Ethan felt guilty dahil hindi niya naihatid pauwi sa kanila ang babaeng kanyang pinakamamahal. Simula kasi nang manligaw siya rito araw-araw na niyang hatid sundo si Aryanna. Kahit na minsan ay medyo gabi na natatapos ang duty ni Aryanna sa ospital, he made sure to take her home safely.Kaya ngayong hindi niya ito naihatid pauwi ay medyo na-giguilty siya, Inaya kasi siya ng mga kaibigan niya, lalo na itong si Brent na makipagbonding naman sa kanila. Bibihira na kasi sila magkita-kita nitong mga nakaraang linggo, dahil na rin sa dami ng ginagawa niya sa university. Medyo naging busy din kasi si Ethan sa studies, yes isa 'yon sa priority niya. He made sure to study hard and passed all the exams, ayaw niya rin bumagsak, gusto niyang maging proud sa kanya si Aryanna sa oras na sagutin siya nito.
At isa pa, lagi kasi siyang kinakantiyawan nitong si Brent, na puro Aryanna na lang daw ang priority nito kaya pinagbigyan niya na ang mga ito. Dahil kung hindi, malamang kukulitin na naman siya nito, and that's the last thing he wanted to happen. So no choice siya na pagbigyan na lang itong si Brent sa gusto niyang mangyari.
Gusto niyang ipakita at iparamdam kay Aryanna, especially to her friends na he was way diffferent to that guy she used to date. So as much as possible, Ethan was exerting more effort just to get the answer he deserves, which is to win Aryanna's heart.
Willing siyang maghintay kahit gaano katagal, kahit na abutin pa siya ng ilang buwan wala siyang pake. Because he loves her. Ganon naman kapag nagmamahal hindi ba? Willing kang maghintay sa taong mahal mo kahit na abutin pa ito nang matagal na panahon makuha mo lang ang bagay or in Ethan's case, taong inaasam-asam niya.
Ilan Linggo na rin ang nakalipas simula nang biglang paghalik niya kay Aryanna. Hindi alam ni Ethan kung ano ang nangyari sa kanya at bigla na lang niyang hinalikan si Aryanna. Maybe because he felt a strong urge of emotion towards this girl. Yes, 'yong gabing dinala niya sa bahay niya si Aryanna, she was so damn beautiful, that Ethan couldn't help himself but kiss this beautiful girl.
Sino bang lalaki hindi ma-aattract sa personality ni Aryanna? Ang sarap kausap, talagang nag-eenjoy siya tuwing kasama ito. Masiyahin kasi si Aryanna at may pagkabaliw, natutuwa si Ethan sa mga weird na pa-andar nitong si Aryanna kung minsan. Lalo na kapag nag-eenglish ito, tuwang-tuwa siya, naaliw kasi siya sa tuwing nag-english carabao itong si Aryanna. Ang cute kasing pakinggan.
Although, ilang araw na ang lumipas, it was one of the most memorable kiss he ever made towards a girl, kahit na hindi pa sila official nito. Aryanna's lips were so soft and very kissable, Kaya nag-enjoy si Ethan na halikan ito. But he controlled himself from going further beyond that kiss, he had a lot of respect towards Aryanna, to even go that far.
Nasa Condominium sila ni Brent sa may Ortigas area ngayon. May kalakihan condo ni Brent since anak ito ng isang business man na medyo kilala dito sa Pilipinas.
Brent lives in this condo all by himself, dito niya kasi dinadala ang mga babaeng ka-fling niya at ka-one night stand.
Although, meron pa silang isa pang bahay sa may Quezon City where his siblings and his mother lives, Brent rarely go home to that house for the reason na lagi lang itong sinesermonan ng kanyang mother and his eldest sister everytime he went into that house.
So he would rather be alone and spend the night with different women rather than with his own family.
Kasalukuyang nasa entertainment room si Ethan, Gavin at Brent, naglalaro sila ng billiards since ito naman ang isa sa mga bagay na gusto nilang gawin kapag may free time.
BINABASA MO ANG
The Promise
ChickLitAnong kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo bang hawakan ang isang pangako na walang kasigurahan, walang katiyakan kung matutupad iyon? Aasa ka ba? Kung alam mo mismo sa sarili mo na malabo ang inaasam mong happy ever after? Or will you hol...