Kabanata 25
Minsan sa sobrang pagtitiwala, hindi mo naiisip na maaari ka palang traydorin ng taong pingkakatiwalaan mo.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sakit, poot at galit. Iyong tipong nais mo ng taposin lahat pero hindi pwedi.
I just can’t fathom the fact of what he did. It was deep, can’t be measured and I don’t even wanna know if there is an end of it.
He betrayed me.
He fucking betrayed me… and our child.
Alam niya kung anong pinagdaanan ko sa kamay ng mga magulang ko. Alam niya ang impyernong dinanas ko noon. Alam niyang sugatan ang puso ko dahil sa nakaraan ko.
And yet… he made a deal with the devil.
Ganoon na ba siya ka-uhaw sa pera’t kapangyarihan? Na kaya niya akong ipagpalit sa pera? Na kaya niyang ibalik sa rehas ng impyerno pati ang sarili niyang anak?
I doubt Zhigor had no idea. Hindi ako naniniwalang hindi siya nag hihinala na baka may nabou na. We never used protection!
Kung pera lang pala ang habol ni Zhigor kung kaya’t gusto niyang mapalapit sa akin ulit, pwes hindi ako papayag kung ang kapalit nun ay babalik sa mga magulang ko.
Hindi ako babalik lalo na’t may anak na ako.
Hindi ako papayag na maranasan ng anak ko ang apoy na muntik ng tumupok ng bou sa akin.
My baby will have a good life. Kahit mag-isa lang ako, itataguyod ko siya. Bibigyan ko siya ng magandang buhay. Mamahalin ko siya sa paraang hindi naibigay sa akin.
Pinagkasiya ko ang sarili noon sa masasakit na trato at salita niya. Iyon ay dahil sa nagawa ko noon. Kaya minsan napaisip din ako, baka nga siguro ay biglang naging maayos ang trato ni Zhigor sa akin ay dahil may pakay siya.
Mayroon nga.
Iyong investment ng halimaw kong tatay.
At baka mayroon pa siyang ibang pakay.
Revenge? Maybe.
Hindi iyon imposible.
Tanaw ko ang malawak na karagatan. Sa labas ng maliit na bahay ay nakahanap ako ng kahit papaanong kapayapaan sa kabila ng halo-halong na nararamdaman.
Mahinang humahampas ang mga alon sa mabatong baybayin habang humahalik sa pisnge ko ang simoy ng hangin mula sa dagat. It felt refreshing and calming despite the turmoil I’ve been through.
Sout ang bestidang asul, nakaupo ako sa mahabang kawayang upoan habang hinihintay ang pagdaong ng mga mangingisda. Hinihintay ko sila upang makabili ako ng isda para mag eskabetse. Iyon ang lagi kong gustong kainin.
I sighed when I remembered it was his favorite dish. Pero wala akong magagawa dahil iyon talaga ang gusto kong kainin… o ng anak ko.
“Ate Karita! Hi po!”
Natigil ang pag-iisip ko at napalingon sa pinanggalingan ng matinis na boses.
“Hannah.” I beamed at the little girl who stood before the bamboo fence. “Pasok ka.”
She gently pushed the bamboo fence’s gate and went closer to my direction. Umupo siya sa bakanteng espasyo at inilahad ang kamay.
“Baka po gusto niyo, pearls.” She offered.
“Saan mo ‘to nakuha?” I asked while I took the pearls. There were only four of them.
Binebenta niya iyon para magkapera. Sa murang edad ay mulat na si Hannah sa reyalidad. Nakilala ko siya noong unang buwan ko rito sa Sagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/252027241-288-k474248.jpg)
BINABASA MO ANG
Memory in the Street (Paraiso Series #3)
Любовные романыShe left everything behind a decade ago including that one person who never invalidated her hardwork. When he professed his affection, the young Karina Calixta Bambini had already decided to get lost in the wilderness. It was like the wrong time bec...