Kabanata 29

46 1 0
                                    


Kabanata 29

I closed the window weakly. Ngumuso ako. Bagsak ang balikat. The pain in my chest was cruel. It's like something inside me was tortured while slowly dying.

Tinatanong ko ang sarili kung mabuti bang paalisin ko na siya boung buhay ko kagabi. At ito na nga ang kasagotan. He granted my wish. My stupid and reckless wish. It was stupid and reckless because all I could think about when I said those words were my pent up anger towards him and my family.

Pero sa nararamdaman ko ngayon ay tila parang mali ang naging desisyon ko. I was in affliction when I learned about Zhigor's deals with my father. But I did know that it felt like in death bed to actually lose him forever.

Napahawak ako sa tiyan. This angel will forever remind me of the love I have for him.

And I know, lilipas man ang panahon ay paniguradong hinding-hindi kailanman mapapalitan ang espasyong inilaan ko para sa kaniya. We may have been together for fleeting months but I know those moments we shared together will forever be engraved in my soul.

Sa paggising sa umaga hanggang sa pagpikit ng aking mga mata, siya lang ang magiging tahanan ng pusong ito.

Maybe this is the universe's sign that in this lifetime, I will never be tied to anyone. Oo nga't hindi ako mag-iisa sa laban ng buhay dahil may anak naman ako, pero iyong pagmamahal na si Zhigor lang ang makakapagbigay ay hindi para sa akin.

There are things in this world that no matter how much we want them, they can never be ours to keep. Tinulak ko man palayo si Zhigor, pero hindi ko rin maitatangging ninais ko na makasama siya hanggang sa dulo ng buhay. But maybe, our love was not meant for us. Our love was maybe just a phase of our individual growth.

I realized that kahit anong mangyari, kahit ano pang bagyo ang pilit wasakin ka, hindi dapat nagpapatalo. Kailangang lumaban kahit na sugatan. The world won't stop its business just because someone is hurt or wounded. Hindi ganoon ang laban ng buhay. Maaaring magpahinga ngunit ang sumuko ay hindi puwedi. It's either you take a deep breath and then swim again or you drown and die.

Kaya natin 'to anak. Kahit wala ang ama mo, kakayanin natin.

Kapag dumating man ang panahon na hahanapin mo ang ama mo, hindi ko iyon ipagkakait sa'yo. Kung nais mo ring puntahan ang ama mo, hindi kita pipigilan. 

Binabawi ko na, kailangan mo ng ama.

Kahit anong hidwaan mayroon kami ni Zhigor ay hinding-hindi ko ipagkakait sa anak ko ang pagkakataong maibigay na makilala man lang ang ama niya.

Umatras ako mula sa bintanang sinilip pero napalingon din sa likuran ang may matigas na bagay na tumama sa paa ko. Nang lingonin ko iyon, napakunot ang noo ko dahil may dalawang navy blue na maleta ang nakatayo. Hindi ko yata iyon napansin kanina dahil sakop ng pag-asang naroon si Zhigor sa labas ng bahay ang isipan ko.

Kuryoso, nilapitan ko ang dalawang maletang naroon at walang pasubaling pinaraan ang zipper sa gilid. Nang mabuksan ko iyon, agad kong sinuri ang laman. Napakunot ang noo ko roon.

Mga damit panlalaki ang naroon. Mga t-shirts, poloshirts, longsleeves, pantalon, slacks at boxers. Uminit ang pisnge ko nang mahawakan ko ang boxers. Naalala ko tuloy ang boxers ni Zhigor noon. Ganitong-ganito iyon gaya ng hawak ko ngayon. Itim tapos malaki---

Natigil ako sa pag-iisip. Napatitig ako sa boxers na hawak. Hindi kaya...

Sumibol muli gaya ng panibagong araw ang pag-asa sa akin dahil sa naisip. Agad kong binitawan iyon at hinanap siya. 

I went outside and look for him but there were no signs. Bumalik ulit ako sa loob, malakas ang tahip ng dibdib habang habol ang hininga.

Sunod kong pinuntahan ay ang kusina. Papasok pa lang ako ay nanoot na sa ilong ko ang magandang amoy dahilan kung bakit nawaglit sa isipan ko ang posibilidad na narito siya. Agad kong hinanap iyon at dinala ako sa may lamesa. May nakahandang agahan roon.

Memory in the Street (Paraiso Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon