Kabanata 16
“Clean it at least twice on a daily basis, Miss Bambini. Here’s your prescription.” Nakangiting bigkas nung doktora na tumingin sa sugat ko.
Tinanggap ko ang prescription at nginitian din siya pabalik kahit hindi naman umaayon ang mga mata ko.
“Salamat, doc.” I said before standing up.
“No worries, Miss Bambini. Just follow my instructions and it’ll get better in no time.” Aniya ng nakangiti pa rin.
After we had our breakfast who was prepared again by none other than, Zhigor, we went to the hospital for my wound. Hindi na ako umangal sa gusto ni Zhigor dahil alam kong mahaba-habang argumento na naman iyon kapag hindi ako papayag.
I went out from her clinic in this hospital at tinungo si Zhigor na nakaupo sa waiting area habang na sa tainga nito ang cellphone niya. Lumapit ako sa kanya at nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo kahiy may kausap pa sa telepono.
“Review their proposal then bring it home later. Sa bahay ko na iyon pepermahan, Sybil.” Rinig kong sabi ni Zhigor.
Ibinulsa niya ang teleponong hawak at inalagay niya sa beywang ko ang isang kamay.
“How’s the check up baby?” he towered me and then kissed my head.
“Linisin lang daw tapos may gamot din siyang ibinigay para mas madaling mag hilom ang sugat.” Sagot ko.
Tumango naman siya at pinagsiklop ang mga daliri namin na ikinahataw na naman ng puso ko. Hindi ko na alng iyon pinansin at hinayaan na lang ang mga daliri niyang nakatali sa akin.
“Where do you want to go then?” Tanong niya habang naglalakad na kami sa hallway ng hospital patungo sa labasan nito.
“Hindi ka ba talaga papasok sa opisina?” I asked instead of answering his query.
He chuckled. “Kagabi mo pa tinatanong ‘yan. Hindi nga ako papasok kasi hindi pa naghihilom ang sugat mo.”
“Kaya ko namang alagaan ang sarili ko, Zhigor.” Ngumuso ako.
Humigpit ang pagsiklop niya sa mga daliri namin na para bang ayaw niya itong mabuwag at kailangang manatiling ganoon lang iyon habangbuhay.
“I know, baby. Pero gusto kong bumawi sa’yo dahil alam mo na…” aniya sa mahinang boses. “And I also want to take care of my baby Karita and spend time with her...”
I felt my cheeks flushed at what he said. Kahit naman walang ekpresyon ang mukha ko ay namumula pa rin naman ako lalo na’t si Zhigor iyon. His sweet assaults always crept into my system that even if how mastered am I with keeping my emotions under control, somehow he could manage to unleash them from the cafe.
Hindi ko siya sinagot dahil kahit ibuka ko pa ang bibig ko ay wala namang salita ang namumutawi. Cat definitely got my tongue.
After my appointment in the hospital, we were inside his luxury car again. And now he was driving with no destination at ten in the morning.
“Roadtrip tayo?” he glanced at me who was seated on his passenger seat.
“Akala ko ba uuwi tayo sa bahay mo?” I asked because that was he said last night.
“Yes uuwi tayo roon. Pero baka gusto mong mag road trip.”
Umiling ako. Nakakapagod mag road trip sa abalang daan at tirik na tirik ang araw. Saka nakakapanghina ang traffic lalo na’t working day pa ngayon, maraming transactions. Buti nga kanina sa hospital ay maaga kami at nauna akong macheck.
![](https://img.wattpad.com/cover/252027241-288-k474248.jpg)
BINABASA MO ANG
Memory in the Street (Paraiso Series #3)
RomanceShe left everything behind a decade ago including that one person who never invalidated her hardwork. When he professed his affection, the young Karina Calixta Bambini had already decided to get lost in the wilderness. It was like the wrong time bec...