Nang nakalabas na sila ng building nanlaki ang mga mata ni Aryanna sa nakita niyang naghihintay sa kaniya.
Hindi niya kasi expected makita ang kaniyang nobyo na naghihintay sa tapat ng building ni Shawn. Hindi naman kasi nagsabi si Ethan na susunduin pala siya nito.
At sa itsura ni Ethan, tila hindi maipinta ang mukha nito. Naka-kunot kasi ang noo nito naka-cross arms habang nakasandal ito sa sasakyan nito.
"Ethan anong ginagawa mo rito?" Tila naguguluhan niyang tanong sa kaniyang nobyo.
Diretso ang tingin nito na tila hindi kumukurap nang marinig siyang magsalita.
"Surprised? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan? Anung ginagawa mo sa condo ni Shawn sa ganitong oras?" Mapanuri siyang tinignan ng kanyang nobyo na tila ba nasa hot-seat na naman siya.
"Lagot ka girl." Narinig niyang bulong sa kanya ni Yvette.
"And why are you not answering my calls huh? I've calling you for the past hour and texting you but it seems like you enjoyed Shawn's company so much that you forgotten that you still have a boyfriend huh?" Tanong na naman nito sa kaniya.
Sa itsura ni Ethan ngayon, mukha itong imbestigador na gusto makakuha ng sagot sa kaniyang suspek.
"Girl may bibilhin lang ako saglit." Narinig niyang paalam ni Yvette at nakita niyang dumiretso ito sa convenience store sa tabi ng condo ni Shawn.
Binuksan ni Aryanna ang kanyang bag at nakita niyang namatay na ang telepono niya.
Lumapit si Aryanna kay Ethan para pakalmahin ito.
Hinawakan niya ang mga kamay nito bago siya nagsalita.
"I'm sorry na Ethan, lowbat ako. At tiyaka namiss ko lang naman si Shawn kaya tumambay kami rito."
"Without even telling me?"
"Paano ko sasabihin eh lowbat nga di ba?" Pinagtaasan na niya ng boses si Ethan, nabubwisit na siya sa mga tanong nito. Tapos inirapan niya ang lalaki.
"Care to explain why you are here in this time of the day? At may kasama ka pang lalaki besides your boyfriend?" Suspicious nito tanong sa kaniya.
Ako pa talaga ha? Ako pa ang pinagdudahan niya. Nakakabadtrip rin minsan itong si Ethan.
"Malamang, dito nakatira si Shawn di ba?"
"Aryanna ayusin mo nga 'yung sagot mo, tinatanong kita ng maayos." Pagsusungit nito sa kaniya. Bakas sa mukha ni Ethan na naiinis na ito sa pinagsasagot niya.
Talaga naman! At siya pa ang nag-sungit. Akala niya naman na madadaan niya ko sa ganyan niya!
"At ako pa talaga ang sasabihan mo ng ganyan ha? E sino ba ang nagsimula?" Pagtataray niya rito at tinaasan niya pa ng kilay si Ethan. Naiinis na kasi siya.
"You are with Shawn, and how do expect to react?"
"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na kaibigan ko lang si Shawn Ethan, walang namamagitan sa aming dalawa. Kaya please, huwag na natin siyang pag-awayan. At saka pumunta lang naman kami rito dahil namimiss ko siya."
"Really you sure? It seems to me that he sees you more than just a friend, and he is using that opportunity to be closer with my GIRLFRIEND!" tila nangigil na bigkas ni Ethan sa kanya at inemphasize pa talaga nito ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Naiinis na si Aryanna sa nobyo niya, kasi tuwing kasama niya na lang si Shawn, lagi na lang ganito ang eksena nilang dalawa. Lagi na lang kasi nagseselos si Ethan tuwing andiyan sa palagid niya si Shawn.
BINABASA MO ANG
The Promise
Chick-LitAnong kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo bang hawakan ang isang pangako na walang kasigurahan, walang katiyakan kung matutupad iyon? Aasa ka ba? Kung alam mo mismo sa sarili mo na malabo ang inaasam mong happy ever after? Or will you hol...