Chapter 7

1.6K 99 2
                                    

Number

Pagkatapos ng ilang minuto nagsipag datingan ang mga magulang namin. Ang nanay ko lang narito dahil hindi pwedeng dalawa silang liliban sa trabaho. Pia's mother is also here and her friends's parents are all here. Nagtatalo sila tungkol sa nangyari, na hindi sila makapaniwala na may nangyaring insidente na ganito. Si Ms. Bonita ay tahimik lang na pinanood ang ma-dramang eksena, maging ang principal namin ay tahimik na nagmamasid.

" Ms. Ivanne, anong plano mo tungkol dito? Magsasampa ka ng kaso? "
Tanong ng prinsipal.

Narinig ko ang bawat pagsinghap ng mga taong kasama ko. Si Lee ay napapangiti sa naging resulta sa nangyari. While Kaius is sitting comfortably beside me, his arms both on his chest.

" Wala po akong balak magsampa ng kaso, sapat na sa akin na nalinis yung pangalan ko, sapat na yung nahuli ang kung sino man ang may kasalanan sa nangyari. Sana hindi na mauulit to. "
Kahit naman magsampa ako ng kaso, hindi rin naman sila makukulong dahil mga menor de edad pa lang kami.

Laking pasalamat ng mga magulang na hindi ako magsasampa ng kaso sa mga kaklase ko at pinangako nila na didisiplinahin nila ang mga anak nila. Maging ang si Ms. Bonita ay nakiusap na sana himdi na ito mauulit pa.

Bumalik kami sa klasrom. Nakiusap ako kay Ms. Bonita na sa tabi ako ni Lee uupo at naintindihan naman nya. Parang binudburan ng asin si Lee ng tumabi ako sa kanya.

" Buti nga! "
Umirap ito na nakatingin sa grupo ni Pia. Pia's poker face is easy to read. She's not please about what happened, I know.

Kuryuso ang mga mata ng lahat na nakasunod kay Kaius na lumapit sa pwesto nila Pia. He leaned down a bit. At kung ano man ang sinabi niya sa kanila, sila lang ang nakakaalam. Did he threatened them at bakit gulat ang hitsura nila. Kunot ang noo ko na nakatingin kay Kaius na mapang asar ang ngiti nito sa harapan ko.

" Nabura mo ang email ad ko? "
Nagtataka na tiningnan ko ang mamahalin nitong phone.

Bahagya itong lumapit sa akin. " I... want your number. "

Ilang beses akong kumurap at hindi maintindihan ang sinabi nito. Naglo-loading ang utak ko sa sinabi nya. Tiningnan ko ng masama si Lee na umaaktong nabilaukan dahil may pa-ubo ubo pa syang nalalaman.

" Nandyan na yung number nya. Na save na dyan."
Nakangisi si Lee sa akin matapos kunin ni Kaius ang phone nito para tingnan kung totoo ba na nandun na nga ang phone number ko sa kanya.

" Bakit mo binigay yung number ko? Wala akong sinabi na pwede mo ibigay ah. "

Nakangiti ito sa akin. " Mukhang may love story na magaganap sa klasrom na to. Number one fan nyo ako. "

" Thanks. "
Tumingin ito kay Lee. At bumalik sa upuan na sa phone nito ang atensyon.

" Sarap mong kurutin sa singit eh! "

Nakangisi lang ito at nagkibit balikat. Aanhin naman nya number ko? It's not like we are going to call and text each other.

Mukhang narinig sa taas ang dasal ko na sana mabilis ang paglipas ng bawat araw, na naging mga buwan. Naging abala kami sa mga school activities, ibang project sa ibang subject, exams, at may paparating pa na field trip. Huminga ako ng malalim. Field trip means money. Hangga't maari ayaw ko na nahihirapan ang mga magulang ko sa gastusin. Marami kaming binabayaran at hindi sapat ang sahod nila para sa lahat.

" Ang lalim nun ah. "

Kumuha ako sa dala nyang banana cake. Masarap gumawa ng mga cake ang yaya ni Lee at isa ang banana cake sa paborito nito na nagustuhan ko din.

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon