Chapter 12

1.6K 125 15
                                    

Kiss and Mine


I tried to keep my poker face while I look at him seriously. Serious as him, it's hard to be in that way for a minute! Kaya ang pinakamagandang gawin ay balewalain sya. Ang dami nyang kontra kasi. Di ba pwedeng sumuporta nalang? I rolled my eyes. I keep doing that everytime our eyes meet at the end. Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang pagkain. Sinusubukan ko i-appreciate ang mga masarap na pagkain sa mesa pero yung isip ko lumilipad sa taong nasa harapan ko.

" Hoy! Matutunaw yan! Kanina mo pa tinititigan yan pero naasar ka naman! "
Panay ang kuha ni Lee ng mga picture, at binalewala ko yun. I'm distracted of him that keep staring at me while munching his food.

He smirk. " If the boy you like wants to kiss another girl, you'll be happy? "
Pamimilosopo na sagot kay Lee.

Binatukan ito ni Lee. " Syempre hindi. Aba, mag aaway kami at hindi ko sya babatiin habang buhay."

They've been talking nonsense and didn't bother to say a word. Naiinis pa rin ako. Ang excitement ko na ma-experience ang makapunta sa club ay nawala na. Natapos na kami sa pagkain ng di pa rin ako umiimik. Dumating ang driver na inutusan ni Kaius para sa dagdag na mga pagkain at iba pa. Some of our classmates came na kaibigan ni Kaius. Tingin ko nakatikim na sila ng alak dahil mukhang expert sila titingnan na umiinom ngayon. They even look like a matured colleague drinking buddies after working for a day talking about shits. Kaming dalawa lang ni Lee ang babae at mukha naman silang harmless. Pareho kaming nakikinig ni Lee sa mga pinag usapan nila, tungkol sa mga plano nila, tungkol sa mga unibersidad na papasukan nila, sa mga ex girlfriends, sa mga naging desisyon, kung tama ba o mali, at higit sa lahat tungkol sa magiging future. They all want to be successful. And they're the kind of person that you want to be with.

Nilingon ko si Lee na tahimik sumusubo ng pagkain pero ang tingin ay nasa grupo ni Kaius. Napangiwi ako ng sinubukan kong tikman ang alak sa mesa namin. Hindi ko gusto ang lasa. Hindi sya masarap. At hindi maganda ang pakiramdam ko sa pangalawang shot na binigay ni Lee. Umiikot na ang paligid ko. Umirap ako ng humahagikhik si Lee na ikinalingon ng mga lalaki. Ang kulay abo na mga mata ni Kaius na seryosong nakatingin sa akin at ang pagtaas ng isang kilay nito na marahil ay nagtataka kung bakit ako pinagtatawanan ni Lee. Sabagay, gabi na. Mag alas dyes na yata at kaka-umpisa lang nila uminom. Dito din ba sila matutulog?

" Akala ko talaga sa bar tayo ngayong gabi. Paasa ka! Excited pa naman ako! "

Umismid ang kaibigan ko. " Wag mo ako awayin! Yun naman talaga ang balak ko. Naayos ko na nga lahat pero sinira ng jowa mo. "

Jowa? Tinuro ko ang sarili ko. Pakiramdam ko lumulutang ang utak ko dahil sa alak. " Hindi ako na inform na may jowa pala ako. Sino? Nasan? "

Naagaw ulit ni Lee ang atensyon ng mga lalaki sa lakas ng tawa nito. Parang gusto ko tuloy hilahin yung buhok nya ng manahimik.

Lalong lumapit si Lee sa akin at hinawakan ang mukha ko. Iginiya sa direksyon ng mga kasama namin sala. We are both like a lioness eyeing for our prey at the distance. " Ayun uh! Yung gagong mukhang laging galit. Si Kaius na possessive kung makaasta! Hiwalayan mo nga yan! Hanap ka ng iba! "

Kung ang mga lalaki ay natawa sa mga pinagsasabi ni Lee, si Kaius ay mukhang lalong nagalit. At kahit inatake na ng alak ang utak ko - kinabahan pa rin ako sa reaksyon ni Kaius. Tinakpan ko ang bibig ni Lee. Mukhang marami na syang nainom kaya kung ano ano na ang pinagsasabi.

" Tumahimik ka na nga! Lasing ka na eh! "
Pero tinawanan lang ako. Patuloy pa rin ito sa pagtatalak na sinira ni Kaius ang balak namin.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Lee ang mukha ko. Namumungay na rin ang mga mata nito. " Jade! Paano na! What about our list? Our fucking list! "

List? Importante ba talaga yun?!

" Ano ka ba! Kung di natin magawa yun, eh di gawin mo pag nasa ibang bansa ka na. Sigurado ako maraming gwapo dun! Maraming hottie dun! "
Sabi ko. Sinabi ko lang para manahimik na ang kaluluwa nito. Ang ingay nya eh.

Lee's giggling again. I bet she's really drunk. Inilayo ko na ang bote ng alak kasama ng baso.

" Sabagay. Maraming gwapo dun! Ikaw din ba? "

Ako? Hindi ko alam! I bet I will be busy later on. That's for sure.

Kaya tumango nalang ako.

Nauna na kami ni Lee sa guest room para makatulog na. Pero isang oras o lagpas na, hindi ako makatulog. Siguro naninibago ako dahil ito ang unang pagkakataon na sa ibang bahay ako matutulog. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig. Baka sakali lumiwanag ang isip ko at makatulog na.

Tahimik na ang kaninang maingay na sala. Natigilan kami pareho ni Kaius. Umuwi na yata sila dahil mag isang nagliligpit ito ng mga kalat.

" Kailangan mo ba ng tulong? "

And I hear nothing. Patuloy ito sa pagtapon ng mga kalat sa basurahan. Lumapit ako para kunin ang mga baso at dinala sa kusina. Hinugasan ko na rin. Nang maalala ko ang tubig ay kumuha ako sa ref ng malamig. Kahit papano ay guminhawa ang pakiramdam ko ng matapos inumin ang isang baso. Nagulat ako ng sa pagharap ko ay si Kaius ang nasa harapan ko. Napaatras ako sa gulat lalo na ng makita ang matalim nitong tingin. Inilapit nito ang mukha sa akin.

" Really? You will really do that? "

Namilog ang mga mata ko. Hindi agad nakuha ang ibig nitong sabihin.

" Do...what? "
Ano nga yun?

" You will kiss another boy? Saang unibersidad ka mag koliheyo? "
Ah yung tungkol sa listahan?

" Siguro? Wala naman sigurong masama kung boyfriend ko naman diba? "
Diba? Kasi nga boyfriend ko naman. Normal lang yun. Di naman masama yun.

Nakita ko ang pagtiim at paggalawan ng bagang nito. Galit sya? At bakit daw?

Hindi agad ito nakaimik.

Ilang beses ko iniwas ang tingin sa mukha nitong sobrang lapit sa mukha ko. Sa tuwing napapatingin ako sa mga mata nito ay gusto ko tumakbo at magtago. Tumikhim ako at bahagya itong tinulak pero hindi naman natinag.

" Tabi...ka ng konti. Para makadaan ako. "
Pero hindi ito gumalaw. Naiilang na ako sa titig nito sa akin.

Malakas akong napasinghap sa gulat ng hinapit nito ang bewang ko palapit sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata ko na tiningnan ito.

" I'm mad. At you. I am, going insane on how to deal with you, smoothly that you don't feel like scared or awkward. And you know that I like you, that I'm willing to wait til you are okay with me courting you properly. And the girl I like want to kiss another boy? Hmm? I am not okay with that. "

And my young heart is about to explode. Yung sa sobrang ingay nito pakiramdam ko nabibinge ako.

And my teenage heart don't know how to handle this kind of thing. My mind went black. I'm trying to think some thoughts or what I'm going to say. But nothing. I'm just standing still in his arm as he's hugging me closely.

And I think I'm crazy as I close my eyes as he is kissing me. Namumungay ang mga mata nito. At siguro ganun din ako. Namumula ang labi nito galing sa paghalik sa akin. Kasabay ng pagmumura nito ay muli akong inilapit sa katawan nito, ang kabilang kamay ay nasa batok ko para pangalawang halik.

He is my first kiss. He is the only boy who hold me this close and kissing me torridly. Passionately. He is the first boy that I like secretly. And I hope he will be the last.

" Damn. You are mine. From now on, you are my girl. And don't you dare thinking of kissing another boy. "

Damn. Seriously?

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon