Prologue

555 113 349
                                    


Pitong taon, ganyan katagal nang naghihintay si Aryanna or Arya para sa taong malalapit sa kanya. Para sa pangakong iniwan sa kanya ng pinakamamahal niyang si Ethan.

Umaasa siya at ipinagdarasal niya palagi na balang araw, ang mga pangakong iniwan sa kanya ni Ethan mula noong college pa sila, ay tutuparin ng binata.

Araw-araw niyang binabasa at binabalik-balikan ang sulat ng lalaking minsang naging mahalagang parte ng kanyang buhay. Kahit na nakakasawa, at kahit na ilang ulit na niya itong nabasa wala siyang pake.

Gusto niyang basahin ang mga sulat na iyon dahil iniisip niyang ang mga sulat na iyon ang magpupuno sa nangungulila niyang puso na iniwan ng matagal na panahon.

Ito lang kasi ang bagay na binigay sa kanya ni Ethan nang magkahiwalay sila dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Si Ethan na masungit, iyan ang palaging tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Pero kapag andiyan si Aryanna, ang masamang mood ni Ethan ay biglang napapalitan ng tuwa sa tuwing kapiling niya ang babaeng pinakamamahal.

Ang tila hindi maipintang mukha ng binata, ay nagiging maaliwalas kapag nakikita niya ang magagandang ngiti mula sa mga labi ni Aryanna.

Sa loob ng pitong taon, maraming beses na rin may sumubok na may manligaw sa nalulungkot na puso ni Aryanna. Pero walang ni isa sa kanila ang nagtagumpay.

Kahit gaano pa man ka-sweet, kabait, at gaano pa man ka-guwapo ang kanyang mga manliligaw niya, wala sa kanila ang kayang pumantay o di kaya humigit sa mga pinagsamahan nila ni Ethan.

Ang magagandang asul na mata ng binata na para bang nangugusap ang laging naalala ni Aryanna sa tuwing sumasagi sa isipan niya ang pangalan ng lalaking iyon.

Ethan... Ethan... Ethan

Sa araw-araw na lang ng ginawa ng diyos, ang pangalan na iyan na lang palagi ang kanyang bukambibig.

"Kailan kaya tutuparin ni Ethan ang mga pangako niya sa akin?"

Minsang natanong ni Aryanna sa kanyang sarili.

Umaasa pa rin siya na balang Araw, muling magkukrus kanilang mga landas at babalik sa piling ng isa't-isa

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Hello dearest readers, first time ko sumulat ng tagalog story.

I hope magustuhan niyo Ito. Kasalan Ito ng isa sa mga kaibigan ko dito sa watty isa siya sa mga nambudol sa akin sumulat na ganito...

Cheers #KingOfTheNorth 😂😂

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon