🌹33🌹...

18 3 0
                                    

Hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa labi ni Aryanna, sobrang saya niya ngayong araw na ito at naguumapaw sa kilig ang puso niya sa mga ganap ni Ethan.

At grabe ang bongga ng surprise ng kanyang nobyo kaya hindi na niya maitago ang kilig niya at super happy talaga siya. At isa pa, nasa Boracay sila, matagal na niyang gustong pumunta rito. Ang makita ang mala-porcelanang white sand ng lugar at magtampisaw sa magandang beach kasama ang taong mahal niya.

Sobrang na-eexcite lang talaga siya sa mga plano ni Ethan para sa whole stay nila rito sa Boracay. Imagine first time niya rito tapos si Ethan pa ang nagdala sa kanya rito.

After ng konting rebelasyon ni Ethan, mas naintindihan na niya ang kanyang nobyo. Alam na ni Aryanna ang rason kung bakit medyo masungit si Ethan. At dahil nga iyon sa pinagdadaanan nito. Siguro dinadaan na lang ng nobyo niya sa pagsusungit kesa damdamin ito.

Pakiramdam niya rin mas lalo pang lumalalim ang relasyon nila ni Ethan sa mga bagay na nadidiscubre niya rito. It makes their relationship better and much stronger.

And as girlfriend ni Ethan, iintindihin niya na lang ito. Ganun naman kapag mahal mo. Lagi kang andiyan para sa kanya kahit anu mang pagsubok ang dumating.

"I love you too Aryanna, you know I wanna watch a million sunsets with you."

Naalala pa ni Aryanna ang mga sinabi nito sa kanya na sobrang ng pa-kilig buong sistema niya.

Kaya siya na mismo ang humalik kay Ethan ng mga sandaling iyon. Ang romantic kasing tignan na sa mismong paglubog ng araw ay siya rin naman paghalik niya sa taong pinakamamahal niya. A sweet moment that she will remember everytime she comes back to this place.

Ang harot mo kamo gusto mo lang talagang halikan si Ethan at mukang nabitin ka pa nga eh!

Bwisit naman kasi iyong kaibigan ng kanyang nobyo na si Brent. Habang naghahalikan sila at in-eenjoy ang moment na iyon. Bigla naman itong dumating at hinatak sila sa isang bar.

Bwisit na bwisit tuloy si Ethan dahil sa ginawang iyon nung lalaki.

"What the hell is going on?" singhal ni Ethan kay Brent.

Hinatak kasi silang dalawa nito tapos dinala sa isang bar. Actually, nasa labas pa lang sila. Meron nga siyang nakita mga na firedancers na nagkalat sa lugar habang papunta sa bar na ito. At mga tao na naglipana sa mga bar, nagpa-party at nagsasayawan.

Buhay na buhay ang night life ng Boracay at ang saya-saya nilang tignan.

At aaminin niya maganda rin sa bar na ito, may mga ilaw sa labas ng bar na pampaakit ng customers, at mga taong nag-aalok ng libreng drinks para makaakit or makahikayat ng mga tao. Malakas din ang tugtog sa bar kahit ba hindi pa sila nakakapasok sa loob. Tapos may mga table rin na naka-set up at upuan sa paligid at medyo malapit na rin sa beach. Pero iyong mismong bar nasa looban. May mga tao na ring nag-iinuman sa labas ng bar na iyon na nag-eenjoy at nag-paparty.

"We saw Jonard in this bar earlier, and he was not alone dude. Gavin and I sort of have a plan." Litanya nito sa kanyang nobyo.

"Jonard? You mean Aryanna's ex-suitor. That's interesting."

Napaisip si Aryanna, hanggang dito ba naman kasi nagkakalat ng lagim at nasundan siya nung baklang iyon. Pero ang tanung nasundan ba sila or sadyang nakataon lang na andito rin sa Boracay si Jonard?

Naikwento rin kasi ni Ethan sa dalawang kaibigan nito ang nangyari sa kanila ni Jonard. At isa ang mga ito ang nagprotekta sa kanya kapag wala sa tabi niya si Ethan.

"Oo pare, nagulat nga kami of all places dito pa sa bar ko siya nakita namin ni Gavin."

"So what's the plan?"

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon