Call
Mas inagahan ko ang paggising kinabukasan para lang makausap ko sila. Nag init ako ng tubig para makapag kape sila at makakain ako ng instant noodles bago papasok.
Tahimik kami na nasa hapag. Walang gustong magsalita. Sa tingin ko may problema talaga maliban sa pera. At ayaw nila sabihin sa akin yun.
" Makakapag aral po ba ako ng college 'nay? "
Natigilan sila pareho sa tanong ko. Huminga ako ng malalim ng wala ni isang sumagot sa kanila. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko pero nagbabasakali lang na baka mali ako. Nalungkot ako lalo. Ilang buwan nalang at graduation na pero hindi ko pa rin alam kung makapag patuloy ako ng pag aaral o titigil muna at magtrabaho." Titingnan pa natin. Alam mo naman na magkano lang ang sahod ko sa factory... tsaka..."
Hinintay ko ang idudugtong nya pero hindi na nasundan kaya natahimik ako. Hindi na ako nag abalang tanungin ang tatay ko dahil pareho lang din naman ang sasabihin nila, na hindi nila afford yung pang college ko.
Pumasok ako araw araw na yun ang laman ng isip ko. Madalas nasa libro para magbasa at mag review para sa exam ang ginagawa ko. Ganun din si Lee. She decided to follow her parents desire to study abroad for college, at ako, nangangapa pa rin kung hanggang dito lang ba ako o ano.
" Ready ka na ba para sa exam mo? "
Nakangiti si Ms. Bonita sa akin. Laking pasalamat ko sa rekomendasyon nya dahil nagkaroon ako ng pag asa na baka sakali matupad ang hiling ko.Tumango ako. " Opo. Pero kinakabahan po ako. "
Natawa ito. " Wag kang kabahan. Mag aral kang maigi at syempre samahan mo ng dasal. Mas kabado sa akin ang video call interview. After ng online exam yun kaya yun ang paghandaan mo. Galingan mo! Wag mo ako ipahiya! "
Nanlaki ang mga ko. May video call interview? Paano na?!
" Kaya mo yan. Basta sa araw na yun, be confident. Wear a formal dress hmm? "
Tumango tango ako at tinandaan yun.
Natigilan ako sa paghakbang ng makita si Pia at ang grupo nito sa harap ko.
" Are you gonna work after graduation? We are hiring, you know. We need a househelps. "
Nagtawanan sila ng sabihin yun ng kasama ni Pia. Sa totoo lang ang sarap nyang suntukin kahit isang beses lang pero nagpipigil ako. Baka hindi ako maka-graduate pag nangyari yun." Bakit, may pambayad kaba para sa tuition fee? "
" They can't afford it. Saan naman sila kukuha ng pambayad? Kahit magtrabaho sya, not enough though. "
Blanko ang ekspresyon na tiningnan ko silang lahat. These girls are rich, but not intellectual - they are pretty but bully - they underestimate your capability like they can control your life and your future just because they have tons of millions in their names. Money can never control your future. But you can control money and your own life's future. Mas naniniwala pa ako na wag mong hayaan na kontrolin ng pera ang kinabukasan mo. You know, in a bad way. These girls are pretty, got everything they want whenever they ask their rich parents yet not contented of what they have, they are full of insecurities that they don't want to be left behind on everything. Hindi ko alam kung ano pang kulang sa kanila at ganito sila ka-insecure sa sarili.
I'm used to their insult, sasagutin ko lang sila ng malamig na tingin, hindi ko papansinin ay sapat ng ganti sa kanila. Paano, nanggagalaiti sila sa galit kapag ganun ang kilos ko.
Ngumiti ako this time. " Good luck sa college entrance exam nyo at sana magtagumpay kayo in the future. "
Dahil sa mga taon na magsasaya kayo, magsisikap ako na makatapos at kakayod para magtagumpay. I realize, being poor is not an excuse not to be successful someday.Kahit tapos na ang final exam ay abala pa rin ako sa pagbabasa, pagre-review. Kailangan ko ng panlaban para sa mga plano ko. The online exam is done. Hinihintay ko nalang ang email para sa resulta at skedyul para sa videocall interview. Sana lang makapasa ako. Nakakuha na rin ako ng pasaporte at hindi pa alam ng mga magulang ko ang tungkol sa mga binabalak ko kung sakali. Maging si Lee ay hindi nya pa alam. Saka ko na siguro sasabihin kapag kompirmado na. Sa ngayon, go with the flow.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na kung titingnan ay walang problemang iniisip. I'm really wondering where we are in few years now. Sana lang matupad nila yung mga pangarap nila sa buhay. Napatingin ako sa grupo ni Kaius. At least he can socialize with other kids now. May grupo sya na lagi nyang sinasamahan tuwing breaktime. Ang grupo ni Pia ay abala pa rin tungkol sa mga boyfriend at make up nila. Natigil ako sa titig ni Kaius. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at nagkibit balikat. It's not like i'm waiting for his message but i'm still thinking why he asked ny number. Nagulat ako sa pagkalabit ni Lee.
