Chapter 15

1.7K 105 9
                                    

Red lipstick

Dahil mag-isa naman ako araw araw, lalo na sa weekend, pumayag ako sa gusto nyang gumala kami. He called me last night about his plan for today and he agreed we will meet here at the mall. Naalala ko na malapit lang unit nya dito kaya imposible na mali-late sya. Maaga akong umalis ng bahay dahil maliban sa traffic, may bibilhin akong libro sa bookstore.

Nahanap ko ang libro na gusto ko, at papunta na sana ako sa counter para magbayad ng mahagip ng tingin ang pamilyar na bulto ng katawan. Kunot ang noo ko na pinagmasdan ko itong nakatayo sa labas ng restaurant, harap lang nitong bookstore. Mabuti nalang dahil puro salamin ang nagsisilbing pader sa harapan kaya nakikita ang mga taong dumadaan. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng picture. Anong ginagawa ni tatay dito sa mall? Dito siguro sila magkikita ng mga kaibigan nila? Nang makita ang nanay na lumabas mula sa restaurant at tinawag ang tatay, naisip ko na dito siguro sila kakain? May gumuhit na kirot sa puso ko. Hindi ako kailanman sinama sa mga lakad nila, gaya nalang ngayon na kakain sila dito sa restaurant. Pinanood ko ang pag upo nila na para bang may hinihintay. Lalong nagsalubong ang kilay ko ng naupo ang babae sa harap nila na may kasamang batang babae. The woman is elegant and beautiful. Masasabi ko na mayaman dahil sa klase ng pananamit at kilos nito. Who are they? A friend?

Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. Si Kaius na salubong ang kilay na tinitingnan ang tinitingnan ko.

" You know them? "

" Those are my parents. Yung babae pamilyar, hindi ko kilala. Baka kaibigan o katrabaho lang. "

Matapos bayaran ang libro ay lumabas na kami para kakain. Hiniram ko ang sumbrero na suot ni Kaius. I don't want them to see me with him. Dahil hindi ko alam kung paano eexplain sa kanila na may boyfriend na ako kung kilan ako ga-graduate.

" Bakit dito? "
Pinanlakihan ko ito ng mga mata ko. We are in the corner of the restaurant where my parents are having their lunch with that woman. He just drag me inside and ask the waiter for a table.

" You're curious who's with your parents right now. Maybe we can find out if...we will eat here? "

" Talaga ba? Eh paano kung makita nila tayo? "

" You don't want us to be seen? "

" With my parents? Yes. Hindi ko alam if they are okay of me having a boyfriend? "

Hindi ito umimik. Alam ko naman na maintindihan nya. It's not my intension to keep it a secret, but not now.

He ordered our food and while waiting I replied to Lee asking me if I'm at home. Sinabi ko na magkasama kami ni Kaius. Nagreply ito ng emoticon na umirap. ' Dati ako lagi kasama mo, ngayon sya na! ' Natawa ako. Kunwari nagtatampo?

Sumilip si Kaius sa cellphone ko. Umirap ako. Tsismoso lang?

" Lee? "

Tumango ako. " Lagi daw tayong magkasama, sabi nya at ayaw nya. "

" Tell her to find herself a boyfriend and stop bothering you. "

Ang suplado ni Kuya. Umirap lang ako.

Nagpaalam ako na mag c.r. Lalabas na sana ako sa cubicle ng marinig ang boses ni nanay.

" Ayaw mo bang makita sya? Malaki na sya. Dalaga na. Gusto ko sana sabihin sa kanya ang tungkol sa kanya, kaya lang hindi ko alam kung papaano. Dahil hindi sya nagtanong, iniisip ko na wala talaga syang alam. "

Ang alin?

" Hindi na. Sa ilang taon na nagdaan, nakaya ko na hindi ito makita. Kaya okay lang. Okay na yung buhay ko ngayon sa bago kong pamilya at ayaw ko na magkagulo pag nalaman ng asawa ko at pmilya nya tungkol sa kanya. She is fine without me, diba? "
The woman, that woman?

" Pero karapatan nyang malaman. "

" Kahit malaman nya, hindi na mababago kung anong nangyari noon, hindi yun mababago dahil sa pinili kong desisyon ngayon. At hindi ko babaguhin. I can't live being so poor and hungry. She is fine. Wag na natin guluhin pa. "

And that made my heart hurt a lot. I cried silently. I know that there is that kind of person who is selfish, who is not kind, who's willing to throw a life away because of their personal reason and that reason is their dreams. And I'm just a hindrance of that dreams. And I realized who's that woman now. Pinilit kong patigilin ang luha ko na ayaw naman mahinto.

" Hindi mo na sya nakita ulit dahil hindi ka naman bumalik gaya ng sinabi mo. May picture ako, dala ko. Ibibigay ko sayo. "

" Hindi na. Please keep it with you. Hindi na kailangan dahil hindi rin naman kami magkikita. "

" Pero... "

" Alam mong hindi pwede..."

Ilang sandaling katahimikan saka nagsabi ang nanay na maunang bumalik sa mesa nila. Nang marinig ang tunog ng pinto bilang palatandaan na may lumabas, saka ako lumabas sa cubicle. And that woman is still here, wipe her red lipstick on her lips. My eyes are puffy and red. Naghugas ako ng kamay at naghilamos. Baka sakaling mabawasan ang pamumula. Kaya lang hindi rin.

Tumayo ako ng maayos sa harap ng salamin but my eyes are on her. She's beautiful. Really.

" Are you okay? "
She asked. And I want to cry again. Pero pinigilan ko ang puso ko. Because she's not worth it. Because its not worth it. My tears, my aching heart will not stop because of the truth that will not change anything because it already happened.

Tinitigan ko ito at malungkot na ngumiti at tumalikod na para lumabas.

Mabilis tumayo si Kaius ng makita ako, nagpupunas ng luha ko na biglang umagos.

" What's wrong? "
He cupped my face, helping me to dry my tears away.

Our food is here. And I don't want to eat.

" Let's go to your condo? I want to get out of here right now. "

Agad itong nagtawag ng waiter para e-take away nalang ang mga pagkain at humingi ng paumanhin dahil nagdahilan na biglang sumama ang pakiramdam ko.

Wala akong ginawa kundi ang tahimik na umupo sa sofa ng condo nya. And Kaius patiently waiting for me to answer his question beside me.

Bakit ganun? Bakit ganun sya? I keep asking myself, and the answer is the same. I keep thinking of another possibilities why it happened, but the ending is the same. She wanted to pursue her dreams without me, she abandoned me for her dreams. Sabagay, she was right. Hindi na magbabago dahil tapos ng napagdesisyunan. At kailangan ko na rin mag desisyon. Para sa sarili ko. Gaya nya, kailangan ko munang isipin ang sarili ko.

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon