Kabanata 15

49 2 0
                                    

Kabanata 15

“I’m so sorry, Karita…” humihikbing sabi ni Zhigor habang nakayakap siya sa akin.

Para naman akong natulos sa kinatatayoan ko habang umiiyak si Zhigor sa balikat ko. I couldn’t even move because I was too shocked and rooted in place. Hindi ko inaasahan ito.

“I’m sorry… h-huwag m-mo akong i-iwan Karita…” he kept repeating those words and sobbed his heart out.

From being shocked, unti-unti akong nakabawi pero parang pinipiraso ang puso ko habang walang humpay na umiiyak si Zhigor sa balikat ko. Yumuyogyog pa ang balikat niya at ang higpit-higpit ng yakap niya na tila ba kapah pinakawalan niya ako ay mawawala na talaga ako ng tuloyan.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag kakaganito. While my heart tightened at his state, my mind was also baffled at his sudden breakdown.

“Zhigor… ‘yong sugat ko…” mahina kong daing dahil naiipit ng braso ni Zhigor ang sugat sa may braso ko.

Doon lang natauhan si Zhigor at dahan-dahang kumalas sa akin. Sinalubong niya ang mga mata ko at doon ko lang lang nakita ang mga kulay ng mga mata niya. Those eyes that caught my attention…

But I got distracted when his palm touched my cheek, softly caressing it like it was the most delicate thing in the room.

“Karita…” he called my name softly again.

I was about to answer him when I saw a group of individuals passed by my unit. That’s when I realized, I was not able to close the door behind. And Zhigor was also too preoccupied to even notice the door as well.

Sinarado ko ang pintoan bago siya nilingon ulit. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa sala upang makaupo kami roon. Wala namang pagtutol mula kay Zhigor at tahimik lang siyang sumunod sa akin.

“Anong ginagawa mo rito?” pilit kong pinatigas ang boses ko.

Tumingin lang sa akin si Zhigor gamit ang pagod niyang asul at berdeng mga mata. He looked worn out and stressed. There were also bags under his eyes and he had these days old whiskers. Gusot din ang sout niyang damit. But what stunned me again was when he moved and settled himself in front of me… and slowly with bended knees he looked up to me.

My eyes bulged. Muntik ng malaglag ang panga ko buti na lang at kinontrol ko. Even with my expressionless face, in the inside I was surprised at his sudden move.

“Alam kong nasaktan kita… I threw hate words and ill judgements to you Karita and… I did not appreciate what you did in the restaurant to protect me…” ang huling mga salita ay tila naging bulong pero naririnig ko pa rin iyon.

“I’m a jerk for hurting you…” his eyes started to water again.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman ngayon. Tila halo-halo kasi ang mga ito. Aaminin kong nasaktan ako ni Zhigor sa mga salita niya. Hindi naman ako bato para hindi makaramdam. Oo nga’t walang emosyon ang mukha ko pero may pakiramdam pa rin ako.

Gusto kong sumbatan si Zhigor sa lahat ng masasakit na sinabi niya subalit sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko noon, parang deserve ko naman yata ‘yon.

“Deserve ko naman ‘yon…” mahina kong sambit at umiwas ng tingin.

“No… no one deserves to be treated like trash…” aniya at hinagilap ang mga kamay ko.

Malakas na kumabog ang puso ko kahit na humahapdi ito sa sakit.

“Sinaktan kita, Zhigor… hindi ko deserve ang kabaitan mo… please tumayo ka na…”

Memory in the Street (Paraiso Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon