Kabanata 7
Gusto kong matawa sa lumabas mula sa bibig ng lalaking ito. Base sa mga insulto niya sa akin nitong mga nakaraang araw at kahapon, mahirap paniwalaan ang mga katagang iyon.
“Nagpapatawa ka ba?” I asked, sarcastic.
The humor on his face fell. It flashed an emotion of fury that he was trying to conceal.
“Mukha ba akong nagpapatawa?” Malamig niyang tanong imbis na sagotin ang tanong ko.
Matapang kong sinalubong ang apoy sa mga mata niya. Hinding-hindi ako magpapatupok sa mga ito.
I will never bare myself to anyone; not even to Zhigor. Kung nakita man niya iyon noon, it was just the tip of the iceberg. Hindi ko man sinasabi, pero nakakatakot na makita qt malaman ng mundo ang tunay na nararamdaman mo.
“Nakakatawa kasi ang panghuling benefit.” Seryoso kong sabi.
Bumuga siya ng malakas na hangin na tila ba parang pinipigilan niya ang sariling huwag pumutok sa harap ko. His stubborn jaw clenched while his deep eyes pierced through mine with burning virulence. His palms were fisted as well ready to throw a fit anytime.
Humalukipkip ako sa harap niya at sinalubong din gamit ang walang emosyong mga mata ko ang maaalab niyang mga mata. I can see through his soul that he was immensely pissed at the view— my enigmatic vague face.
“Saang sulok ba ng sinabi ko ang nakakatawa roon?” he asked again, this time his voice became more cold and distant.
I tugged the left side of my lips which I believed ignited the fire more in his system.
“Lahat ng sulok,” mapanuya kong tugon. “Nagtataka kasi ako kung bakit nag-ooffer ka ng pagpapatawad kung ganoong galit na galit ka naman sa akin…” dagdag ko pa.
“Tama ka, galit nga ako sa iyo.” Sang-ayon naman niya.
Alam ko. Kaya nga diba umqlis na lang ako sa opisina niya kahapon.
“Pero kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo.” Matalim niya akong tinitigan.
“Sa pamamagitab ng pagiging P.A mo? Ganoon ba iyon, Zhigor?”
“So Zhigor na ako at hindi na Mr. Lorcan?” imbis na sagotin ako sa tanong ay iyon ang lumabas mula sa bibig niya.
Palihim akong huminga ng malalim bago siya pinukol ng matalim na tingin. “Makakaalis ka na.” sabi ko sabay tayo.
Aakmang lalagpasan ko siya nang bigla dumampi ang palad niya sa palapulsohan ko at hinila ako papunta sa kanya hanggang sa mawalan ako ng balanse. Bumagsak ako sa mga hita niya.
“It’s Zhiggy. Not Zhigor nor Mr. Lorcan.” Matigas niyang deklara habang mahigpit na nakapulupot ang mga braso sa beywang ko.
Amoy na amoy ko ang hininga niya dahil halos magkadikit na ang aming noo sa isa’t-isa. Pero nang matauhan ako sa ginawa niya, mabilis akong kumawala sa kanya at tumayo ng tuwid saka hinarap siya ng walang emosyon.
“Umalis ka na. Hindi ko kailangan ang job offer mo.” Malamig pa sa yelo ang pagkabigkas ko ng mga salitang iyon at tumalikod na sa kanya.
BINABASA MO ANG
Memory in the Street (Paraiso Series #3)
RomanceShe left everything behind a decade ago including that one person who never invalidated her hardwork. When he professed his affection, the young Karina Calixta Bambini had already decided to get lost in the wilderness. It was like the wrong time bec...