Love
Late na ako natulog kagabi dahil tinapos ko yung trabaho na inuwi, ayaw ko sanang bumangon pero ng maalala na may usapan kami ni Pierre na magkikita ngayon ay kumilos na ako. Nasa restaurant na raw sila ng palabas ako ng gusali.
At nagulat ng makita kung sino ang ipapakilala ni Pierre, si Marie.
" Maam! "
Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Ang liit talaga ng mundo.
" Si Marie ang ipapakilala mo Pierre? "
He nodded. " You know her? "
Ngumiti ako. " We are working together. "
Nag order na ako ng kakainin at nakikinig sa kwento ng dalawa, kung paano sila nagkakilala ng may nahagip ang mga mata ko. I frowned at my own question in my head, why is he in the place where I am? Of all restaurants? May date na naman? But he is alone? Himala!
" Paano yan, ldr kayo? "
" Wala naman problema sa akin maam. May video call naman kaya ayos lang. "
Tumango tango ako. Sabagay, wala naman dapat ikabahala kung may tiwala kayo sa isa't isa. After my lunch with them, nagpaalam na akong umalis. Bibili ako ng kailangan sa unit, and they can spend more time since he is leaving tomorrow. Bumili ako ng gift para sa wedding ni Lee na muntik ko ng nakalimutan na ngayong linggo pala yun.
I really need a car after I take a glimpse of my cart. Hassle pag namimili ng ganito at walang sasakyan. Tinulungan pa ako ng gwardya ng building papuntang elevator.
Binura ko na ang dating IG account at gumawa ng bago. Hindi ko kasi alam noon kung tatanggalin ko ba yung mga pictures o hahayaan nalang. Nanghihinayang din ako dahil souvenir ko yun na magkasama kami, yun din yung mga panahon na masaya. I followed Lee and send her a message. I took a picture of myself and post it. To a new beginning. Ilang segundo ko pa na tinitigan yung caption ng post ko. Ilang beses ba akong magsisimula ulit?
' Talaga ba? Mag asawa ka na para bagay sa caption mong 'new beginning' !'
Umirap ako sa comment ni Lee. Bruha talaga.' I will .'
I replied.' You will. Pero sempre mag jowa ka muna! May irereto ako! '
Bruha talaga to.' 😍🥰😍 '
Ang tanging sagot ko sa kanya. Busy ako, wala akong time makipag-blind date sa ngayon.And I gained more than one followers the next day. Pinagkakaabalahan kong tingnan isa-isa during breaktime, nagbabakasakali na mga dati kong classmates nung high school.
Naging abala ako sa mga sumunod na araw, pero hindi ako nag oovertime. Sa bahay ko tinatapos yung ibang trabaho. I need a car. Sa sabado siguro ako titingin ng kotse na bibilhin kung hindi ako busy. Hindi ko nakikita ang boss kong suplado dahil hindi naman ako halos lumalabas sa opisina. Madalas si Marie ang bumibili sa labas kapag naubusan ng pagkain.
Lee's wedding is private and only both of their families and few friends are here. Tanging ngiti lang ang ginawa ko sa bawat taong nakakasalubong ko. Tapos na ang seremonya at medyo maingay na sa reception. Nasa parehong mesa kami ni Kaius at hindi nag uusap. There's nothing to talk about anyway. Tumayo ako at pinuntahan ang bagong kasal. Binati silang pareho pero di rin nagtagal dahil may ibang lumalapit din.
This place is beautiful. Lalo na ang paglubog ng araw. When was the last time I admire this view? Matagal na. I sip my champagne while watching the sun goes down. Hindi ko na namalayan ang pagdilim ng paligid. At nakailang glass of champagne na rin ako? I should stop. Umikot ang paningin ko ng tumayo.
" Jade okay ka lang? Lasing ka na yata! "
Lee is beautiful in her dress.She giggles. " Mukha kang babae today. Congrats! Anyway, uuwi na ako kasi may trabaho pa ako bukas. "
She look worried as she shake her head.
" No. Bukas ka na umuwi. May mga rooms para sa mga guest naman. "Umirap ako. " Di pwede. Masungit yung boss ko. Pangit naman. "
Tumawa ito at nakatingin ito sa likuran ko.
" Did you hear that? Panget ka daw. "Sinubukan kong maglakad pero hindi maganda ang pakiramdam ko. My head's spinning at gusto ko ng humilata sa malambot kong kama.
" Hey Kaius! Do something! Kaya walang ganap sa inyong dalawa kasi ang bagal mo! "
" Daanin ko na ba sa mabilisan? "
His voice is so sexy to my ears. Even his chuckle.Napairap ako sa sarili. Nababaliw na yata ako.
" Lumagpas ka na sa quota mo, kaibigan. Gumawa ka na ng paraan bago ka maunahan ng iba. Look at those guys, kanina pa yan sila nakatingin. "
Kunot noo kong tiningnan sila. Feeling ko pinagkakaisahan nila ako.
" Kaya ko sarili ko. Tell those jerks to f*ck off! Lalo na tong gagong to! "Nagtawanan lang sila at napatili ako ng may nagbuhat sa akin na parang sako ng bigas.
" Hoy! Ibaba mo ako! Sino ka ba?! "
I even hit his butt. Gagong to. How dare him to do this to me. Lalo akong nahilo.Huminga ako ng malalim ng maramdaman ang malambot na kama. I hate being drunk!
Someone remove my shoes. Maya-maya ay naramdaman ko ang malamig at basang tuwalya mula sa mukha pababa ng leeg ko." We need to remove this too. "
Inabot nito ang zipper sa likod ko at ipinagatuloy ang pagpupunas sa akin.Hinawakan ko ang kamay nito at dumilat.
" Sino ka? "He rolled his eyes. " Kilala mo ako. Now, sleep. And please don't scream when you wake up tomorrow. Hmm? "
Why should I scream? Wait lang, kilala ko ang boses na yun. I'm sleepy. A blanket was all over me at ipinikit ulit ang mga mata.Nagising ako sa sinag ng araw, at boses ng...lalaki? Bigla ang pagbangon at hindi maipinta ang mukha sa kirot ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko. Why not? I saw something yummy, I mean, someone. What the hell. Kaius is in front of me, topless, white towel on his waist, and sipping his f*cking coffee, holding his phone and talking while his eyes on me. Sinabunutan ko ang sarili ko at pilit inaalala ang nangyari kagabi. I was drunk. And I remember him being there...and?
Pinapakiramdaman ko ang sarili, nothing happened. I'm not totally naked since I have my underwear with me.I saw him smirk kaya tinarayan ko sya.
" Anong tingin tingin mo dyan?! "Tinapos nito ang tawag. He leaned on the wall and still staring at me. " Morning love. Coffee? "
Oh my God...
BINABASA MO ANG
You, Till The End
General FictionI love him but i will not chose him. Not now. Iiwan ko sya na sa tamang panahon, pipiliin nya ako ulit.