Requirement(s)
Pauwi na ako at gaya ng dati, nasa waiting area si Kaius ng nakita ko.
" Here's mine. We just have to summarize this, right? "
" Oo. Ako na ba mag summarize nito o ikaw na? "
Narinig ko ang mga pagbati ng mga dumadaan kay Kaius na tanging tango lang ang sagot.
" I will do it. "
" Okay. Malayo pa naman ang deadline kaya take your time. "
I hate that feeling that everyone is watching my every moves and what I'm going to say.
" Wait, are we suppose to talk about which side are we in favor? "
" Sa pangatlong page, nandun yung saan ako pabor. "
" And if you read mine, I'm on the opposite side, which it's fine to date while schooling? "
Natigilan ako. Paano nga ba, kung magkasalungat kami ng opinyon tungkol sa project na to. Kailangan nga namin pag usapan. At ayaw ko sana ng mahabang diskusyon.
" Bakit hindi mo nalang isulat yung opinyon ko tungkol sa bagay na to at ganun din sayo. Para fair. Kasi hindi naman pwede pag awayan yung kung anong dapat. Dahil sa huli walang dapat at hindi dapat. May kanya kanya tayong opinyon sa lahat ng bagay. "
He didn't say anything after that kaya umalis na ako.
Ipinagdasal ko gabi gabi na sana mas lalong mabilis ang pag ikot ng oras at araw para makatapos na ako ng high school. Sa jeep, iniisip ko kung paano ako makapag kolehiyo. Hindi kasi sigurado kung makakapag aral ako dahil hindi kaya ng mga magulang. Pinag iisipan ko din ang mag take ng scholarship exam at kung makapasa ay kaunti nalang ang intindihin ko. Balak ko rin na maghanap ng trabaho na pwede sa akin ng hindi maapektuhan ang pag aaral ko.
Lumipas ang mga araw na paulit ulit ang ginagawa ko, na okay lang sa akin kaysa makipag-plastikan ako sa mga kaklase ko na ayaw sa akin. Nakahanap ako ng mapagtambayan. Huminga ako ng malalim ng makarating sa rooftop.
May mga pagkakataon na hiniling ko na sana sa ibang eskwelahan ako nag aaral, kahit yung public lang okay na sa akin. Yung may mga kaibigan sana ako na gusto ako bilang ako.
" Naunahan mo ako sa tambayan ko ah... "
Nilingon ko kung sino yun. Pamilyar sa akin. Siya yung estudyante sa c.r. Kaklase ko sya pero hindi kami nag uusap at hindi kami magkaibigan. Hinayaan ko sya at nakatingin sa kawalan.
" Meryenda tayo? "
Bahagya ako ngumiti at umiling. Wala akong ganang kumain.
" Tapos na ako. Salamat. "
" Hindi na yata kayo magkasama ni Pia? In-unfriend ka nya? "
Mapait akong ngumiti sa kanya.
" Unfriend? Hindi ah. Kasi never naman kami naging friends. Narinig mo naman siguro lahat ng sinabi sa loob ng c.r. "Tumango tango ito at tahimik na kumakain ng meryenda nya.
" Lagi kasi kayong magkasama kaya akala ko magkaibigan kayo. "" Itinuring ko syang kaibigan sa panahon na magkasama kami. One-sided lang pala friendship namin. Well, hindi ko mapipilit ang mga tao na gustuhin akong kaibigan. Siguro mabuti na rin yun dahil ayaw ko ng umasa na magkaroon ako ng kaibigan. Ayoko na rin magtiwala sa kahit kanino. I'm fine with myself. "
Halos araw araw magkasama kami ni Lee Chua sa roof top. Ilang araw pa bago ko nalaman ang pangalan nya ng tinawag ang mga pangalan namin isa-isa ng adviser namin. Hindi pala kwento si Lee. Madalas itong tahimik at nakikinig lang sa mga walang kwenta kong mga hinaing sa buhay. Pag nagkwento naman sya, pahapyaw lang. At hindi detalyado.
" Saan ka mag aaral ng college? "
Biglang tanong nya isang araw." Hindi ko alam. Baka hindi rin ako makapag aral kasi di kaya ng parents ko. Masyadong mahal ang mga matrikula sa kolehiyo. "
" Sayang naman. Matalino ka. Valedictorian ka pa naman ngayong darating na marso. "
Hilaw ang ngisi ko. " Matalino nga, wala naman kaming sapat na pera. "
" What about scholarship? "
" Tingin mo makakakuha ako? "
Sunod sunod itong tumango at ang malalaking mga mata nito ay may mga tanong.
" Oo naman! Ikaw pa! Tiwala lang! "
Napangiti ako.
Sa bawat araw na nagdaan, si Lee lang ang nakakausap ko. Hindi ko namalayan na nagkalapit ang loob namin. Hindi ko nga lang alam kung kaibigan ko sya o kaibigan nya ako.
" Are you two are friends? "
Pia, and her group came to us and ask this. Babawasan nila ang oras nila para lang lumapit at itanong sa amin to?Napansin ko ang pagkailang at tensyon kay Lee. She's like a scared kitten in the corner.
" Oo. Bakit? "
Napangiwi ang isang kasama ni Pia sa sagot ko.
" But you are not rich! "
Sagot ng isa.I really hate those words. My face started to heated up. Parang gusto ko syang suntukin sa mukha.
" Hindi ko alam na isa sa basihan na kaibiganin yung tao ang pagiging mayaman o mahirap. "
" Dahil hindi bagay yung mahirap sa mayaman. "
" Alam ko yun. Pero walang masama dahil wala naman akong intensyon na iba maliban sa pakikipag kaibigan. "
I look up to Pia. Her face is cold and snob.
" So, hindi na tayo friends? "
Tanong ni Pia na natawa ako. First time yata na natawa ako sa buong panahon na nagkasama kami." Are we really friends Pia? "
Now, she look shocked. Like I throw her some stupid joke. " Kasi na-realize ko na hindi yata ng bigla mo akong iniwan sa ire ng walang pasabi. Okay lang naman sa akin na hindi ka na makikipag kaibigan but at least have some decency to tell me in front of my face, but you did not. Hindi kita tinanong ng nakipagkaibigan ka sa kanila, it's because we all have that common sense that we can be friends with anyone despite their status. "No one say a word. Kaya hinila ko nalang si Lee palabas ng room. I smiled at her. Buti nalang uwian na. Ayaw ko na makita ang mukha nila.
" I'm sure galit sila. Kasi sinagot mo. "
Nagkibit balikat ako. Wala na akong pakialam sa kanila, lalo na kay Pia.
" Eh diba nagtanong sya? Kaya sinagot ko lang yung tanong nya. Bastos naman kung tatalikuran ko sya bigla ng di ko nasagot yung tanong. "
Ngumiti ito. " Pilisopo ka talaga. "
" Kung mayaman ka ba, makikipag kaibigan ka ba sa akin? "
" Oo naman. Sabi mo nga we all have that right to be friends with anyone whatever our social status. Hindi naman requirement ang estado mo sa buhay pagdating sa pakikipag kaibigan. "
" Para kang abogado sa sinabi mo."
Pangarap ni Lee maging abogado balang araw. Ako? Hindi ko alam ang gusto ko, pero isa lang ang sigurado, gusto kong magtagumpay sa landas na pipiliin ko.A black luxury car stopped in front of us, and a driver in a uniform came out. Binuksan nito ang pintuan sa backseat. Tumayo si Lee at dahan dahan naglakad patungo sa magarang sasakyan. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
" I am your friend Ivanne, whatever my social status we can be friends. "
Alam ko na mayaman si Lee base sa pananalita, sa kilos at pananamit. Hindi man nito sinasabi o ipinagmamalaki, I know that she is wealthy not because she is rich but because she is acting as she is.
BINABASA MO ANG
You, Till The End
General FictionI love him but i will not chose him. Not now. Iiwan ko sya na sa tamang panahon, pipiliin nya ako ulit.