🌹8🌹...

195 46 132
                                    


Pagkadating na pagkadating ni Yvette at Shawn sa kinauupuan nila Ethan, siya rin namang biglang pagsulpot ng dating manliligaw ni Aryanna na si Jonard. Ang nakangiting mukha ni Aryanna ay biglang napalitan ng pagkabahala nang makita niya na naman ang buwisit na lalaking iyon.

Matagal-tagal na rin mula nang huli niyang makita si Jonard. Wala na siyang narinig na kung anu mang balita tungkol sa lalaking 'yon simula nang mangyari ang confrontation nila ni Shawn sa group chat a few months ago. Pero ang usap-usapan sa university, ay bumalik ito sa kanilang probinsya at doon na lang ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kaya ngayong nakita na naman ito ni Aryanna ay tila gulat na gulat siya.

Sinabihan ni Shawn si Ethan na hawakan niya lang dalaga at huwag na huwag itong palalapitin sa lalaking iyon, kahit na anong mangyari. Bakas sa mukha ni Ethan na naguguluhan ito, pero sinunod niya pa rin ang mga sinabi ni Shawn.

Nakita ni Aryanna na tinignan muna ni Shawn nang masama si Jonard bago nito muling hinarap ang lalaki.

"At ano na namang kailangan mo sa kaibigan ko? Hindi ba sinabi niyang layuan mo na siya O sadyang 'di ka lang talaga marunong umintindi?" Pananakot ni Shawn kay Jonard.

Pero hindi pa rin nagpatinag ang Jonard na iyon, at desidido pa rin itong makausap si Aryanna.

"Aryanna baby, please talk to me." Pagmamakaawa ni Jonard kay Aryanna, pero hindi ito pinansin ng dalaga.

"Sino ba talaga ang lalaking 'yon?" Tila naguguluhang tanong ni Ethan kay Aryanna.

"Ipapaliwanag ko na lang mamaya Ethan." Nginitian niya si Ethan, bago muling tinignan ni Aryanna si Shawn, kinakabahan siya sa kung Ano ang maaring gawin ng kaibigan niya sa dating manliligaw.

"Para ano pa? Papaniwaliin mo na naman siya na sincere ka sa kanya then you'll hurt her? Naku Jonard, nabasa ko na ang mga trip mong bakla ka." Shawn clenched his fists when he said that, bakas sa mukha niya ang pagkairita sa kupal na manliligaw ni Aryanna. "Hindi mo ba nakikita na she's already with someone. Someone na hinding baklang katulad mo."

Ibig sabihin ba nito, mas gusto ni Shawn si Ethan as my soon to be boyfriend kaysa kay Jonard? Bulong ni Aryanna sa kanyang isipan. Hindi rin niya maiwasang napangiti ng bahagya kasi bihirang-bihira mangyari ang mga ganitong bagay na magustuhan ni Shawn ang mga lalaking nanliligaw sa kanya.

"Damn it Shawn! I'm not a fucking gay!" Tila naiinis na bigkas ni Jonard at bahagyang pinagtaasan pa nito ng boses si Shawn.

"This is so exciting!" Narinig ni Aryanna na parang ewan na na-eexcite ang kaibigan niyang si Yvette sa isang tabi, habang nakakainitan iyong dalawa.

"Exciting ka diyan? Tignan mo nga mananapak na si Shawn o." Pansin ni Aryanna sa kaibigang si Yvette sabay turo sa dalawang lalaki sa harapan nila.

"Chill ka lang girl, andiyan naman 'yang Ethan mo e." Saglit na similip si Yvette sa kinauupuan ni Ethan. Kumaway pa ito nang bahagya sa direksyon nito, na tanging tango lang ang natanggap nitong response mula sa binata.

"Oh really? Because last time I checked, naalingasaw sa lansa ang amoy ng kabaklaan mo eh." Paghahamon muli ni Shawn sa dating manliligaw ni Aryanna. "Ni-Hindi mo nga makuhang harapin kami ng maayos eh hinayupak ka!"

"It's because you won't let me. Alam niyo, kayo ang dahilan kung bakit ang relasyon sana namin ni Aryanna ay hindi nag work-out. Masyado kasi kayong nakikialam kahit hindi naman dapat!"

Nakita ni Aryanna na lalong nag-init ang kaibigan niyang si Shawn nang marinig ang mga salitang 'yon. If looks could kill, malamang kanina pang pinaglalamayan ang Jonard na iyon sa harapan nila.

Ganun din ang naramdaman ni Aryanna nang marinig niya iyon, nangiginig ang lahat ng lamang loob niya sa galit sa lalaking iyon.

Agad-agad siyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya ni Ethan. Pigilan man ito ng binata, pero sadyang malakas talaga si Aryanna, at ayaw magpaawat na harapin ang dating manliligaw kahit na anong pigil sa kanya ng mga kaibigan niya. Sa ganitong paraan man lang ay makaganti siya sa lahat ng mga masasakit na bagay na ginawa sa kanya noon ng baklang si Jonalyn este Jonard.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon