Chapter 11

1.7K 111 15
                                    

List

Napagkasunduan namin ni Lee na gawin namin yung mga bagay na hindi namin nagawa bago grumaduate. Gumawa ito ng listahan at umiiling si Kaius ng mabasa ang isinulat nito sa papel.

" Seriously? Kiss some stranger? Clubbing? Gonna drink an alcohol? And... "
Maang itong nakatingin sa akin at kay Lee. And we both giggling of our stupid ideas. I think we are both insane. And that's what Kaius thinking right now.

" What's wrong with that? "
Taas ang kilay ni Lee kay Kaius. " Wag ka ngang oa! At least ma-experience man lang namin to bago sasabak sa pakikipagbakbakan sa mga libro ulit no! At wag kang pa-inosente dyan! Alam ko na na-experience mo na lahat ng yan."

Naningkit ang mga mata ko. He experienced all of these? Really?

Now, he look pissed. " You don't need to experience all of these. And you are not allowed to go in a club. You should wait til you are eighteen. "

Umirap si Lee. Maging ako ay umirap sa sinabi nya.

" Walang problema sa club. I know someone para makakapasok kami. At tungkol sa huling nilista namin, well... pwede yun ipagpaliban kung wala kang magugustuhan dito. I'm sure maraming mga hotboys sa ibang bansa. "

Unlike me, Lee is willing to get rid of her virginity. Yun ang nasa huling inilista ni Lee na lalong ikinainis ni Kaius.

Napangiwi ako sa malutong na mura ni Kaius na pinagtatawanan lang ni Lee.

" Why are you so mad? Masyado kang stress. When was the last time you had a girl? "
Lee keep teasing him that makes him walk away.

" Galit yata. "
Medyo nakaramdam ako ng pagka-guilty. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sa lakas ng pagbalibag nya ng pintuan. He is really mad.

Nagkibit balikat ang kaibigan ko. Hindi apektado sa pagdadabog nung isa. Nakangisi ito habang nag iisip. Alam ko na may naisip na naman itong kalokohan. She took a selfie of us and posted on her instagram account with a caption ' good things will happen with a list' on it. Natawa ako sa caption nya.

" Ngayong weekend ha? Walang urungan? "

" Oo na. Ang kulit mo. Basta pumunta ka sa bahay sa byernes at ipag paalam mo ako. "
Our plan is to have a sleepover in Lee's place. Sya na bahala magpaalam sa nanay ko. Walang problema sa damit, sapatos at make up. Papahiramin ako ni Lee. Hindi ko maiwasan na ma-excite. First time ko na gagawa ng kalokohan kung sakali. At kahit naninibago sa hindi ko pagsunod sa kung ano ang dapat o hindi, ipinagkibit balikat ko lang ito. It's about time to get out of my comfort zone. Kahit ngayon lang. I bet my high school life will be amazingly crazy.

Ngumisi ito at tumalon talon dahil na-excite na. Alam ko na hindi tama ang ginagawa namin. Pero wala rin naman masama kung susubukan.

" Okay lang ba talaga na matutulog sa inyo si Jade? "
Byernes pagkatapos ng klase ay dumaan si Lee sa bahay namin. We lied about having a group project.

" Wala pong problema. Tsaka hindi lang naman kami dalawa. May mga kaklase din po kami dun. Tsaka huling gathering na rin namin to dahil magkanya-kanya na kami ng landas pagkatapos ng high school. At medyo matagal pa bago ko makikita ulit ang best friend ko. Kaya pagbigyan nyo na po kami. "

Tumango tango ang nanay ko. Na naintindihan nya yung gustong ipahiwatig ni Lee.

" Sige, walang problema. "

" Naku, salamat po! "
Nakangiti si Lee na nakatingin sa akin. " Paano, see you tomorrow. Susunduin ka namin bukas ng alas dyes ng umaga. "
Kumindat ito ng di nakatingin si nanay sa amin.

Puro paalala ang nangyari ng umuwi si Lee. Na mag behave ako sa ibang bahay, tumulong sa gagawing project at kung ano ano pa. Naghanda ako ng dadalhin ko bukas para hindi na ako mataranta kung darating si Lee ng mas maaga sa sinasabing oras. Mapait akong ngumiti ng makita ang una at bagong pasaporte ko sa bulsa ng packbag ko. Itinago ko muna yun kasama ng ibang mga importanteng dokumento. Hindi ko alam kung magagamit ko ba talaga ang mga yan.

Isang high-waist na black short, puting tshirt, at itim na rubber shoes ang napili kong suotin. Wala ng tao sa bahay ng dumating si Lee...kasama si Kaius. Nagtataka na tiningnan ko si Lee at tanging pagkindat at ngisi ang isinagot nito. Dahil nasa harapan nakaupo si Lee, katabi ng driver, kaming dalawa ni Kaius ang nasa likuran. Suplado ito at hindi namamansin. Galit pa rin?

" You look like a jealous boyfriend. "
Humalakhak si Lee sa pang aasar nito kay Kaius. Tumaas ang isang kilay ko sa pang aasar ng kaibigan ko. At deadma pa rin ang katabi ko.

Anong problema nito? Kung ayaw nya pala eh bakit sya nandito?

Huminto ang kotse sa harap ng mataas na gusali. Pamilyar ang lugar na to sa akin. Madalas ko nakikita ang mga nagtataasang gusali, at malapit ito sa malaking mall.

" Dito bahay nyo? "
Umiling si Lee. Sumulyap ito kay Kaius na kausap ang driver nito.

" Sa taas ko na eexplain sayo. Tara! Excited na akong makita ang lugar na to! "

Binati ng gwardiya si Kaius na tumango lang. Sa tingin ko ay pribado ang residential area na to at syempre mga may pera lang pwede dito. May card na itinapat si Kaius pagkatapos pindutin ang numero para sa palapag na hihintuan. Maging si Lee ay na amaze sa card na hawak ni Kaius. Naningkit ang mga mata ko sa kaibigan.

" This is not your house. "
Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Hindi ako makapaniwala na bahay ni Kaius ang pupuntahan namin ngayon.

" E-explain ko pagdating natin sa condo nya. "
She even take a picture of us that i'm not even prepared. Kunot ang noo ko at matalim ang tingin ko sa kanya.

Sigurado na ako na dito nakatira si Kaius dahil ito din ang nagtipa ng passcode sa pinto para makapasok kami.

Humanga ako sa lawak ng condo unit nya, ang itim na dalawang sofa, pabilog na mesa sa gitna, ang simple at magandang chandelier na pareho lahat kahit sa kusina. At tanaw ang tanawin sa labas dahil sa salamin ang pagitan. Magtatanghalian na kaya siguro maraming tao sa kalsada. May mga kompanya dito na kilala, at dahil malapit din sa mall at mga restaurant kaya din dinumog ng mga tao.

" Okay, sinong mageexplin? "
Umupo ako sa sofa pagkatapos silipin ang kusina. May mga pagkain sa mesa, may inumin din. " Akala ko, Lee, sa bahay nyo tayo pupunta at mag aayos tayo papuntang club pagkatapos? Hindi ba matutuloy? "

Kaius phone's suddenly ring kaya dumistansya ito para sagutin. 

" Eh kasi nagalit sya. Ayaw nyang pumunta tayo sa club! Idagdag mo pa yung mga nilista ko kaya nagbabanta na tatawag sya ng pulis pag pumunta tayo. Sya naman nag suggest na dito nalang tayo sa unit nya. Instead of going to a club, we can eat, we can drink here while watching movies! At least safe tayo dito! "

Umirap ako. " Bakit naman sya magagalit aber? "

" Manhid ka ba? Syempre may gusto sayo ang gagong yun kaya sinira nya plano natin. Ayaw nya sa balak natin. "

Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sinabi pala ni Kais na he likes me.

Pero paano yung mga nilista nya?

" So, hindi tuloy yung mga nilista mo? Sinong hahalikan mo dito kung dito lang tayo? Si Kaius? "
Wait, I don't like that idea.

" Hindi no! Yuck sya! You can kiss him while I kiss this freaking wall! "

" Sira ka ba? "
Bakit ko naman sya hahalikan? Kahit pa hindi ako sang-ayon sa lahat ng nilista nya, hindi ko hahalikan si Kaius! Hindi mangyayari yun!

" Why not? "

Hindi namin napansin na sa gitna ng pagtatalo namin pinapanood kami ni Kaius. He is standing in front of arrogantly. Because why not ba? Kailangan ko din ba mag lista ng mga rason sa why not nya?

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon