🌹10🌹...

192 29 132
                                    

A/N: Please play Gorgeous by Taylor Swift while reading. This chapter was inspired by that song Swiftie kasi si Author XD

♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Lumayo muna si Aryanna kay Dorraine bago niyang napagdesisyunang sagutin ang kanyang cellphone. Abot langit ang kanyang ngiti nang makita niya ang pangalan ni Ethan na nag-flash sa screen ng kanyang android phone. 'di maiwasan ni Aryanna na kiligin ng kaunti bago niya pa man sagutin ang tawag sa kanya ng binata.

Nakailang ring na ang kanyang telepono bago pa man ito nasagot ni Aryanna. Pumunta muna siya sa isang bahagi ng ospital kung saan hindi gaanong maraming tao, para magkarinigan sila ni Ethan. Medyo maingay kasi sa nurse station, pari't-parito ang mga tao doon kaya baka hindi niya marinig ang mga sinasabi ni Ethan kung doon niya sasagutin ang kanyang telepono, kaya medyo lumayo na muna siya nang saglit.

Pumunta siya sa lounge ng mga staff ng ospital at doon niya sinagot ang tawag ni Ethan, tutal bihira naman ang tao doon sa ganitong oras, makakapagusap sila nang mabuti ng binata.

"Hello?" Abot tenga ang ngiti ni Aryanna nang marinig niya ang magandang boses ng binata sa kanyang cellphone.

"Bakit ang tagal mong sagutin?" Narinig niyang reklamo ni Ethan sa kabilang linya.

"Marami po kasi akong ginagawa Mr. Sungit, bakit ka ba napatawag?" Curious na tanong niya kay Ethan.

"Anong oras ang out mo ngayon?" Muling tanong ni Ethan sa kanya.

"Bakit? Anu meron? Bakit mo tinatanong ang oras ng out ko Ethan?" Pangugulit ni Aryanna sa kanyang manliligaw.

"Basta, sagutin mo na lang 'yong tanong ko." Ethan answers, at sa tono ng pananlita niya, he seems as if he was slowly lossing his patience dahil sa pangugulit ni Aryanna.

Tinignan niya muna ang kanyang wrist watch bago niya muling sinagot si Ethan. Dalawang oras pa bago siya makalabas sa ospital na iyon. Alas otso pa lang kasi.

"10pm pa, bakit ba kasi Ethan?" Muling pangugulit ni Aryanna kay Ethan, hoping siya na baka sabihin sa kanya ng binata ang dahilan kung bakit tinatanong ni Ethan ang oras nang labas niya ngayon.

"I made reservations, sunduin kita mamaya okay?"

"Ha? Anung reservations Ethan? Saan mo na naman ako dadalhin?" Tila naguguluhang tanong ni Aryanna sa binata.

"Basta, I'll see you later Aryanna."

"Ethan? Etha--"

Hindi pa man niya natapos ang sasabihin niya kay Ethan, ay pinagbabaan na siya nito ng telepono. Marami mang tanong na namumuo sa kanyang isipan pero nang marinig niya ang sinabing 'yon ng binata, ay bigla na naman siyang na-excite sa mga possibleng puntahan nila ngayong gabi.

"Tignan mo 'tong lalaking 'to, tatawag-tawag tapos pagbabaan naman ako ng telepono." Bulong ni Aryanna sa kanyang sarili pagkatapos siyang pagbabaan ng telepono ni Ethan.

"Aryanna? Okay ka lang?" Pansin sa kanya ng kapwa niya OJT student na napadaan din sa lounge na iyon, hindi napansin ni Aryanna na may Ibang tao na pala doon dahil busy siya sa pakikipagusap kay Ethan.

"Oo, okay lang ako, normal na sa akin 'yong ganito bes." Sabi niya sa kasama, at dali-dali itong umalis na may weird na expression sa kanyang mukha.

"Haaayyy, ewan kahit kailan talaga napaka-weird ng lalaking 'yon."Bulong niya sa kaniyang sarili bago niya itinago ang kanyang cellphone, umalis sa lounge, at muling bumalik sa nurse station.

🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹

Fifteen minutes before 10pm ay naisipan nang ayusin ni Aryanna ang kanyang mga gamit, para ready na siya in case na maagang dumating si Ethan. May pagkamainipin pa naman ang binata at mainitin ang ulo kung minsan, kaya mas mainam na 'yong handa. Inilagay na niya ang kanyang mga gamit sa bag tapos medyo inayos na niya ang kanyang buhok para hindi siya mukhang haggard pagdating ni Ethan.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon