"You don't have any idea how much I wanted to kiss you Aryanna." Sabi sa kanya ni Ethan pagkatapos siyang halikan nito.
Mga ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng 'yon. At hanggang ngayon, hindi pa rin makalimutan ni Aryanna ang ginawang 'yon ni Ethan.
Simpleng halik lang ang ginawa ni Ethan nang gabing 'yon, pero hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin na nag-rereplay iyon sa isipan ni Aryanna. Gulat na gulat si Aryanna sa ginawang 'yon ni Ethan. Hindi niya kasi ine-expect na hahalikan siya ng binata nang gabing 'yon. At isa pa, first kiss niya iyon, kaya hindi maiwasan ni Aryanna na magulat sa biglang paghalik sa kanya ng binata.
Para bang nakarinig siya ng fireworks sa oras na biglang maglapat ang kanilang mga labi nang mga sandaling iyon. Hindi pa man sila mag-boyfriend ni Ethan, pero para sa kanya napaka-perfect nang moment na iyon.
Kahit na hindi niya inaasahan ang pangyayaring iyon, sobrang napasaya siya ni Ethan nang gabing iyon. Hindi lang dahil sa paghalik ni Ethan sa kanya, na-appreciate niya rin nang sobra ang effort ni Ethan na ipinagluto pa siya ng kanilang hapunan at hinatid pa siya nito pauwi kahit na may kaluyuan ang lugar kung saan siya nakatira, at kahit na mag-aalas dose na ng madaling araw natapos ang simpleng date nila.
Bibihira na lang kasi ang makikita mong lalaking kagaya ni Ethan ngayon, na nag-effort ng todo para lang mapasagot ang babaeng kanilang pinakamamahal. Sa panahon kasi ng modern age, kung saan karamihan sa kabataan ay sa internet or thru chat na lang nakikilala ang kanilang mga nagiging boyfriend or girlfriend. Bibihira na ang mga lalaking dumadaan sa panliligaw, karamihan ay gusto makuha agad ang babaeng gusto nila nang mabilisan without undergoing sa sinasabing ligawan stage. And most of them get hurt during the process, dahil na rin siguro hindi nila personal na nakikita ang mga tao kung saan sila committed in a relationship.
Although, alam ni Aryanna na may foreign blood nga itong si Ethan, sobrang natutuwa siya sa efforts na pinapakita sa kanya ng binata. Kay Ethan niya lang kasi naramdaman ang mga bagay na hindi ginawa sa kanya ng dating manliligaw niya na si Jonard noon. Hinigitan pa ni Ethan, ang mga bagay na lagi niyang nakikita sa mga lalaki when it comes to courting women.
Kaya sobrang natutuwa siya at unti-unti niya nang nagugustuhan ang lalaking ito.
Feeling ni Aryanna, palagi na lang siyang lutang, kahit na ilang linggo na ang nakalipas mula nang halikan siya ni Ethan. Para bang lagi na lang niyang na-iimagine na hinahalikan siya ni Ethan kahit hindi naman dapat.
Aryanna, tama na 'yan hindi nakakatulong ang palaging pagiisip sa nangyaring 'yon focus girl.
Vacant period nila ngayon ni Yvette, kaya naisipan nilang tapusin na lang ang term paper na due next week, tutal wala naman silang gagawin ngayon. Pero parang lumilipad pa rin ang isipan ni Aryanna at tila hindi pa rin ito makapag-focus sa kanyang ginagawa.
Nasa library sila ngayon ni Yvette, dala ng kanyang kaibigan ang laptop nito at siya ang nag-type, habang si Aryanna ang nag-fifile ng mga documents na nai-print na nila at ready na para ipasa.
"Arya, nai-file mo na ba iyong mga ginawa natin kagabi?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Yvette, pero mukhang hindi ito narinig ni Aryanna, parang nakatulala ito sa kanyang kinauupuan at tila may malalim itong iniisip. "Aryanna? Hello? Narinig mo ba 'yong sinabi ko bes?" Isinarado muna ni Yvette ang kanyang laptop at iwinagayway ang kanyang kamay sa mukha ng kaibigan, upang makuha ang attensyon ni Aryanna na tila wala na naman sa sarili.
"Ha? Anu 'yon Yvette? Sorry 'di ko kasi narinig." Simpleng sagot ni Aryanna, at bahagyang tumingin pa ito sa direksyon ng kanyang kaibigan.
"Sabi ko, nai-file mo na ba 'yong mga pinaprint natin kay Shawn kagabi?"
BINABASA MO ANG
The Promise
ChickLitAnong kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo bang hawakan ang isang pangako na walang kasigurahan, walang katiyakan kung matutupad iyon? Aasa ka ba? Kung alam mo mismo sa sarili mo na malabo ang inaasam mong happy ever after? Or will you hol...