" Pagkatapos ng graduation, may party sa bahay. Punta kayo. "
" Sinong kayo? "
" Di lahat inimbita ko. Yung grupo lang ni Pia ang hindi kasali kaya pumunta ka. "
Tumango ako. Gusto kong sabihin sa kanya ang sekreto ko pero wag nalang. Hindi rin naman ako sigurado pa kung matutuloy ako.
" Sige. May sasabihin ako sayo sa araw na yun. "May panunukso ang mga mata nito. Palipat lipat ang mata nito kay Kaius at sa akin.
" Are you dating? "
Gusto ko syang murahin sa lakas ng boses nya. Lahat ng kaklase namin ay napalingon sa banda namin." Ano bang pinagsasabi mo? "
Langya tong babae na to.Lumapit sa amin si Kaius na salubong ang kilay kaya lalo tuloy nag ingay ang bulong-bulungan ng mga kaklase namin. Umirap ako. Mai-isyu na naman ako.
" With who? "
Tumingin ito kay Lee at sa akin." Sayo? Bakit, hindi ba? "
Halos pabulong na sabi nito kay Kaius. Inirapan ko silang dalawa. Minsan iniisip ko na baka magkaanak sila kaya magkakampi din sila sa ganitong pagkakataon.Tumuwid ng tayo si Kaius at hindi sumagot. Nanatili itong nakatitig sa akin at natigil lang ng bumalik sa upuan dahil dumating yung teacher para sa subject na yun.
Madilim na ng nakauwi ako ng bahay, at sa labas pa lang ay naririnig ko ang pagtaas ng boses ng mga magulang ko. Natigilan ako sa pagbukas ng pinto ng marinig ang pangalan ko. Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at kawayan. I can't believe it. Kaya ba ganito ang trato nila sa akin? Malamig at sibil ang pakikitungo nila sa akin simula noon na hindi ko binigyan ng kahulugan. Madalas silang abala sa trabaho, maghapon wala sa bahay, at kapag uuwi ako ay nasa kwarto na sila, at ako ay nag aaral sa kwarto ko. Hindi ko maalala na may pagkakataon na nasa hapag kaming lahat at sabay sabay na kakain habang nagkukwentuhan. They are so cold to me. Wala naman silang sinabi sa akin noon na hindi magandang salita, instead they told me to study well for my own sake.
Dahan dahan ako naglakad paalis ng bahay ng hindi alam san pupunta. Malabo ang mga mata ko ng sinagot ang cellphone ko. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Humagulhol ako sa pag aakalang si Lee ang tumatawag.
" What the hell is happening to you and why you are crying? "
Natigilan ako. Tiningnan ko ang cellphone ko. Hindi naka-save ang number nya at boses pa lang ay kilala ko. Agad kong pinatay yun. Ilang beses muling tumunog ang cellphone kaya nilagay ko sa silent mode.
Pumunta ako sa park na malapit sa high way at medyo malapit lang sa bahay. May mga nagtitinda ng inihaw, pansit at kung ano ano pa. Madalas akong tumatambay dito kapag nababagot ako. Dito na rin ako kumakain madalas dahil wala naman pwedeng lutuin sa bahay.
Pinunasan ko ang mukha ko na basa ng luha. Pinagmasdan ko ang ibang narito. Mukhang normal ang buhay nila bilang pamilya. Pinanood ko ang isang babae na sinusubuan ang isang batang dalagita ng inihaw at nakangiti. Bakit hindi ko maalala na naranasan ko yan sa nanay ko? Sana mali ang mga iniisip ko. Sana mali ang nabasa ko. At sana mali ang narinig ko. Na misunderstanding lang ang lahat ng ito. Ang sakit lang isipin na tama ang lahat na inaakala ko na mali.
Marahas akong napalingon sa tumabi sa akin. Kaius is sitting beside me and mad.
" Next time I call, can you please answer your fucking phone? "
BINABASA MO ANG
You, Till The End
General FictionI love him but i will not chose him. Not now. Iiwan ko sya na sa tamang panahon, pipiliin nya ako ulit.