🌹26🌹...

34 2 0
                                    

"Long time no see my dearest Aryanna."

Sabay ng paglapit nito sa kanya ay siya rin namang sabay ng pag-ring ng kanyang cellphone.

Hindi alam ni Aryanna kung ano ang uunahin niya, ang sagutin ang tawag ng masungit na si Ethan o harapin ang baklang si Jonard na walang ibang alam gawin kung hindi ay guluhin na naman siya.

Ang kaninang masayang mood ni Aryanna ay napalitan ng pagkainis nang makita niyang papalapit ang lalaking ito sa kanilang direksyon.

Patuloy pa rin ang pag-ring ng kanyang cellphone habang papalapit si Jonard sa kanilang kinaroroonan. Pinatay muna ni Aryanna ang telepono. Kahit na ba alam niyang magagalit si Ethan kapag hindi niya nasagot ang tawag na iyon.

Sorry Ethan ko, kailangan ko lang harapin ang kumag na 'to.

Magkaiba na ang course nila ni Jonard ngayon, dati ay pareho silang nursing. Ngunit nag-shift na ito ng kurso. Nabalitan niya na lang mga ilang linggo na siguro ang nakalipas na nag-shift na pala ito. Education na ngayon ang kinukuha ng lalaking 'yon. Bagay na ikinatuwa din naman ni Aryanna.

Mas gugustusin niya nga hindi na makita ang lalaking ito. Kesa araw-araw siyang naiistress sa pagmumukha ng Jonard na iyon.

Bakit ba kasi kailangan pa magpakita ng kumag na 'to? Tahimik na ang buhay ko e.

Agad siyang binakuran ng dalawang kaibigan bago pa man makalapit si Jonard sa kanilang direksyon.

"Hep! Hep! Hep!" Pagpipigil ni Shawn sa lalaki. "Don't you remember na may restraining order ka? You're not allowed to come near Aryanna. O sadyang gago ka lang talaga." Tila nang gigil na bigkas na naman ng kaibigan niyang si Shawn kay Jonard.

"Layuan mo na kami Jonard!" Taas kilay namang sambit ni Yvette.

"Well, Well, Well, look what we have here." Mas lalong lumapit si Jonard na tila inuudyok talaga ang kaibigan niyang si Shawn. At isa-isa pa silang nilapitan na tila isang fashion model pa kung lumakad papalapit sa kanila. "Kumpleto ang casting natin bravo!" Pumalakpak pa ang lalaki na tila nang-aasar talaga.

Nakita ni Aryanna na tila nangagalaiti na naman ang kaibigan niyang si Shawn. Nararamdaman niya na konti na lang ay mag-aala Manny Pacquiao na naman ito. At malamang sa alamang makakatikim na naman ng malakas na suntok si Jonard sa kaibigan niya.

"Pwede ba Jonard layuan mo na ako!" Pagtataray ni Aryanna sa lalaki. Hinawi ni Aryanna ang nakaharang na si Shawn at taas noong hinarap si Jonard. Hindi siya takot rito, gusto na niya itong tumigil once and for all.

"No, No, No Aryanna, hindi ako titigil hanggat hindi kita nababawi baby." Nagpa-cute pa ito at kinindatan si Aryanna.

Nang makita iyon ni Aryanna parang gusto niyang masuka sa ginawang pag-papacute ng lalaki.

Pwe!!! Nagpapa-cute pa. Nakakasuka naman at saka hindi naman cute chararat bes.

"Hindi ka ba talaga titigil gago ka? May boyfriend na ang kaibigan ko. Tigilan mo na siya sa mga kabaklaan mo!" Tila nang-gigil na bigkas na naman ng kaibigan niya sa Jonard na iyon.

"Bawiin? Wala kang dapat bawiin dahil in the first place hindi naman naging tayo. At saka pwede ba Jonard, lubayan mo na ako. Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na may boyfriend na ako." Inemphasize talaga ni Aryannna ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig para maintindihan ng baklang ito.

"So, nagmamalaki ka na ngayon dahil may boyfriend ka na? Ganun na bang kadali ipagpalit mo ako sa iba?" Tila nagdadrama pa ito at umakting pa ito na parang umiiyak para maawa siya sa lalaking ito.

Pero hindi nagpatinag si Aryanna sa acting ng lalaking ito kahit anung gawing pagmamakaawa ni Jonard, hinding-hindi na siya babalik doon. Sobrang saya niya na dumating na si Ethan sa buhay niya.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon