🌹15🌹...

199 14 38
                                    

"Jonard, bitawan mo nga ako!" Mariing sabi ni Aryanna sa kanyang dating manliligaw sabay tinabig ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa kanya.

Nasa harapan niya ngayon ang kanyang dating manliligaw, nakasuot ito ng all white nursing uniform at dala-dala ang backpack. Mahigpit ang pagkakahawak nito kay Aryanna na tila ayaw siyang pakawalan nito.

"No Aryanna, hindi kita bibitawan hangga't 'di mo ako kinakausap." Seryosong sabi ni Jonard kay Aryanna.

Inirapan ni Aryanna si Jonard, bago niya muling hinarap ito. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Nag-move on na ako, Kaya dapat ganun na rin ang gawin mo. Masaya na ako sa buhay ko Jonard, kaya please lang, lubayan mo na 'ko." Pakiusap niya sa lalaki, pero mukang ayaw pa rin siyang tigilan nito.

"I just want to say sorry, Aryanna, please mag-simula tayong muli. I'm willing to change para lang bumalik ka sa akin." Pagmamaka-awa ni Jonard sa kanya, pero hindi niya ito pinansin. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Sawang-sawa na kasi si Aryanna sa mga ganitong linya ni Jonard na halata namang nagsisinungaling lang sa kanya. Hinding-Hindi na talaga nito makukuha ang loob niya, she already learned her lesson.

"Sorry?" Tinawanan ni Aryanna si Jonard at muling inalis ang kanyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak nito. "Too late na Jonard, kahit anong sabihin mo hindi mo na ako maloloko. Para saan pa ang paghingi mo ng sorry? Para hindi ka ma-guilty ganun?"

Seryosong tiningnan ni Jonard si Aryanna bago ito muling nagsalita. "I just want us to be friends. Para kahit magkasalubong man tayo dito sa university, or magkasama sa klase, walang ka nang galit na nararamdaman para akin."

"Ayokong makipag-kaibigan sa'yo. Para saan pa, para lokohin mo na naman ako?"
Medyo lumayo si Aryanna kung nasaan si Jonard ngayon, at naglalakad-lakad.

"Please Aryanna, nag-eeffort na ako oh. Hindi naman kita binabalewala ah. Anu ba ang dapat kong gawin para patawarin mo?" Hinabol siya ni Jonard at tila ayaw talaga siyang tigilan. Inis na Inis na si Aryanna sa mga ganitong kilos ng lalaking ito. Pinipigilan niya lang sarili niya, dahil kung hindi, kanina niya pa nasapak ang baklang ito.

"Layuan mo na ako!" Saglit na tumigil sa paglalakad si Aryanna at hinarap ang lalaki. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Gusto mo bang I-translate ko pa para sa'yo?" Pagtataray niya sa lalaking kaharap ngayon, gigil na gigil na siya, yet, ayaw pa rin siyang lubayan nito.

"If I can't have you no one can. Kaya ka siguro ganyan dahil sa amerikanong hilaw na umaaligid sa'yo ngayon? Sabihin mo nga, anu bang meron siya na wala ako? Is it money?" Tila may panunumbat na wika sa kanya ni Jonard. "Aryanna, hindi na ba mahalaga sa'yo ang mga pinagsamahan natin?"

Talaga naman, gusto yata nitong makitang umusok ang bulkang mayon eh! Tinatanong pa kung anung meron si Ethan na wala siya? Naku, napakarami, ugali pa lang talo na siya. Baka bukas pa kami matapos kung iisa-isahin ko ang mga bagay na 'yon. At isa pa, kung sa kanya lang ako babagsak, mas gugustuhin ko pang maging single na lang forever!

Pinagsamahan? Sa totoo lang wala naman talaga silang pinagsamahan o nabuong kung anu mang relasyon sa kanilang dalawa ni Jonard. Dahil in the first place, napakarami nitong ginawang hindi maganda sa kanya. Yes, may mga times na naging mabait naman at sweet ito sa kanya. But the point is, Jonard just used her para hindi malaman ng mga kaibigan niya ang tunay na pagkatao nito, or in other words, Jonard just dated her to be his cover girl.

Parang may naramdaman siyang kumulo sa kanyang kalooban nang marinig niya ang pangalan ni Ethan. Napaka kasi, idinamay pa ang lalaking walang ginawa kung hindi ay pasiyahin siya nitong mga nakaraang buwan.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon