Chapter 23

1.9K 117 11
                                    

Boyfriend


Marie is happy at her new job, at syempre nag umpisa yung mga tsismis. Umiiling nalang ako. Mga tao nga naman. Bumili ako ng microwave, mga pagkain na pwedeng initin nalang para hindi namin kailangan lumabas para kumain sa canteen. It saves time.

Pierre is in love with the girl he meet online, and finally saw her in person. Okay naman daw, they see each other after work, yun nga lang laging busy yung girlfriend nito. We agreed to hang out together kapag okay na yung schedule.

Nilinis namin ang buong opisina, inayos ang mga files, at ang iba na hindi naman talaga kailangan ay pinababa ko sa storage room.

Medyo malapit na namin matapos ang mga natirang mga files, naibigay ko na rin yung copy ng mga dokomento na hinihingi ng ibang departamento, Buti nalang mabilis magtrabaho si Marie kaya mabilis natatapos ang trabaho. Madalas akong overtime dahil sa mga email na kailangan basahin, at ipapasa ko sa sekretarya ng may topak na boss, para hindi ko na kailangan i-report yun ng personal.

" Laging late ang uwi nyo maam ah..."
Pinagbuksan ako ng gwardiya ng pinto.

Inaantok at pagod na ako, mahapdi na rin ang mga mata ko. " Maraming trabaho po eh. "

Should I buy a car? Para hindi na ako maglalakad pauwi. Kahit malapit lang yung condo ko, delikado pa rin maglakad mag isa sa ganitong oras, at medyo madilim na ang daan. May mga tambay pa naman sa gilid ng daan at pakiramdam ko nakatingin silang lahat sa akin. Dapat pala magdala ako ng extra na sandal na flat, para hindi ako mahirapan maglakad ng nakasapatos ng mataas ang takong. Hindi na ako mag overtime bukas. Maaga ako uuwi at dalhin yung mga papeles bukas. Nakahinga ako ng maluwag ng nakapasok sa gusali ng condo at nagmadaling pumasok sa unit ko. Pakiramdam ko kasi may nakatingin o nakasunod sa akin.

My daily routine was like that, always. Paper works, email, phone calls, meetings, and talk to my snob boss. Madalas sa labas kumakain ng lunch si Marie kaya madalas mag isa ako during lunch break. And thanks god at weekend bukas. I can be lazy and get up anytime I want. Pierre and I will have a lunch tomorrow at ipapakilala nito ang girlfriend sa akin dahil kailangan na rin nitong bumalik ng Switzerland.

Palabas na ako ng opisina ng makita si Lee. Hindi nya kasama yung boyfriend nya?

" Let's have an early dinner? "

" Hindi ka ba busy? "

Huminga ito ng malalim. " Busy. And nervous too. This sunday is my wedding day. "

Tumango ako. Normal lang naman siguro ang kabahan lalo na malapit na ang araw na mag iiba ang buhay mo, na may isang tao ka na kailangan isipin maliban sa sarili mo, of course, there is that responsibility.

" Pupunta ka diba? Wag mong sabihin na hindi, linggo yun! Walang trabaho sa araw na yun! "

Umirap ako. Wala talaga akong lusot sa babaeng to.

" Wala namang rason na hindi ako pupunta diba? Since...inimbitahan mo ako. "

I'm listening to her story on how she and Chen started to date, on how they meet again after high school, on how he propose and their plan after the wedding. Then my vision caught someone, not far from our table. Hindi ko mapigilan ang pagsalubong ng kilay ko, ibang babae na naman ka-date nya? I smirk. Of course, that's the kind of girl he like. The girl in red dress is pretty, with her cleavage, and bare at the back, sinong mga lalaki ang hindi napapalingon sa kanya. Even her laughter is distracting....me.

" Hindi ka ba magtatanong tungkol sa graduation nung high school? "

" May special ba na nangyari na kailangan ko malaman? Wala naman yata. "
Well, I don't want to know.

" Well...lahat kami nagulat na yung valedictorian ng klase, wala. Lalo na nung binigay sa akin ni Ms. Bonita yung sinulat mong speech. I was really shocked. No one know what happened, or where were you, and I admit that I feel betrayed after that. We are friends pero hindi mo sinasabi sa akin, though I respect your privacy pero I was disappointed back then. "

Hindi ako nakaimik. Ayoko sanang pag usapan to dahil tapos na, pero hindi rin siguro to matatapos kung hindi pag usapan. I sighed deeply. I smiled.

" Gaya ng sinabi ko sayo noon, hindi ako sigurado kung makapag college ako. And it bothers me a lot. Dahil gusto ko talaga makatapos para hindi na ako mangangapa o umasa sa wala. Then, Ms. Bonita encourage me to apply a scholarship at her previous school in Switzerland. Sinubukan ko at sa awa ng diyos, nakapasa. Pero hindi pa rin ako sigurado. Hindi pa ako handa na umalis bigla at iwanan yung lahat ng nakasanayan ko, yung comfort zone ko, hindi pa ako ganun ka-kampante na makipag sapalaran sa banyagang lugar kasama ang mga estranghero. Kaya hindi ko sinabi kahit kanino dahil hindi pa rin ako sigurado. But, someone push me to go, and Ms. Bonita encouraged me and believe in me. That's why. Pagdating ko dun, I was an outcast. Because I am an asian-weird kind of girl. I tried to ignore it dahil ayaw ko ng gulo. It was not easy but then I have to work harder to maintain my grades dahil scholarship ko yung nakasalalay. Nagpa-part time din ako dahil ayaw kong asahan yung allowance ko, at sa awa ng diyos, nakatapos, got a job, then came back here. "
Pagtatapos ko. Ayoko ng e-elaborate pa yung ibang detalye.

" Napilitan ka lang naman bumalik dahil nailipat ka. Kung hindi nandun ka pa rin sa ibang bansa. "
She even rolled her eyes at me.

Totoo. Back in Switzerland, wala pa sa plano ko ang bumalik dito at harapin yung lalaking nakipaglandian sa harapan ko.

" Siguro? Maybe I will come back here with my own family? Who knows? "

" Ano?! May balak kang mag aasawa ng hindi mo sasabihin sa akin!? "
Napalakas pa ang boses nito kaya napalingon ang ibang tao sa amin. Pinanlakihan ko ito ng mga mata ko. Even her cousin is frowning at us and even look at me with his sharp eyes. Gusto ko tuloy irapan. Tsismoso!

" Well..."
Well, sasabihin ko syempre kay Lee. Kung sakali.

" Aba! I will never ever talk to you if you ever do that! Bakit? May boyfriend ka? Hindi mo pinakilala sa akin! "

I even hushed her dahil uminit yung ulo at tumataas yung boses. Langya tong babaeng to. Ang daldal!

" Oo ipapakilala ko din! "
Kung meron na!

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon