Utang
Hinanap ng mga mata ko si Lee at ngumiti ito ng makita ito. Tahimik akong naupo sa madalas na pwesto ko ng hindi na nilingon ang katabi ko. Huminga ako ng malalim. Sana pwede lumipat ng upuan.
" Our project is done. I will print it out before deadline. "
Dahil nasa libro ang atensyon ko, hindi ko napansin ang paglapit nito. Narinig ko ang bawat pagsinghap ng mga kaklase ko habang nakatayo ito sa gilid ko. Maging ang pagpa cute ni Pia ay kita ko. Gusto ko tuloy umirap pero pinigilan ko lang. He is standing tall, with his bad boy image in his school uniform. Kaya maraming nagkakandarapa magpapansin sa kanya.
" Okay. "
Ibinalik ko sa libro ang mga mata ko pagkatapos. Wala na akong maidugtong pa. I just want him to go back to his chair para kumalma na ang mga hyena sa paligid ko. Baka bigla akong kalmutin ng mga to.A phone landed in front of me kaya tumingala ako.
" Give me your email add. I will send you the summary of the project and to check if it's okay. "
Ilang beses akong kumurap. Kailangan pa ba? Sa huli ay tin-type ko ang email add ko sa phone ng matapos na. Ayoko din makipag english-an sa kanya dahil lang sa ayaw ko ibigay ang email add ko o di kaya tanungin ko pa sya ng maraming bakit. Ang sama na ng tingin nila sa akin. Galit sila nyan? Alangan naman email add nila hingin nya eh kami magkapareha. Agad naman ito bumalik matapos ko ibigay yung hiningi nya.
Pia snorted beside me kaya kalmado ko syang nilingon.
" Easy girl ka talaga. "
Tang ina. Hindi ko alam kung san ako lulugar sa klase na to. Lahat ng puro negatibo ang naririnig ko. Kahit wala akong ginawang masama, hindi pa rin maganda ang tingin nila sa akin dahil lang sa mahirap lang ako.
" It's about the project. Alangan naman email add mo ibigay ko? "
Galit itong nakatingin sa akin. Ito ang unang pagkakataon na sarkastiko ang tono ng pananalita ko sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na marinig sa kanya ang ganung salita kaya hindi ko maiwasan ang hindi sumagot. Ibinigay ko lang ang hiningi kong email add easy girl na agad? Di ba pwedeng cooperation lang sa ka partner mo ng mapadali ang gagawin na project?
" Mukhang pinag iinitan ka nila. "
Nagkibit balikat ako. " Matagal na. Medyo bulgaran lang ngayon. Ewan ko ba, ang naging kasalanan ko lang naman ay anak mahirap ako pero para sa kanila isang pagkakamali yun. "
Sometimes reality makes me sad, it's because its true. What makes it sadder is there's nothing you can do about it." Yaan mo na. May kalahating taon pa para makita mo ang pagmumukha nila. Sigurado pag nasa kolehiyo na tayo ay mami-miss mo sila. "
Natawa ako. " Ayaw ko sana silang makita. Ikaw, san ka mag kolehiyo? "
Hindi agad nakasagot si Lee at tanging paghinga nito ng malalim ang narinig ko.
" Mahirap ang tanong ko ah. "
Biro ko sa kanya. Sigurado ako na marami syang choices kung aling skwelahan sya mag aaral." Gusto nila na sa ibang bansa ako mag aaral. "
" Wow! Maganda kung ganun! "
" Pwede naman dito lang ako. Ang layo masyado ng ibang bansa, tsaka pareho lang din naman dun at dito. "
Tumawa ako. " Syempre iba dun at dito. Ibang bansa yun eh at Pilipinas to! "
Umiiling lang ito sa pamimilosopo ko. Alam niya naman kung ano ang ibig kong sabihin. Kung sa ibang bansa ka nakapagtapos ng pag-aaral, malaking advantage mo nun pag mag apply ka ng trabaho sa kahit saang kompanya dito sa Pilipinas, dagdagan mo pa na galing ka sa kilalang pamilya. Ibig sabihin, may posibilidad na may koneksyon ang pamilya mo sa iilang kompanya.
BINABASA MO ANG
You, Till The End
General FictionI love him but i will not chose him. Not now. Iiwan ko sya na sa tamang panahon, pipiliin nya ako ulit.