KBNT 7

13.3K 314 8
                                    

HOLY'S POV

Dalawang Araw.

Binigyan ako ng bagong kong amo ng dalawang araw para makapaghanda sa lahat.

Mula sa paglipat at pagkuha ng ko ng mga gamit sa apartment, pagsaulo sa mga paborito niyang pagkain at ang schedule niya kung kailan ko lulutuan ng agahan, meryenda, tanghalian, at hapunan kapag nasa bahay lang ito hanggang sa pagkuha ng mga requirements na singhaba ng listahan ko ng utang kila Aling Maring.

Ang haba talaga parang uumaabot sa talampakan ko sa dami. Oo talagang may requirementsssssssss!

Ang daming S, daig niya ang kumuha ng visa at passport!
Kailangan daw nito ng Form 137, birth certificate, police clearance, barangay clearance, valid Id at maraming marami pang iba. At take note: 5 copies each!

Akala ko magiging madali lang ang buhay ko sa mga kamay niya. Hindi pala.

Hindi pa nga ako sumesweldo ay gumagastos na ako.

Pero keri lang mga dzaii, kesa sa wala at maghanap pa ako. ng trabaho na walang kasiguraduhan kung matatanggap ba.

May mga requirements din naman kung sa iba ako mag aapply. Kaya push na.

Kahapon lamang ako napapayag na magtrabaho dito nang mag- usap kami sa opisina nito. Oh diba ang bilis naman talaga ng mga galawan kapag isa kang dalagang Pilina.

Naniniwala akong hindi ako tanga at lalong hindi siya bobo.

Marupok lang talaga ang lola niyo!

Kailangan kong kumapit sa patalim para naman matustusan ang mga kailangan ko bilang tao.

Binabaybay ko na ngayon ang daan patungo sa kanyang apartment lulan nang taxi upang kunin ang lahat ng gamit at damit ko. Ngayon ang unang araw para makapaghanda ako.

Nang marating ang apartment ay agad akong bumaba ng taxi at nagbayad. Tiningala ko muna ang 3 storey building na naging tahanan ko ng apat na taon.

Marami akong alaala sa lugar na ito. Kasama na ang walang humpay na pagbubunganga landlady ko kada umaga kapag hindi ako nakakabayad ng renta, mukha kasi itong pera, delayed lang ako ng kaunti ay parang machine gun ang bibig nito. Kala niya naman milyon yung utang ko sa kanya.

May mga masayang alaala din ako dito pero mas marami ang mga walang-kwenta.

Napabuntong-hininga ako, hindi ko aakalain na aalis na ako dito.

Inakyat ko ang hagdan. Oo hagdanan walang elevator dito kaya magtiis kang umakyat baba araw araw. Mabuti na lamang at nasa second floor lang naroroon ang kwarto ko.

Nang maabot ang palapag ay agad kong hinanap ang room 19 nasa pinakadulong bahagi iyun.

Habang papalapit ako sa inuupahang kwarto ay tila ba nagkakagulo at may mga tao.

May nakikita akong dalawang lalaki at isang babae.
Tiningnan ko ang mga ito ng husto.

T.Teka! Landlady niya yun ah!

Bakit may kasama itong dalawang lalaki?

At parang may hinahakot na mga gamit?

Hala! Mga gamit ko yun!
Inilalabas ng mga ito ang mga gamit ko!

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon