Kabanata 8

46 3 0
                                    

Kabanata 8

“Ito ang magiging silid mo, Ms. Bambini.” Ani ng secretary ni Zhigor sa mala-mansion din niyang bahay dito sa Cebu.

Tumango ako sa kanya. “Salamat.”

“May closet sa loob at naroon ang dapat mong soutin sa araw-araw na kasama mo si Mr. Lorcan.” Dagdag niya.

Tumango ulit ako pero hindi na umimik.

“I’ll take my leave, Ms. Bambini.”

Nang umalis si Sybil, ang secretary ni Zhigor, pinihit ko ang doorknob sa pintoan papunta sa silid ko. Nang mabuksan ko iyon, tumambad sa akin ang silid na kasize ng apartment unit ko.

It looked neatly organized. Hindi man siya gaanong magara pero desenteng silid pa rin. It has white interiors with a sliding glass window covered with white curtains as well.

Pumasok ako sa loob at inilapag ang dalang bag saka umupo sa may bench sa paanan ng queen size bed. It’s sheets and pillows are all in white.

The whole room was painted with nothingness. The walls were bare except for the 72-inches Smart TV resting on the wall facing the bed. Sa dalawang gilid nung pinaglalagyan ng TV ay may dalawang puting pintoan.

Actually last night, when I affirmed to take the job, I did not expect to be put into a room of comfort. Yes, I treat this as a room of comfort dahil maayos naman siya. Though it’s bare, atleast it’s clean. Alam kong galit si Zhigor sa akin kaya assumed na ibibigay niya sa akin ang pinakapangit na silid sa bahay niya.

Tumayo ako para sana suriin ang dalawang pintoan nang may kumatok sa pintoan. Tinungo ko iyon at binuksan sa isipang baka bumalik si Sybil ay may karagdagang impormasyon. Siya kasi ang nagbigay alam sa akin patungkol sa bahay ni Zhigor.

After our conversation last night, hindi na ako kinausap ni Zhigor. The morning I woke up, he already left. It was Sybil who fetched and drove me here since the village was strict with not listed individuals visiting inside. At may meeting daw na dinalohan si Zhigor.

Subalit hindi ang taong inaasahan ko ang nasa labas. Tumambas sa akin si Zhigor na bagong paligo at nakapamulsa. He was wearing a white v-neck shirt and some sweatpants kung hindi ako nagkakamali.

“Okay lang ba ang silid mo?” he asked.

Tumango ako. “Okay lang. Salamat.”

“Hindi ko pinalagyan ng mga dekorasyon ang silid mo dahil baka hindi ka komportable.” Aniya habang pinapalibot ang mga mata sa boung silid.

“Okay lang, Sir Zhi—”

“Zhiggy. It’s Zhiggy, Karita. Not Sir Zhigor nor Mr. Lorcan.” May talim sa boses niya.

Tumango ako para wala ng argumento. Simula ngayon, hindi ko na pweding sagot-sagotin si Zhigor. Boss ko na siya at kailangan respetohin ko siya.

“Wala akong kasambahay dito at palaging busy si Sybil sa kompanya ko kaya ikaw ang laging maghahanda ng pagkain ko. Ikaw rin ang maghahanda ng mga damit ko at maglalaba ng mga iyon. Sasamahan mo rin ako kahit saan ako pupunta kung kaya’t stay in ka sa bahay ko. Tuwing Sabado, hindi ako umaalis kaya lilinis mo rin ang boung bahay. Sa linggo naman ay iyong day off.”

“Yes, sir.” Sang-ayon ko sa sinabi niya.

“Ang silid ko ay nasa itaas, left wing. Ang silid naman ni Sybil ay ang katapat nitong silid mo. Kung may kailangan ka, kumatok ka lang sa pintoan ni Sybil.” Dagdag niya.

Tumango ulit ako habang tahimik. Wala naman kasi akong masabi saka ayaw kong magsalita. Bou na sana ang isip ko na hindi ako magsasalita nang maalala ko ang tunay na pakay ko sa pagtanggap ng trabahong ito.

Memory in the Street (Paraiso Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon