Kabanata 24
Trigger Warning: Sexual harassment, physical abuse, violence and attempt suicide.
“Is she your daughter, Karen?” Tanong ng isa sa mga amiga ni mama.
I looked at my mom. She glanced at me with a glare. Pinisil ko ang dulo ng aking daliri habang pilit ang ngiti sa gilid niya. Kaharap ko ang isang sopistikadang babae.
My mother chuckled but I know it was forced. It’s always like this. Sa tuwing umaalis si mama upang makipagkita sa mga amiga niya ay madalas hindi ako sinasama. Kung isasama man ay rekomendasiyon iyon ng etiquette teacher ko.
“Yes, Mercedes. She’s my… daughter.” Tila parang bulong ang panghuling salita.
Tumawa ang babaeng kausap niya habang tinatakpan ang kalahati ng mukha gamit ang mamahaling pamaypay.
“Hindi kayo magkamukha. Mana sa tatay?” She trailed that I almost prayed to be swallowed in my seat.
Sa tuwing nasasama ako sa mga ganitong pagtitipon ng mama ay tila parang pinapamukha nila sa akin na kakaiba ako. Kahit anong peke nila ng tawa ay ramdam ko iyon.
Sumulyap ako sa babae. May maliit na ngiti lang ako sa labi habang nakatingin sa kaniya.
“Her eyes though. Sana man lang sa iyo nakuha, Karen.” Sambit nung isa pang kasama namin.
My mother rolled her eyes and laughed. Hindi niya sinagot iyon. Hindi ko alam pero parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko.
I know hindi ko kamukha ang mama ko. Wala naman akong pakealam doon. Pero bakit tila ay big deal sa mga kaibigan niya?
“Is it fine with you? You know, it was your dream that your daughter would took after you…”
Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Nagtagal ang tingin ko roon. Iyong Mercedes pala.
Anong ibig niyang sabihin? Na ayaw sa akin ng mama ko dahil hindi ko natupad ang pangarap ng mama ko? Hindi ko naman kasalanan kung bakit ganito ang boung pagkatao ko ah.
“Of course, not.” My mom replied. Tila gumuho ang mundo ko roon.
It was really a bad idea coming with her. Bakit ba iyon naisip ng guro ko? Kaya ko namang aralin iyong tinuturo niya ng hindi nakikipaghalubilo.
“But I’m training her to be like me. Hindi pweding hindi siya maging parehas sa akin, Mercedes.” My mom added after sipping on her glass of wine.
“She’s taking etiquette and development classes. She’ll be a fine lady. Right Karita?” Matalim ang tingin ng mama kahit nakangiti sa akin. “You won’t disappoint your mother, right?”
“Yes, Mama.” Mahina ang sagot ko.
I heard their laughters but I chose to shut their voices by focusing on my plate.
Tumagal ang usapan nila hanggang sa mag alas singko ng hapon. Saka lang kami umuwi. Napahinga ako ng maluwag at parang nabunotan ng tinik ang dibdib ko.
I felt suffocated earlier.
Nang makarating sa bahay ay hindi na ako pinansin ng mama. Malamang ay napahiya ko na naman siya kanina sa mga amiga niya.
They expected that her daughter would be as sophisticated and elegant as her. My mother was a beauty queen and model in her younger years. At hanggang ngayon, she still has the body kahit medyo may edad na.
BINABASA MO ANG
Memory in the Street (Paraiso Series #3)
RomanceShe left everything behind a decade ago including that one person who never invalidated her hardwork. When he professed his affection, the young Karina Calixta Bambini had already decided to get lost in the wilderness. It was like the wrong time bec...