Tawang-tawa si Aryanna sa naging reaksyon ni Ethan nang mga sandaling 'yon. Kasi imbis na siya ang mahalikan ng kanyang nobyo, muntikan na nitong maka-lips to lips ang matabang asong alaga ng pinsan nito. Na para bang tao na nakakaramdam rin kung kelan ito dapat mang-istorbo o hindi.Combination ng white, brown at black ang kulay ng shitzu ni Cassandra, mabalahibo ito at naka-ipit pa ang bangs nito para hindi pumunta sa mata ang mga buhok ng aso.
At ang nakakatawa pa, tila ayaw tantanan ng aso si Ethan at tuwang-tuwa pa 'yong aso na harutin ang kanyang nobyo. Sunod kasi ng sunod 'yong aso kay Ethan at mukhang nagpapansin pa kahit na medyo naiinis na rito ang kanyang nobyo. So ang ending hindi nakahalik sa kanya si Ethan ng mga sandaling 'yon at pareho na lang silang nakipaglaro sa alagang shitzu ni Cassandra since mahilig din naman siya sa aso.
Natutuwa kasi si Aryanna sa mga ganitong aso, napakalambing kasi at enjoy na enjoy siyang yakapin at himas-himasin ang mga balahibo nito. Although, bakas sa mukha ng kanyang nobyo ang pagkadismaya at pagkainis sa biglaang pagsulpot ng aso, ay inenjoy na lang nila ang gabing 'yon na magkasama dahil the next day ay babalik na sila sa manila at 'yon ang bagay na ikinalulungkot ni Aryanna.
Naalala pa ni Aryanna ang mga bagay na pinag-usapan nila ni Ethan bago sila pumunta ng kwarto at tuluyang matulog.
"Baby, Why are you sad is there something bothering you?" Tinignan siya ng kanyang nobyo at bakas sa mukha nito na nagaalala ito sa kanya.
"Wala ito Ethan, mauna ka na matulog. Mag-drive ka pa bukas oh, hindi ba mahaba pa ang biyahe natin. So magpahinga ka na, 'wag mo na akong intindihin."
Naramdaman niyang umakbay muna sa kanya si Ethan bago niya itong narinig na magsalita.
"I can't sleep when there's something bothering my girlfriend. So come on Aryanna, tell me what is it." Muling pangugulit sa kanya nito. So wala nang nagawa si Aryanna kung hindi sabihin ito kay Ethan.
Bahagya siyang sumandal sa mga balikat ng kanyang nobyo, habang pareho silang nakaupo pa rin harap ng fireplace.
"Since ayaw mo talaga ako tigilan, sige na sasabihin ko na. Ang totoo niyan Ethan, medyo nalulungkot ako kasi parang gusto ko pang mag-stay ng matagal dito sa Baguio. Para kasing bitin itong bakasyon natin, gusto pa kasi kita makasama ng mas matagal."
"So that explains your sudden change of mood. Don't worry baby, this won't be the last of it. Ipinapagako ko sa'yo na we'll be having more trips like this." Napangiti si Aryanna nang marinig niya ang mga salitang 'yon sa kanyang nobyo at medyo nabawasan na ang kanyang lungkot.
"Talaga? Saan mo naman ako dadalhin next time?" Pangugulit niya sa kanyang nobyo, habang ang kanyang mata ay seryosong nakatingin rito.
"It depends." Matipid nitong sagot sa kanya.
"It depends saan?" Kunot-noo niyang tanong rito.
Napansin niyang ngumisi muna ang kanyang nobyo bago ito nagsalita muli.
"On how many kisses my Aryanna was willing to give me." a playful smirk could be seen on Ethan's face nang marinig ni Aryanna ang mga salitang 'yon.
"Napakahilig mo sa halik Ethan!" Bahagya niyang siniko ang kanyang nobyo at kinurot sa tagiliran dahilan upang medyo magiba ang kanilang posisyon. Hindi naman ininda ni Ethan ang mga ginawa niya rito, at lalo pang lumapit sa kanya at mas lalong yumakap sa kanya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Promise
ChickLitAnong kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo bang hawakan ang isang pangako na walang kasigurahan, walang katiyakan kung matutupad iyon? Aasa ka ba? Kung alam mo mismo sa sarili mo na malabo ang inaasam mong happy ever after? Or will you hol...