🌹3🌹...

379 81 410
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang unang magkita at mag-usap si Ethan at Aryanna. Pero hanggang ngayon, hindi  pa rin matanggal sa isipan ni Ethan ang babaeng may kakaibang personality.

Ethan's guilt was eating him alive, sa tuwing maalala niya ang insidenteng 'yon. Because of him, this girl might fail the exams considering the questions  na hindi niya nasagutan nang araw na iyon. But thank God, Arya passed the exams, isa pa nga siya sa mga nakakakuha ng mataas na score sa kanilang section.

Isa sa mga dahilan kung bakit gustong makita muli ni Ethan ang babaeng iyon. Was to make up with her, at isa pa, gusto niyang mas lubos na makilala si Aryanna. There was really something about this girl that make Ethan got more interested in her.

Sa mga lubos na nakakakilala kay Ethan, alam nilang medyo pihikan ito sa mga  nililigawan. Hindi kasi ito madaling magkagusto sa isang babae, at kahit na may foreign blood ito, gusto niya din namang ma-experience kung paano manligaw ng isang babae.

Sa lugar kasi kung saan siya lumaki, hindi uso ang ganitong tradisyon. Liberated ang mga tao sa London.  Minsan nga magugulat ka na lang na nobyo o nobya na siya ng isang tao without even undergoing sa tinatawag na dating stage.

At sa tuwing makakakita si Ethan ng mga estudyanteng puti ang uniform galing sa medicine building, lalong-lalo na ang mga nursing students, ay bigla na lang siyang na-eexcite at biglang bumibilis ang tibok ng kanyang puso nang 'di niya maintindahan.
Umaasa siya na somehow, isa sa mga iyon si Aryanna.

Tahimik na tao lang si Ethan, pero may pagka masungit at isnabero ito  kung minsan. Ethan loves going to peaceful places, putting his ear phones and listening to a wonderful music habang pinagmamasdan niya ang magagandang tanawin na nakapalagid sa kanya.

Beaches and parks are the perfect place he would go to when it feels like gusto niyang mag-emote or gusto niya lang mapag-isa for some reason.

"Ethan, araw-araw na lang tayo umuupo dito sa spot na 'to right after our classes or kapag vacant time natin. Tell me man, sino ba 'yang taong lagi mong inaabangan." Pansin ng kaibigan ni Ethan na si Brent. Isa ito sa mga malalapit na kaibigan ni Ethan. And unlike him, may pagka playboy ang isang ito.

Kapag kasi vacant time nila, laging tumatambay si Ethan at Brent sa mga benches malapit sa medicine building. Para makita niya agad si Aryanna when she happens to pass thru their direction.

But unfortunately, kahit gaano man sila katagal doon, at kahit ilang ulit niyang pagmasdan ang mga nursing students na dumaraan doon. Hindi pa rin nito ma-tiyempuhan si Aryanna.

Hindi alam ni Ethan kung sasabihin niya nga ba O hindi sa kaibigan ang tungkol sa babaeng nakilala niya weeks ago. Nag-aalangan siya na baka tuksuhin lang siya ng mga ito,O 'di kaya pagtawanan.

"Okay fine," Ethan sighs bago siya sumandal sa isang bench kung saan sila naka-upo ni Brent, Bago ito nagsalita muli. "Her name was Aryanna Fuentebella, a nursing student, I met her weeks ago and since then her name, her face, and everything about her, I just couldn't forget." Sinimulang ikuwento ni Ethan pero ang buong attensyon niya ay hindi pa rin maialis sa mga taong dumaraan sa paligid nila. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Ethan, na one of these days, magkukrus muli ang landas nila ni Aryanna.

"Siya rin ung babaeng nakaaway mo nung naligaw ka ng classroom a few weeks ago? Tama ba ko?" Kunot noo na tanong ni Brent kay Ethan.

"Yes, same person dude."

"Did you happen to get her mobile number? Her address? facebook even? Mahirap kasi ung ganito Ethan. We can't wait for that girl every now then, para kasi tayong nakikipag pantintero sa tadhana, at tayo ung taya," kaswal na sabi nito kay Ethan. "Kasi kung meron kang any means to contact her, mas madali natin siyang ma-rereach out at tutulungan pa kita." Dagdag pa nito.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon