa, kailangan may experience ka. So that your boyfriend will be happy and satisfy at you. "

" Satisfy saan? "
Nanlaki muli ang mga mata ko sa na-realize ko. " Don't tell me...isinuko mo na ang bataan? "

" Well... for experience? "

Napangiwi ako sa sagot nya. I don't judge people about their choices. Desisyon nila yun. I just can't believe that you will sleep with random stranger just to have an experience. At ang bata nya pa may karanasan na sya! Hindi pa nga kami naka-graduate! At wala lang kay Pia na mawala ang virginity nito para lang sa experience? Well, liberated din si Pia kung ganun. Dahil sa ibang bansa ito pinanganak at lumaki. Fourth grade na ito ng lumipat dito sa Pilipinas pero pabalik balik ito sa ibang bansa, kaya siguro ganun din sya mag isip?

" Buti di ka nabuntis? "
Bulong ko.

" Are you stupid? High tech na ang henerasyon natin. Ang daming pwedeng gamitin para hindi mangyari yun. "

" Hindi ako makapaniwalang pinag uusapan natin to. "

Ngumisi ito sa akin. " Well, it's just that he is so hot. I bet he's good in...you know, since he grow up abroad. Liberated ang mga tao dun kaya wala lang yun. Some boys love it when you have experience, you know. "

Nagkibig balikat ako. Whatever. Nilingon ko si Kaius ulit at saktong napatingin ito sa akin kaya di ko maiwasan ang hindi ito irapan dahil sa pinag usapan namin ni Pia. Eh ano ngayon? Kunot noo ang salubong nitong kilay sa ginawa ko. I hate him. I hate people like him. At bagay sila ni Pia.

Napag desisyunan ko na saka ko na sya kausapin pag may nagawa na akong essay para sa topic namin.

Maagang sinundo si Pia dahil may lakad daw sila ng mommy nya kaya mag isa akong naglalakad sa hallway ng school. Balak ko na gawin ang project namin mamayang gabi para wala na akong iisipin pa maliban sa parating na final exam at graduation at para matapos na rin.

Natigilan ako ng makita si Kaius na nakatayo sa waiting area. Naghihintay ng sundo nya?

Diretso ang lakad ko ng nag 'hey you' sya sa akin. Wala naman ibang dumaan kaya ako talaga yung tinawag nya. Hindi ko napigilan ang hindi umirap. Nagiging habit ko na yata to ngayon.

" Ano? "

Napansin ko ang pag angat ng gilid ng labi nya.

" Are you done with our project? "

Pa-english english pa!

" Hindi pa. Ibibigay ko nalang sayo pag tapos na ako. "

" Why? It's so easy. The topic is just a piece of cake. "

Piece of cake ka dyan!

" Busy ako. May iba akong ginagawa na mas priority ko sa ngayon! Hindi kasi ako mayaman kagaya nyo. "
Hindi ko naman pwede sabihin na wala akong experience sa pakikipag relasyon at wala pa akong magawa na kahit ano dahil wala akong ideya sa parteng yun.

" Mine is done. I will send it to you. What's your email add? "

Nairita ako sa ka-artehan nya.

" Wala akong email add. Pwedeng paki print nalang at ibigay mo sa akin? "
Kahit na meron ay sinabi kong wala. Wala lang din. Gusto ko lang syang inisin.

" Why are you mad? "

" Ang arte mo kasi! "
Tinalikuran ko na at saktong paglabas ko ng gate ay may dumaang jeep kaya nakasakay agad ako. Email add my ass!

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon