Fuckable
Lunes ngayon pero pakiramdam ko ilang araw na ang nagdaan. Kung ang ibang kaklase ko ay fresh dahil nakapag relax nitong weekend, salungat naman sa akin. Stress ako masyado sa sarili ko at sa nangyayari. Maraming pagkakataon na hiniling ko na sana pwede ko takasan ang lahat ng to, na sana panaginip lang to na pwedeng hindi ko maalala paggising ko.
Nakita ko si Lee at Kaius na mukhang seryoso ang pinag- uusapan. Umiwas ako ng tingin kay Kaius na tumingin sa akin. Naalala ko ang sinabi nya nung biyernes na sana alam nya kung anong iniisip ko, na gusto nya ako. I know he is just fooling me. Kung sasabihin nya na gusto nya si Lee o di kaya si Pia, maniniwala pa ako. Dahil magka level sila sa estado ng lipunan.
" Anong nangyari sayo nung byernes? Nagkita daw kayo ni Kaius? "
Ngumiti lang ako sa kaibigan ko. Wala ako sa mood na magkwento ngayon, lalo na kung ang nangyari nung byernes ang pag uusapan. I don't feel like talking to anyone now. Mas gusto ko muna ang mag isa, gusto ko nalang mag focus sa tatlong buwan na natitira sa paaralan na to.
" Hindi ba nya na-kwento sayo? "
Umiling ito. " Hindi. Ang sabi lang nya kung may problema ka ba na pinagdadaanan? Wala ka naman na-kwento sa akin. "
Ngumiti ulit ako sa kanya. " Wala. Stress pa rin ako kung matutuloy ba ang mga plano ko. Pero... may paraan naman siguro na iba. Wag kang mag aalala, ayos lang ako. "
Ako pa? Ang galing ko kaya magtago ng problema ko. Tsaka sanay naman ako na ako lang mag isa sa problema ko.Hindi ko pinansin si Kaius buong araw. He is just there, sitting in his chair, looking irritable as usual. I act like I didn't see him, pretending that i don't know him all day.
Bitbit ang backpack ko umakyat ng rooftop. Mamaya na ako uuwi kapag madilim na. Nagpaalam ng uuwi na si Lee dahil may interview pa daw ito sa unibersidad na inaplayan sa ibang bansa.
Nakikinig ako ng musik sa cellphone ko habang nagbabasa sa notes ko. Kahit papano nakakalimutan ko ang mga problema ko kahit pansamantala lang. At hindi ko namalayan na tuluyan ng nagtago ang araw. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko para makauwi na pero natigilan ng makita si Kaius sa gilid ko.
" Anong ginagawa mo dito? "
Sinulyapan ko ang cellphone ko. Walang tawag o text galing sa kanya." I always feel like I'm invisible to you. Finally you can see me now. "
Nakaramdam ako ng guilt. He is nice to me and I'm rude to him.
" Umuwi ka na. Uuwi na rin ako. "
Natigilan ako sa paghakbang dahil sa kamay nito sa braso ko. Huminga ako ng malalim. My heart is beating so fast that i feel like i need to catch some air to breath properly." Iniiwasan mo ako? Why? Because i told you that i like you? "
Huminga ako ng malalim at tumango.
" You are... straightforward. And i want to be honest. Ayoko rin ng paligoy-ligoy. Please, not me. Alam ko na may magugustuhan ka pa na iba. Because I can't entertain that kind of situation right now. Hindi ko man sinasabi but my head is full at may mga problema ako na hinahanapan ko pa ng solusyon. "
There. Nasabi ko na. Kaya sana tumigil na sya.Ilang segundong katahimikan saka ito tumango tango. Ang mukha nitong seryoso ay hindi ko na mailarawan.
" I understand. Hindi ko pinipilit ang isang bagay na ayaw mo pa. I can wait though. Pero hindi mo ako pwedeng pagbawalan not to like you. It is my right. I can be your friend and you can tell me anything or what's bothering you. I'm a good listener too. "
Hindi ko napigilan ang ngumiti. Okay, I admit... he is a good guy but I can't like him. Still.
" You're more pretty when you smile. "
BINABASA MO ANG
You, Till The End
General FictionI love him but i will not chose him. Not now. Iiwan ko sya na sa tamang panahon, pipiliin nya ako ulit.