Totoo ba ito? Totoo ba ang nakikita ko ngayon? Talaga bang nakasuot ng leather jacket ngayon si Ethan?Titig na titig si Aryanna sa mga magagandang asul na mata ni Ethan, at tila hindi niya maialis ang kanyang paningin sa binata. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nakikita niya ngayon.
Paano ba naman kasi, nasa harapan na niya ngayon ang isa sa mga signs na hiniling niya kay Ethan. Kaya tuwang-tuwa siya, at tila hindi mapagsidlan ang kanyang kaligayan.
"E-Ethan? Bakit ka nakasuot ng leather jacket, anu meron?" Nagtatakang tanong ni Aryanna kay Ethan.
"Sinukat ko kasi itong padala ni Martin sa akin, 'yong pinsan kong chef sa Paris remember. What do you think? Bagay ba sa 'kin?" Tanong sa kanya ni Ethan.
Muling tinignan ni Aryanna ang napakaguwapong nilalang sa harapan niya ngayon. At wala siyang masabi, halos lahat ng suotin nito ay bagay sa kanya. He could actually pass as a model if given a chance.
"Oo naman, mukha ka ngang gangster diyan sa suot mo eh." Tatawa-tawang sagot niya kay Ethan na tila nang-aasar pa.
Nang marinig iyon ni Ethan, sumeryoso ang mukha nito at kunot noo nitong tinignan si Aryanna.
"Seriously?" Seryosong tanong ni Ethan kay Aryanna.
"Hindi, joke lang po. Ikaw naman hindi na mabiro. Ang totoo niyan, parang sinukat nga sa'yo ang jacket na 'yan eh." Nakangiting sagot ni Aryanna kay Ethan. "Nga pala Ethan, nagluto ako ng makakain para sa merienda natin mamaya." Iniabot ni Aryanna ang isang paper bag na naglalaman ng kanyang niluto kanina, at agad naman itong tinaggap ng binata at ipinatong sa lamesa sa harapan nila.
"Really? That's really awsome, matikman nga ito mamaya." Tila excited na sagot ni Ethan kay Aryanna at ngumiti pa si Ethan ng bahagya sa direksyon nito.
Pagkatapos noon ay agad na umupo ang dalawa sa couch kung saan nag-stay si Ethan kanina. Hinubad na rin ni Ethan ang kanyang leather jacket at ipinatong sa isang tabi, leaving him with just his plain white shirt and board shorts, medyo naiinitan na rin kasi ito.
Nang maupo sila sa couch, napansin ni Aryanna na medyo makalat sa puwesto nila ngayon.
"Ethan? Anyare bakit ang kalat dito sa living room niyo?" Tanong ni Aryanna sa binata, andoon kasi ang laptop nito, tapos sa tabi noon, nakalagay ang iba't-ibang folders tapos ang mga slide ng ibang folders ay kung saan-saan nakalagay, markers, at iba pang mga papel ay nagkalat din sa harapan nila.
"Sorry, my fault. May ipinapagawa kasi sa akin si dad, and I can find that certain file kaya medyo makalat." Ethan apologized, and slightly scratched his head nang sabihin niya iyon kay Aryanna.
Medyo sensitive pa naman sa mga ganitong bagay si Aryanna, ayaw na ayaw niya ang makalat at lalong ayaw niya ang magulo. Kaya hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at inayos niya ang mga bagay na nakakalat sa harapan nila.
Sinimulan niyang ayusin ang mga folders, tapos iyong mga walang slide ay binalik niya sa dati, tapos iyong mga nakakalat na mga papel inilagay niya sa tamang ayos.'Yong mga markers naman pinagsama-sama niya rin ang magkakapareho ng kulay at inilagay sa tamang lalagyan nito.
"Hindi ba mas magandang magtrabaho kapag maayos ang paligid mo, at isa pa, ang gulo-gulo dito paano mo mahahanap 'yon."
"Buti na lang pala andiyan ang Aryanna ko, you were really a life savior you know." Bahagyang lumapit si Ethan sa kinauupuan ni Aryanna, kinidatan ito ni Ethan, na bahagyang nagpakilig sa dalaga.
Papatayin ba talaga ako sa kilig ng lalaking ito?
"Heh! Tigilan mo nga ako Ethan. Makita tayo ng mga kasama mo sa bahay nakakahiya! Baka sabihin nila may ginagawa tayong kababalaghan dito." Biro ni Aryanna, sabay bahagyang hinampas ang mga braso ni Ethan.
BINABASA MO ANG
The Promise
ChickLitAnong kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo bang hawakan ang isang pangako na walang kasigurahan, walang katiyakan kung matutupad iyon? Aasa ka ba? Kung alam mo mismo sa sarili mo na malabo ang inaasam mong happy ever after? Or will you hol...