Malakas na ulan, kulog at kidlat ang maririnig sa kwarto Kung nasaan si Aryanna ngayon. Miyekules ng hapon, at walang tigil ang pagpatak ng ulan sa bubong ng kanilang eskwelehan ang kanyang naririnig sa simula nang pumasok siya kaninang umaga. Mukhang may paparating na bagyo. Yet Aryanna was still inside the school library.Mag-dadalawang oras na siyang nag-aaral sa silid na 'yon, meron kasi silang major exam at ayaw niyang bumagsak at ma-disappoint ang kanyang mga magulang.
Aryanna was not the type of girl who studies every now and then.
Si Aryanna ay hindi typical na estudyante na puro pag-aaral na lang ang nasa isip. Medyo madaldal siya, active, outgoing, hindi siya mapakali kapag walang kausap na para bang mamatay na siya sa boredom kapag ganyan. Dark brown ang kulay ng kanyang buhok na medyo lagpas ng kaunti sa kanyang balikat, average height, at medyo mahilig sa mga ma-cute at kikay na mga bagay . Gusto niya lahat organize, mula sa damit na sinusuot niya sa umaga, hanggang sa mga maliliit na bagay na ginagamit niya.Araw-Araw sinusulat niya sa kanyang planner ang mga bagay na kailangan niyang gawin para sa araw na iyon.
Sadyang nawala lang talaga sa isip niya na may major exam siya sa isang napakaimportanteng subject sa kanyang course na nursing ngayon.
Yes, iyan ang propesyong gusto niyang tahakin mula nung bata pa siya, naniniwala siya na ito lang ang paraan upang makaahon sila sa kahirapan. And at the same time she loves taking care of people, especially those who were close to her heart.
Sabi niya sa sarili niya, gusto niya na siya mismo ang mag-aalaga sa mga magulang niya
Kapag dumating ang panahon na hindi na nila kayang alagaan ang sarili nila.Kaya ngayon, nagkukumahog siyang mag-aral at kabisaduhin lahat ng medical terms na sa tingin niyang maaring lumabas sa exam niya ngayon. Fourth year na siya sa kursong iyon, huling taon na ng paghihirap niya, kaunting tiis na lang at wakas matutupad na ang kanyang mga pangarap. Ang maging isang registered Nurse.
"Arya, andito ka lang pala. Kanina pa kami paikot-ikot sa buong campus eh, hindi ka man lang nag-text para knowings namin kung saan ang mga hanash mo." Wika ng kaibigan niyang si Yvette sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ni Aryanna. Kasama niya din ang kababata ni Arya na si Alexander Shawn, or Shawn for short nababaduyan kasi ito sa first name niya kaya he preferred his second name rather than his first. Na halatang nag-aalala din sa kanyang kaibigan. Lahat sila nursing ang kinukuhang course.
Si Yvette ang tinuring na best friend ni Arya. And unlike her, May pagka-careless itong si Yvette, kabaliktaran nitong si Aryanna. Mas maikli ang buhok nito, at medyo payat din. Napagkakamalan pa nga itong model kung minsan, dahil sa mahahaba niyang legs. But she didn't have the heart for modeling, pareho sila ng pangarap ni Arya ang maging isang successful nurse someday. Isang katangian na parehong meron ang dalawa ay ang pagkamadaldal at ang addiction nila sa Korean Drama.
Minsan nga inaabot pa sila nang umaga kakapanood ng mga paboritong palabas. Kahit na ilang ulit na nila ito napanood. There was something in these shows that calms them everytime na pinapanood nila ito.
"Eh malay ko ba? Tignan mo nga ang dami kong ginagawa. Iintindihan ko pa ba 'yon?" Medyo pinagtaasan niya ng kilay ang kanyang kaibigan nang sabihin niya iyon.
"One text won't hurt your ego baby girl." Hirit naman ni Shawn sabay kindat na lalong nag painit ng ulo ni Arya.
She rolled her eyes a little as she heard Shawn said those words.
"Isa ka pa Shawn, sige kampihan mo ang bruhang ito!" Sinarado niya ang isang napakakapal na libro na kanina niya pa binabasa bago muling hinarap ang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Promise
ChickLitAnong kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo bang hawakan ang isang pangako na walang kasigurahan, walang katiyakan kung matutupad iyon? Aasa ka ba? Kung alam mo mismo sa sarili mo na malabo ang inaasam mong happy ever after? Or will you hol...