Chapter 16

1.5K 110 8
                                    

F

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa cellphone ko. Nanay texted me that she want us to talk. For the first time in history. And my heart is beating loudly. Siguro its about time for us to talk a lot of stuff.

Huminga ako ng malalim.

Tanging ngiti lang ang naging sagot ko kay Kaius. I don't feel like to share to him about that part of me, its not because it's a shame but its because it's a sad story.

"Kailangan ko umuwi ng maaga. Nagtext si Nanay. "

Tumango tango ito. " Will you be okay? "

Tumango ako at kahit hindi abot sa mga mata ko ang ngiti, ginawa ko pa rin. Alam ko na hindi sya kontento sa sagot ko pero nirespeto nya pa rin. He's looking for answer I can't give him right now. Kasi kahit ako hindi ko alam ang sagot nun.

Umuwi akong mag isa pagkatapos kumain, kahit gusto akong ihatid ni Kaius ay tumanggi ako. I want to be with myself, alone.

After my heart to heart talk with nanay, nagtext ako kay Kaius na maayos naman ako nakauwi, na na miss ko sya, at I'll see him at school tomorrow. Dahil di ako agad nakatulog, I started writing my valedictorian speech and in a two pages of white bond paper, I write what I wanted to say, my experience for the whole four years, my heartfelt and sincere 'thank you' to all the people I've been with, friends I've made, and my wish to see them again after five or ten years. Maybe, that time... I hope we are all contented, happy, at peace of the decision we choose in the past. Without regrets.

My heart is not that heavy after Nanay and I talked last night and I accepted it, and I'm going to move on. I'm just going to move on but I will not forget. I will not forget doesn't mean I don't forgive. I forgive people who hurt me. The end. Hindi ko man naintindihan ng buo dahil wala ako sa posisyon nila, pipiliin ko ang magpatuloy gaya ng pinili nyang desisyon na magpatuloy ng wala ako.

" Excited na ako sa nalalapit na graduation! "
Nakangisi ang kaibigan ko.

Alam ko kung gaano ka excited ang lahat na umalis sa lugar na to, at kahit papaano nakaramdam ako ng lungkot. Pero tuloy ang buhay.

Ngumiti ako. " Mas excited ako sa party mo pagkatapos ng graduation! "

Nagtawanan kaming dalawa.

" Bakit? "

" Kasi maraming gwapo dun? "
Nakataas ang isang kilay ko at nakangiti pero agad nawala yun ng makita si Kaius na salubong ang kilay at matalim ang tingin.

Umirap naman si Lee. " Ay naku, ito na naman yung jowa mong seloso kasama yung mga alipores nya. "

Siniko ko ito. " Eh diba nandyan si crush mo? "

Sumimangot lang ito at bumalik ng upo sa tabi ko. Narinig nya yata ang sinabi ko dahil hindi ako pinansin nito sa buong oras ng klase. Ni hindi tumitingin eh!

Nahanap namin si Kaius sa canteen, kasama ng mga kaibigan nya. Hindi nya man lang kami niyaya. Siguro nagtatampo nga. Kahit umupo ako sa tabi nito ay hindi ako pinansin. Nagtatawanan sila sa kwento ng isa sa kaibigan nya at nagtitigan contest nalang kami ni Lee.

Galit na agad sya nyan? Hindi nya na ako papansinin dahil sa biro ko kay Lee? Umirap ako at tumayo na para umalis. Dahil wala ang teacher namin para sa susunod na subject, sa library ako tumambay. Kumuha ako ng makapal na libro. Namangha ako sa magagandang tourist spot, sa iba't ibang kulay ng dahon ng mga kahoy, at mga bulaklak.

Napatingin ako sa cellphone ko na nanginginig dahil may tumatawag. At hindi ko pwedeng sagutin dahil nasa loob ako ng library. Nang makita kung sino ang nasa screen ay napangiti ako. Di rin nakatiis?

Nag selfie ako at pinost sa instagram na may 'alone' na caption.

Lee introduce me to social media and teach me how to use it properly.

' Learning to be alone? ', comment ni Lee.

'Yes. Since someone wants to be alone.'
I commented back.

' No one likes to be alone. '
It was Chen.

' Brokenhearted ba? Hanap ng iba! '
And Sean. One of his friends.

Hindi ko na nireplyan ang ibang mga comment at nilagay sa bag ang cellphone at muling itinuon sa libro ang atensyon.

It's going to be a long way and that journey is not easy but I will endure it. I have to.

Isang mabigat na hininga ang nagpaangat ng tingin ko and Kaius standing in front of me. Hindi ako nagsalita at ganun din sya. Tahimik itong umupo sa tabi ko. Hindi ko na din ulit ito tiningnan. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa kahit hindi ko na naintindihan.

My parents want us move to another place for college at mas magandang oportunidad sa trabaho. Pagkatapos ng graduation. Sa probinsya ng mga magulang ko kami magsisimula ulit. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa katabi ko o kung sasabihin ko pa ba. We're going to separate after graduation anyway. 

" Really? You're not going to talk to me? "
Bulong nya.

" Itatanong mo sa akin yan? "

He didn't talk for a while. Hanggang sa nagyaya sya na lumabas kami rito para makapag usap.

" Bakit ka ba nagagalit? Bigla ka nalang di namamansin? "

" Just..got jealous. "

" Kanino? Kung yung tungkol sa narinig mo kanina sa joke ko kay Lee, tungkol yun kay Lee. Kasi maghahap daw sya ng jowa! "

Mga bata pa talaga kami. Ang babaw ng dahilan ng pagtatalunan namin. Parehong mga immature.

" Sorry. "

Umirap ako. Seloso masyado!

Ngumisi si Lee ng madaanan kami.
" Kiss lang katapat nyan Jade! Kung ayaw pa din, landiin mo na. "
Pabulong nitong sinabi ang huli dahil may ibang mga estudyante sa paligid.
" At kung ayaw pa rin? Palitan mo na. Simple lang! "

" Shut the fff..."
Sinamaan ko sya ng tingin. Ang lutong pa naman nya magmura ng english.

Humalakhak ang kaibigan ko ng palayo sa amin. Masyadong apektado si Kaius sa pang aasar ng pinsan nya.

Hinawakan ko ang braso nito.
" May plano ka ngayong weekend? "

Huminga muna ito ng malalim. " Want to go somewhere? EK? "

Umiling ako.

Right now, I don't know if this is right or wrong. But I don't want to regret later and ask myself lots of why's. And I want to do this.

Lumapit ako sa kanya lalo. I can see his eyes full of curiousity, his red lips, his long and black eyelashes and his high-pointed nose, and despite his brows are frowning...he look like a matured boyfriend staring at me and trying to read what's on my head.

" I'll sleep over at your place. In your bed. Beside you. "
There. I said it. And I don't regret it.

And he muttered his favorite f word as replied.

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon