Nang maka-alis sila ng university, agad siyang ihinatid ni Ethan pauwi. Tahimik lang sila sa sasakyan, at naka-focus ang attensyon ni Ethan sa daan. Ang music lang galing sa stereo ng binata ang kanilang naririnig habang bumibiyahe sila pauwi. At tila walang gustong bumasag ng katahimikan sa paligid nila.Napansin rin ni Aryanna na panay ang tingin ni Ethan sa stuff toy na bigay sa kanya ng kaibigan niyang si Shawn. Nakakandong kasi sa kanya si hello kitty mula ng umalis sila school. Tintitignan lang ito ni Ethan pero hindi naman ito nagsasalita.
Pakiramdam ni Aryanna may gusto itong sabihin, pero ayaw naman nitong magsalita.
Hindi tuloy alam ni Aryanna kung ano ang nasa isip ni Ethan.
Nag-aalala din si Aryanna kay Ethan, medyo marami rin kasi itong tinamong sugat dahil sa pagtatanggol nito sa kanya kay Jonard. At pakiramdam ni Aryanna, responsibilty niya si Ethan dahil sa ginawang 'yon ng binata kay Jonard.
Sobrang thankful at grateful na rin ni Aryanna na dumating agad si Ethan, bago pa man may kung anung gawin sa kanya ang Jonard na iyon. Aryanna finds Ethan's gestures very sweet and touching. At ngayon niya na-realize na sobrang importante talaga niya sa buhay na Ethan. Na kahit pa makipag-away ito kay Jonard gagawin nito para lang ma protektahan siya sa lalaking palaging nang gugulo sa buhay niya.
"So this is you Aryanna, take care of yourself okay?" Ipinark ni Ethan sa harap ng bahay nila ang sasakyan nito.
"Baba ka muna Ethan, okay lang?" Aya niya dito, at seryoso siyang nakatingin kay Ethan. Hindi rin siya matatahimik hangga't hindi niya nagagamot ang mga sugat na ibinigay ni Jonard dito kanina.
"What? Why?" Tila nagtatakang tanong sa kanya ng binata.
"Para saan pang naging nurse ako kung hindi ko naman gagamutin 'yong mga sugat mo sa mukha. Sige na Ethan please."May bahid ng pag-aalala ang kanyang boses nang sabihin niya iyon kay Ethan.
Nakita ni Aryanna na nag-smirk muna si Ethan bago niya itong narinig na magsalita.
"Is this your way of telling me that you love me?"
Tila may kung anong bumara sa lalamunan ni Aryanna nang marinig niya ang mga sinabi ni Ethan, at parang hindi siya makapagsalita nang mga sandaling 'yon.
Nakakaloka talaga ang mga hanash nitong si Ethan minsan.
"Love agad? Hindi ba pwedeng care muna? Halika na kasi, mamaya kung anu pa ang isipin sa atin ng mga kapitbahay namin kapag nakita nila tayo dito."
"I will, but in one condition." Nakita niya uli na umismid ang binata, pero bakas ang ngiti sa mga labi nito.
"Anu ba kasi 'yon?"
"Kiss me first," Mas ipinaglapit ni Ethan ang kanilang mga mukha na halos inches na lang ang pagitan nila, naamoy na rin ni Aryanna ang mabangong hininga ng binata nang mas ipinaglapit nito ang mga mukha nila. "Here, here, and here." Sabi nito sabay turo sa tatlong sugat na natanggap nito mula kay Jonard.
Ang isa ay malapit sa may mata, meron ding isa sa may ilong, at ang huli ay sa gilid ng mga labi nito.
Naramdaman ni Aryanna ang mabilis na tibok ng kanyang puso nang mas inilapit ni Ethan ang kanilang mga mukha.
"Heh! Tigilan mo nga ako Ethan." Pagpipigil niya dito, ang dami kasing arte ayaw pang bumaba.
"No kiss? Then see you tomorrow Aryanna." Paninidak sa kanya ni Ethan, at pumorma ito na aalis na pero hindi naman ito nagtagumpay
"Isa Ethan! Baba ka ba? O gustong mong ma-infect 'yang mga sugat mo at mas lumala ang mga 'yan?" Pagtataray niya sa binatang katabi ngayon.
"I told you, I'm perfectly fine." Depensa sa kanya ng binata. Pero based sa mga pasa at sugat na natanggap nito, mukhang hindi ito okay.
BINABASA MO ANG
The Promise
Chick-LitAnong kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo bang hawakan ang isang pangako na walang kasigurahan, walang katiyakan kung matutupad iyon? Aasa ka ba? Kung alam mo mismo sa sarili mo na malabo ang inaasam mong happy ever after? Or will you hol...