🌹19🌹

171 7 17
                                    

Please play the song in the media while reading xo by beyonce XD

☆☆☆☆☆☆☆☆

Alas tres na ng hapon nang makarating sila ni Ethan sa Burnham Park. Medyo napasarap kasi ang tulog ng kanyang nobyo kaya medyo late na rin sila nakaalis.

Habang natutulog si Ethan, naisipan ni Aryanna na tumambay muna sa labas ng bahay. Doon sa may gazebo para magpalamig at mag-selfie na rin sa ilang magagandang spots sa paligid ng malaking bahay na iyon.

Medyo maraming tao sa Burnham Park nang makarating sila doon. Long weekend kasi, kaya expected na nagkalat ang mga tao sa iba't-ibang parte ng park.

Nagpalit na rin ng damit ang kanyang nobyo bago sila umalis ng bahay. Nagsuot din ito ng aviator sunglasses na lalong ikinaguwapo ng lalaki.

Naglagay na rin ng light make-up si Aryanna, para maganda siya sa mga pictures at mukhang presentable siyang tingnan.

Instead of cargo shorts na suot ni Ethan kanina, naka-denim jeans na ito ngayon, at nagsuot na rin ng gray hoody jacket dahil medyo malamig na sa kanilang paligid.

Ipinarada muna ni Ethan ang kanyang sasakyan malapit sa entrance ng park, tapos agad na sila bumaba at naglakad papasok.

Habang naglalakad sila papasok ng park, narinig ni Aryanna na nag-ring ang kanyang cellphone. Tumabi muna sila ni Ethan saglit, bago niya kinuha sa loob ng bag ang kanyang cellphone at sinagot ito.

"Hello Aryanna? Asan ka? Bakit hindi kita makontak kanina?"Bungad ng kaibigan niyang si Yvette.

"Nasa bundok ako bes, medyo mahina kasi ang signal dito," tatawa-tawang sagot niya dito.

"Seryoso ka?"

"Oo nga, nasa Baguio kami ni Ethan ngayon. Bakit ka napatawag girl?"

"Naks naman, sineryoso talaga ni lover boy ang sinabi ko sa kanya noong nagtanong siya sa 'kin the other day. Napakasuwerte mo talaga sa boyfriend mong 'yan girl, lakas talaga nga tama sa'yo." Saglit niyang tiningnan ang kanyang nobyo nang marinig ang mga sinabi ng kaibigan. Patingin-tingin lang kasi sa paligid si Ethan at inoobserbahan ang mga taong pumupunta sa lugar na 'yon. Pero ngiting-ngiti naman si Aryanna habang patuloy niyang pinagmamasdan si Ethan.

"Ako rin naman eh." Kinilig pa nitong sabi sa kaibigan. "Bakit ka ba tumawag? Iniiba mo ang usapan eh," pansin niya rito.

"Wala, aayain sana kitang gumala eh. Hindi ko kasi mahagilap si Shawn eh. At since may plans ka naman na, at medyo malayo ka pa sa akin, ako na lang ang gagala mag-isa."

"Sorry Yvette, biglaan eh. Alam mo naman itong Ethan, may lahing kidnapper. Kung saan-saan ako dinadala. Nga pla, kamusta na si Shawn galit pa rin ba sa akin? Nakaka-miss na rin ang isang 'yon." Seryosong tanong niya sa kaibigan.

"Ayun nga, sa tingin ko nagtatampo si bruho kaya ganern. Mukhang hindi
naman na galit bes. Panay nga ang pangugulit sa akin na tawagan daw kita ganyan. Baka nahihiya na sa pinaggagwa niya noong isang linggo."

"Talaga?"Muling napangiti si Aryanna nang marinig ang magandang balita ng kanyang kaibigan.

"Oo nga, nakukulitan na nga ko sa pasaway na 'yon. Parang ewan din kasi ang lalaking 'yon eh, magtatampo kunyari tapos ngayon sasabihin na miss ka na daw niya ganyan. Ang sarap kamong pagbuhulin ng mga intestines niyo alam mo ba 'yon." Biro ng kaibigan niyang si Yvette na agad na nagpatawa sa dalaga.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon