Chapter 21

1.7K 115 23
                                    

Destiny


Simple ngiti at tango lang ako sa bawat bumabati tuwing papasok ako ng opisina kahit na alam ko na yung iba sa kanila ay hindi maganda ang sinasabi tungkol sa akin. I heard them saying that I am this and I am that. Na para bang hindi ako nag eexist dito. Na para bang kilala nila ako. I will just do my work at wala na akong pakialam sa ibang tao.

Napatingin lahat ng lumabas ako ng opisina, " saan pwede mag print dito? "

" Dun po ma'am. "
At ang itinuro naman ay distansya din mula sa opisina ko. So, paroon parito ako with my high heeled shoes? Nilingon ko ang opisina ulit para tingnan kung may printer ba, at mukhang mag exercise ako nito araw araw.

" Ako na po magpa print ma'am. Ilang copy po ba? "

Umiling ako. " Kaya ko na Marie. Thanks. "

Alam ko na hindi madali ang maging 'taga' sa ibang tao. May iba kasi na tinatrato ka nila na para bang alipin ka. I was like that back in Switzerland. Pero kailangan ko tiisin yun para makaalis din sa sitwasyon na yun.

Tumingin ako ng printer sa online at nakahanap naman. Mas gusto ko ng may sariling printer sa loob ng opisina para hindi ko kailangan lumabas para lang mag pa print. Minsan kailangan ko pa hintayin matapos ang iba saka makapagpa-print. Sumasakit na rin ang ulo ko sa mga paperworks. Kailangan ko pang e-summarize lahat ng problema at e-report yun.

Tinulungan ako ni Marie sa pag assemble ng printer sa loob ng opisina ko kinabukasan dahil naglilinis rin sya sa palapag kung nasan kami.

" Ilang buwan ba na bakante ang posisyon na to? "

" Magkalahating buwan din ma'am. "

" Walang pumalit? "

" Wala po. "

Kaya tambak ang trabaho. Kanino pala ako magrereport nito pagkatapos?

" Sa CEO po kayo mag report nyan ma'am. Actually, nagtanong na si boss kung kilan kayo pwede magreport. At may meeting po this coming friday po pala, make sure na um-attend kayo. "

Tumango ako sa sinabi ng sekretarya. Sa CEO.

" By the way miss...sinong CEO? "

Pinanood ko ang reaksyon ng sekretarya na nagulat sa tanong ko. Nakakagulat ba hindi ko alam? Napairap ako sa sarili, nakalimutan ko mag research pala kung sino ang CEO ng kompanya na to. Hindi ko rin natanong sa general manager sa Switzerland.

Halos lahat ng mga report na nasa mesa ko ay may iisang pangalan ng CEO. Bakit hindi ko to napansin ng dumating ako dito? So what now? Hinilot ko ang sentido dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko. I made a coffee instead, baka sakaling mabawasan ang sakit ng ulo ko.

Anong meron sa mga empleyado sa labas at mukhang aligaga? Like they're all in panic mode.

I tried to relax my brain pero ayaw talaga. My mind is playing scenario of all the freaking what if. As if may kasalanan ako. Tsaka isa pa, we are done a long time ago. I'm sure hindi sya mawawalan ng mga babae nyan lalo pa at nasa kanya na halos lahat.

" Hindi ka ba busy sa mga appointments mo at tawag ka ng tawag? "
I answered her video call habang tinatapos ko basahin ang huling page sa file.

" Makakarating ka sa wedding ko diba? "

Nag angat ako ng tingin. She's sitting beside her groom to be. Chen?

" Malamang. Nasa Pilipinas na ako ngayon eh. When I was in Switzerland, balak ko talaga na hindi pupunta dahil busy ako. "

And there goes her scream na ikinagulat yata ng mga tao sa paligid nya.

" Seriously? As in nandito ka na? Bakit hindi mo sinabi? "

" Sasabihin ko din kaya lang busy ako. Andaming trabaho na kailangan tapusin at hindi pa ako nangalahati. "
Gusto ko syang tanungin tungkol sa gago nyang pinsan na boss ko ngayon pero nagpipigil ako.

" Saan ka nagtatatrabaho ngayon? "

I mentioned the company's name at nanlaki ang mga mata nito.
" Sa lahat ng kompanya sa Pilipinas dyan talaga? Alam mo na si Kaius ang CEO dyan? "

" After three days simula ng dumating ako, ngayon ko lang nalaman. After ilang years na pagtatrabaho sa Switzerland, ngayon ko lang din nalaman na branch ng Pilipinas ang kompanya nila sa Switzerland? "
Annoying lang.

" Is that what they called destiny?! "

" Tigilan mo ako sa destiny na yan. Saka na tayo mag usap dahil marami akong trabaho. "
I ended the call without saying bye to her. Kasi hahaba lang lalo ang kwentuhan. Alam ko marami syang tanong at masyado akong abala para makipag kwentuhan sa kanya.

Pero ang bruha biglang dumating at may dalang pagkain. Tamang tama hindi na ako lalabas para mag lunch. Panay ang tili nito ng niyakap ako. Natatawa sa kaartehan nya, pinatahan ko.

" Hindi ka talaga makapag-hintay na bakante ako at pumunta ka talaga rito. "

" If I know na dumating kana, pinuntahan na kita! Nakakaasar at hindi mo sinabi. "

" Busy talaga. Madalas din akong overtime at pag uwi ng bahay, matutulog na ako. Sa linggo naman nasa bahay lang ako pero gumagawa ako ng report and read those documents. "

" Hindi mo talaga alam na si Kaius ang boss mo? "

I rolled my eyes. " Obvious ba? Tsaka if I know din, work is work. "

" Talaga? Nakapag move on ka ba? "

Hindi ko alam. I'm too busy with my life, too busy on how to survive alone. Na hindi ko yata pinaglamayan yung puso kong sugatan.
" Oo naman. Hindi naman pwede na mananatili ako sa isang lugar habang yung nakapaligid sa akin ay tuloy pa rin ang buhay. "

Tumango tango ito habang tila nag iisip.
" Buti ka pa. "

I frowned at her. " What do you mean? "

Umiling ito at nagpatuloy sa pagkain. We heard a knock and it open by her fiancee. We said 'hi' and that's it. Hindi naman talaga kami ang magkaibigan kundi sila ni Kaius kaya medyo awkward na makipag kwentuhan after all these years.

" Kaius is looking for you. At least say hi to him before we go. "

I want to ask her how come they ended up together but not in front of him.

" May pupuntahan pa kami tungkol sa wedding namin, chat kita for chikahan? Pupuntahan ko lang yung pinsan ko na parang stagnant water. Di makausad. Usad pagong din kasi. "

Huh?

Stagnant?

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon