Chapter 20

1.7K 115 19
                                    

Owe


Muli akong nagpasalamat sa mga kasama ko sa pagbati nila sa kaarawan ko at gaya ng dati, pinili namin na sa bar ipagdiwang dahil yun ang gusto nila. Huminga ako ng malalim at pilit na intindihin na kahit sa ilang taon na nakasama sila sa trabaho, ang laki pa rin ng pagkakaiba namin sa isa't isa. At kahit ayaw ko sa klase ng lifestyle nila, sinubukan ko pa rin ang makisama sa kanila. Like, I'm trying to fit in, always trying to find my place in this foreign place. At hindi madali para sa akin.

Pagkatapos ko ng kolehiyo, dun ko lang sinubukan makipag-komunikasyon kay Lee na ang laki ng pagtatampo nya. I apologized though as I explained everything. Nothing less, nothing more. Hindi ko rin sinubukan na kumustahin ang nangyari bago at pagkatapos ng graduation nung high school, o yung mga dating kaklase, maging si Kaius ay hindi ko na inalam kung ano na ang buhay nya. Alam ko na naman na he is fine after everything. I'm just glad that she visited me whenever she's free.

My colleague tried to set me up with someone they know, but it didn't work out. I was in a relationship with a foreign guy pero hindi rin nagtagal.

Nilagok ko ang natirang alak sa baso, saka ko lang napansin na wala na ang mga kasama ko. They are having their own world with other people in the dance floor. Alam nila na ayaw kong makipagsayawan kahit kanino pagkatapos nung nangyari dati. Kinuha ko ang cellphone na tumutunog. Lee is calling. Kinansela ko ang tawag at nag chat nalang sa kanya. Napangiti ako sa binalita nyang ikakasal na sya.

' You will come to my wedding, right? Kung hindi, hindi na kita kakausapin kahit kilan! '

Naningkit ang mga mata ko sa mensahe nyang ilang ulit kong binasa. Talaga? Alam nya talaga paano ako i-bluff.

Nagtagal ang tingin ko sa taong nakaupo sa stool na nakikipag usap sa bartender. Pamilyar ang bulto ng katawan pero hindi pa rin ako sigurado. Lasing lang yata ako. I decided to go home and will text them later. Tipid na ngiti ang tugon ko sa bartender ng tumango pagdaan ko.

Hindi lang naman siguro sya ang may ganung hubog ng katawan. I'm just drunk kaya kung ano ano ang nakikita ko.

My weekdays are always the same. Madalas busy at kahit day off ko, may mga kliyenteng tumatawag direkta sa numero ko dahil busy ang linya ng kompanya, mga emails na kailangan ko pa rin basahin at i-print, at i-forward sa kompanya. Kaya pag weekend ay pinapatay ko ang cellphone ko para walang istorbo.

About Lee's wedding... hindi ako sigurado kung makakapunta dahil sa trabaho.

Napatingin ako sa kulay dark blue na folder sa harap ko na inabot ng general manager ng kompanya.

" Buksan mo. "

Ilang beses kong binasa ang nakasulat baka nagkamali lang ako. I am promoted as general manager, pero hindi dito sa Switzerland kundi sa Pilipinas. At ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

" Seryoso po ito? "

Natawa ang gm ng kompanya na tumango tango. " Yes. May kalahating buwan ka para tapusin ang iba mong trabaho. Nasa email mo ang tungkol sa flight mo. They are expecting you as soon as posible. "

Matapos magpasalamat ay bumalik ako sa pwesto ko blanko ang utak. Why I am scared? Wala naman akong ginagawang masama.

Hindi ko sinabi sa mga magulang ko ang tungkol sa pag uwi ko, maging ky Lee. Naipadala ko na rin ang ibang gamit ko para hindi ako mahirapan sa airport kung isasabay ko sa pag uwi. Nakahanap na rin ako ng condo na malapit sa kompanya kaya wala ng problema. Sana nga.

Inikot ko ang tingin sa buong unit. It is almost empty. Mamimili ako bukas ng gamit. Tinawagan ko ang mga magulang matapos mag ayos ng gamit, at gusto sana nila na umuwi akong probinsya. Saka na, kapag nakapag adjust na ako sa bagong kompanya na papasukan ko. Balak kong sorpresahin si Lee. Napangiti ako. Magpapakita kaya ako sa mismong araw ng kasal nya? Her ig account is still active after how many years? Gumawa ako ng bagong account at nagpost ng ilang pictures kasama ang mga ka-trabaho ko sa Switzerland bago ko pinindot ang follow sa account ni Lee. Naningkit ang mga ko. Sinong mag aakala na ang pakakasalan nya ngayon ay yung crush nya dati sa high school? One of his friends huh?

Is this your account? For real?

Nag reply ako sa dm nya. Dahil ayaw ko sa comment section kami magsasagutan. We chat for almost half an hour bago ito nagpaalam na matutulog na dahil may appointment ito bukas.

Dahil late akong natulog kagabi, mag alas dos ng hapon ako nagising. After my brunch, namili ako ng mga kailangan ko for this week. Not sure if may time akong magluto after work, paniguradong magiging abala ako sa trabaho sa bagong kompanya.

Ipinakilala ako sa lahat pagkatapos ko magreport sa supervisor ko, bukod sa simpleng ngiti at tango ay pumunta na ako sa opisina ko at kahit inaasahan ko na baka ga-bundok na ang mga dokumento na kailangan trabahuin ay nagulat pa rin ako ng datnan ito. Meron pang nakahilera sa kabilang table.

" Gusto ng coffee ma'am? "

" Yes. Pero dito ka nalang gumawa. Para hindi ka na rin paroon-parito. Anong pangalan mo? "

" Marie po. "

Tumango ako. " May de-kuryenteng heater dun, gumagana naman siguro. May dala akong mug at kape. "
Inabot ko yun sa kanya at muling nagpasalamat.

" Heto na po ma'am. "

" Thanks. Ayaw mo mag kape? "

Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na umiling. " Oras pa po ng trabaho ko. Mamaya siguro pag breaktime ko sa canteen sa baba. "

Huminga ako ng malalim. Ang bata pa para suungin yung responsibilidad, sana lang hindi sya mag isa.

Hindi pa ako nangalahati sa trabaho ko ng sumulpot ulit si Marie.

" Lunch ma'am? "

Sinulyapan ko ang orasan sa pader, lagpas alas dose na.

" Did you eat? "

" Di pa po. Dumaan lang ako dito baka kasi hindi nyo namalayan ang oras. Papunta po akong canteen. "

Tumayo ako ako para sumama sa canteen. Everyone's looking at me at wala akong pakialam. I'm good at ignoring that kind of stare.

I choose chicken salad and orange juice at naghanap ng maupuan.
" Bakit ka nanjan Marie? "

" Po? "
Gusto kong matawa sa mga mata nitong namilog na nakatingin sa akin.

" Dito ka sa table ko. Hindi ako nangangagat. "

" Dito nalang ma'am. Nakakahiya po eh lalo pa at nakatingin sila. "

" So? "
Tinitigan ko hanggang sa dahan dahan itong tumayo papunta sa table ko. Tahimik kaming kumakain na panay naman ang lingon nito sa kaliwa at kanan.

" Umupo ka ng tuwid, itaas mo ang mukha mo. Wag mo silang pansinin, you don't owe them anything, right? "

Para itong bata na sunod sunod na tumango, umupo ng tuwid, nakatingin ng deretso sa mga mata ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon