Chapter 4

1.4K 100 4
                                    

To or Not

Tahimik na ang gabi dahil laging maagang natulog ang mga magulang ko dahil may trabaho kinabukasan. Sa sobrang tahimik ay naririnig ko yung mga insekto sa labas.

Sa kagaya ko na walang eksperyens sa pakikipag-relasyon, mahirap isulat yung disadvantage at advantage sa isang relasyon. Siguro dun muna ako advantage at disadvantage ng isang single na katulad ko. Disadvantage yung syempre wala akong alam. Wala akong ideya kung ano ba ang pakiramdam kapag nasa isang relasyon ako. May clue man ako, iba pa rin sa actual na experience on how to handle relationship, and being in a relationship. In short, hindi magiging totoo yung naririnig, nababasa at napapanood mo sa mga palabas sa tv hangga't hindi mo ito naranasan talaga. Advantage? Walang distraction. Walang sakit ng ulo. Wala kang kahati sa oras mo, wala akong kaaway dahil may pinagseselosan ako o dahil hindi agad sya nag reply sa text ko. At higit sa lahat, mas matutuunan ko yung pag aaral ko ng wala akong ibang iniintindi.

Huminga ako ng malalim. Paulit ulit ko binasa ang mga sentences na nagawa ko. At ang epilogue nun ay pabor ako sa no dating while studying. Kasi mas dapat bigyan ko ng priority ang pag aaral ko. Dahil yun ang dapat. I am not in a situation where i can sit down and do nothing, na kapag nainip ka ay pwede kang mag shopping, manood ng sine, mag sleep over sa isa mga bff mo o di kaya ay nakikipag date. Alam ko ang mga priority ko sa buhay at hindi ito. But I have that what if's. What if I fall in love while I'm still studying? Will I be able to focus on my priority at school? Like maintaining my grades para top one pa rin ako klase. Mukhang hindi madali yun.

Naging tatlong pahina ang nae-type ko sa laptop. Agad ko nai-print at nilagay sa transparent na folder. Ibibigay ko to kay Kaius bukas. Para hindi na ako ulit kainisan ng mga babae kong kaklase dahil si Kaius ang partner ko.

Pagpasok ko sa room ay agad kong nilapitan si Kaius at inabot ang ginawa ko. Napansin ko ang pagtahimik ng mga kaklse ko at ang pagsunod nila ng tingin sa amin. Ang mukha ni Pia na blanko, alam ko na naiinis sya at wala akong magagawa para dun. Kailangan ko ng grado para makapasa.

" Iabot mo nalang sa akin ang gawa mo pag meron na. "
Agad ko ng tinalikuran at naupo sa upuan ko. Tipid ang ngiti na ibinigay ko kay Pia. My supposed to be friend is acting like a stranger these days. Kahit magkasama kami minsan ay pakiramdam ko mailap sya sa akin.

" Tapos na? "

Tumango ako. " Oo. Hihintayin ko nalang yung gawa nya para ma summarize at ng matapos na. "
Siguro pagkatapos nito ay babalik na ako sa dati, yung sa dating ako. Kung mag isa man ako dati, hindi yung pakiramdam na kinaiinisan ako ng lahat kasama na si Pia na itinuring ko na kaibigan. Lately, ibang grupo ang kasama nya sa breaktime. Inaya daw sya at hindi nya matanggihan, hindi ko alam bakit sya nag explain eh hindi naman ako nagtatanong.

Gaya ng breaktime ngayon, di kami magkasama. Hindi naman sa nagtatampo ako. Siguro naninibago lang.

Walang tao sa c.r kaya pagkatapos ko umihi ay umupo ako sa tinakpan na inidoro. Kinalikot ko ang cellphone ko ng marinig ang mga boses na pamilyar sa akin. Agad kong nilagay sa silent at naka off ang volume nito para hindi makagawa ng kahit na anong ingay.

" You are her friend, right? Ivanne? "

Kilala ko ang boses na yun. Isa sa mga kaklase namin.

Kumalabog ang puso ko ng marinig ang pangalan ko. Sabi ko na nga ba eh. Hindi maganda ang makinig sa pinag uusapan ng iba lalo na at ikaw ang topic. Sabagay, hindi rin ako makakalabas dito ng hindi nila ako makikita maliban nalang kung hintayin ko silang magsipag pasukan sa mga cubicle na to.

" We are not friends. She's just my seatmates? "

At ang lahat ng mga pagdududa ko noon kung kaibigan ba ang turing nya sa akin at kung bakit nya ako kaibigan ay masasagot yata ngayon ng marinig ang boses ni Pia. I can't believe i'm holding my breath while waiting of what she's going to spill.

Tumawa ang ilan sa kanila. Dahil ba nakakatawa yung sagot nya o dahil ba nakakatawa ako.

" Hindi ako nakikipag kaibigan sa karibal ko. I like Kaius. And I don't think they like each other. Kasi tingnan mo nga, Kaius is rich, handsome and popular and Ivanne is the opposite. Hindi sila bagay no! I just don't like the attention he give her now kahit pa sabihin na project lang yun dahilan. "

" Bakit hindi ka gumawa ng paraan para mapansin ka nya? "

" May ideya na ako para dyan. I will take my time, ayaw ko na pumalpak. "

" Well, we can help you with that. "
The girls cheered when one of their friend said that.

" Thanks girls! Alam ko na maaasahan ko kayo. "

" Pero hindi ba sya nagtataka na hindi na kayo magkasama tuwing breaktime? "

" She is smart but she is also a fool. May sariling mundo yun kasama ang mga libro nya. "
Nagtawanan sila sa sagot na yun.

And my heart ache of disappointment. Wala nga talaga akong kaibigan sa eskwelahan na to.

Nag retouch lang siguro sila dahil nagyaya na na umalis. Nagbilang pa ako bago lumabas. Nagkatinginan pa kami ng isang estudyante na lumabas din sa isang cubicle. Narinig nya rin yata lahat.

Tahimik ako na lumabas at napansin ang cellphone ko na nakailaw. Kunot noo ko itong tiningnan. Aksidente ko yata na napindot ang voice recorder nito. Kinuha ko ang headset sa bulsa ko at pinakinggan yun habang naglalakad pabalik ng classroom. May pait akong nararamdaman sa bawat paglunok ko. I guess it's a simple reminder that that's life. Expect the disappointment. Lagi kong kasama yun simula sa umpisa at bigla kong nakalimutan kasi akala ko kaibigan ang turing nya sa akin.

Hindi ko pinansin ang mga tingin ng grupo at kunwari ay binuksan ang libro at nagbabasa. Ang audio na to ay paalala na hindi ko pwedeng kalimutan ang mga priority ko sa buhay. I have to work harder to get a better life in the future.

Lumipas ang araw na yun na tahimik lang ako. Gaya ng sabi ni Pia, nasa libro ang mundo ko kahit sa mga oras na to ay hindi. I am distracted today. Pia is in the classroom with her new friends. And I'm back from being an outsider.

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon